Kabanata 5

1.5K 26 3
                                    

  K a b a n a t a 5



Mabigat ang talukap ng aking mga mata, putting ceiling ang bumungad sa akin, nahagip din ng aking mga mata ang pamilyar na wall clock na nakasabit. Nasa kwarto ko ako? Pinilit kong mapatayo kaya ngunit natigilan ako ng makita kung sino sino ang taong nasa loob ng kwarto ko.

Muling bumalik ang paningin ko sa wall clock, madaling araw na pero nandito sila sa aking kwarto. May nakakabit na dextrose sa akin at may mga machine sa gilid ko na hindi ko malaman kung para saan ba. Sa gilid ko ay si Daddy. Mahimbing siyang natutulog. Napaungol ako ng maramdaman ang sakit sa aking tiyan at sa mukha.

Muli ay kinain ako ng pagkaantok, at sa pag-gising ko ay halo halong boses na ang naririnig ko. Maingay sila at para bang nagtatalo talo pa.

"God! You promised me! Altus, that she won't get hurt! But what happened?" boses iyon ni Tita Momma. "Kung ganito lang pala ang mangyayari sa bata ay mas mabuti pa na sa akin na muli siya tumira! I should have owned her custody!"

Tanging ang boses lamang ni Tita Momma ang naririnig ko sa apat na sulok ng aking kwarto, galit nag alit ang boses niya at punong puno ng poot, dahan dahan kong ibinukas ang mga mata ko pilit na pinakikinggan ang pagtatalo nila ni Daddy.

"Don't blame for what happened! And can you calm down? Hindi pa patay ang anak ko—"

"Hindi pa nga siya patay! Pero muntikan na siyang mamatay! Dahil sa kapabayaan mo!" Muling sigaw niya at itinuro turo pa ang aking ama. Sa gilid niya ay ang anak na si Falacer.

Habang nakaupo naman sa couch ang magkapatid na Lamuniere. Napakamot sa kanyang ulo si Daddy para bang hirap na hirap sa pagkausap sa aking Tita Momma.

"Hindi ko pinabayaan ang anak ko, Jennie" mahinahon ngunit mariing saad ng aking ama. Magsasalita pa sana si Tita Momma ngunit agad na lumapit si Falacer sa akin ng magtama ang aming mga mata.

"Are you alright? How are you feeling?" Nag-aalala niyang tanong.

Nakakatuwa na concern siya sa akin, kahit na lagi niya akong inaaway dahil ayaw niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya upang ipakitang ayos lang naman ako, nagsisunuran na sina Tita Momma at Daddy at ang mgakapatid na Lamuniere sa pagdalo sa akin.

Hinawakan ni Daddy ang kamay ko at marahang hinaplos iyon. Kitang kita ko ang pagkabalisa niya, ang pagod sa kanyang itsura. Gusto kong maiyak dahil pinag-alala ko sila ng sobra. Pumikit ako ng mariin, dinadama ang lahat ng nangyari sa akin.

"Anak, Carmentis... how are you feeling hija?" tanong ni Tita Momma at inaayos ang buhok ko.

"A-ayos lang po ako.." namamalat kong tugon.

"I'll get some water" bumaling ako kay Falacer ng sabihin niya iyon. Tinanguhan niya lang ako at mabilis na umalis ng aking kwarto.

"Hija, two days kang unconscious, masakit pa ba ang mga sugat mo?" Kinapa kappa ni Tita Momma ang mga parteng masakit sa akin kaya naman napa iktad ako. "Oh! I'm sorry!"

"It's okay... masakit pa din po ang mukha at parteng tiyan ko" anas ko. Dahil parang tinutusok tusok ako duon.

"Humanda sa akin lahat ng nanakit sayo, ano ba namang klaseng school yan at nananakit ang mga estudyante!"gigil niyang saad at sinuklay ang buhok ko.

"You should drink your medicines now," anas ni Daddy at kinuha ang tubig kay Falacer at inabot sa akin ang tubig at gamot.

Dahan dahan akong tumayo at agad na kinuha ang inabot sa akin ng ama. Mabilis koi tong ininom at inayos ang aking sarili. Nawawala ang sakit ng mga sugat ko, inalala ko ang ginawa sa akin ni Zarrez at ng mga kaibigan niya. Agad kong naisip ang kaibigan.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon