Kabanata 26

977 12 2
                                    

Kabanata 26



"Anong ginagawa mo dito? Ah! What I mean is, what are you doing here?" histerya kong anas sa kanya habang siya ay wala manlang pagkagulat dahil nakita niya ako.

"Aletha, hija, ang manners mo." Sawata sa akin ni Mammu, "Ah, amiga this is my granddaughter, Aletha, this is my Amiga and his Son, Winter"

Automatic na lumaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mammu, so the Amiga she was referring to is the mother of this guy, my goodness hindi ko alam kung paano ko ba ieeksplina kay Mammu na hindi ko gusto ang lalaking ito, at ang weird niya hindi manlang siya nagulantang na makita ako sa umaga.

Hindi kaya alam na niya na dito siya sa bahay namin pupunta? Lumapit si Mammu sa akin at inalalayan akong umupo sa aking upuan, sa harap ng lalaking malademonyo ang pagkakangiti so alam nga niya na dito sila pupunta ng Mama niya? Matagal na din niya kayang alam na dito ako nakatira? Kaya ba niya ako inapproach nung nakaraan hindi dahil sa nakita niya talaga ang binabasa ko o dahil alam niya at ang mama niya mismo ang tumulong kay Mammu upang makakuha ako ng slot sa unibersidad na iyon?

Nasa isip ko palang ang mga bagay na iyon at wala pang kasagutan ay sumasakit na ang aking ulo.

"Hija, hindi mo manlang inayos ang sarili mo." Untag sa akin ni Mammu.

"Hindi ko naman po alam na may bisita kayo." Nakasimangot kong tugon kay Mammu, at umayos sa pagkakaupo ko.

"Pasensya ka na hija, at biglaan ang pagpunta namin netong si Winter"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng Mama niya, "Marunong po kayong magtagalog?" gulat kong turan, napaiktad ako dahil sa biglaang hampas ni Mammu sa akin.

Bakit? Masama bang magulat? Hindi ko akalain na marunong siyang magtagalog, base sa itsura niya ay malakas ang lahi ng pagkabanyaga ng kanyang dugo, paanong ganun ang nangyari? Hindi naman naikwento ni Mammu sa akin na marunong palang mag salita ng Filipino itong amiga niya, edi kung marunong siyang magtalog marunong din si Winter?

"Oo naman hija, Pilipina ako, half nga lang, nabalitaan kong sa iisang school lang pala kayo nitong si Winter, hindi ka naman niya naikwekwento sa akin, pero madalas ang pagkwekwento ko sa kanya about sayo hija," Tuwang tuwang anas ng kanyang mama at nagtawanan pa sila ni Mammu.

I'm doom, malamang hindi naman niya talaga ako ikwekwento sa mama niya dahil puros kalokohan lang naman ang alam niyang gawin sa school at ang mameste ng gaya ko.

"Mammu naman" anas ko habang inaabot ang tasa ng gatas ko. "Pasensya na po kayo sa mga nasabi ng Mammu, ganyan lang po talaga yan."

"Oh, Amiga? What can you say about Aletha?" nakangiting tanong ni Mammu habang hinihiwa ang bacon sa kanyang plato, bakit parang ang kalmado nila at ako lang ang kinakabahan sa aming apat sa mga oras na ito?

Teka bakit nga ba ako kinakabahan? Ano naman kung nandito si Winter Calaguas sa harapan ko ngayon? Kailangan mong maging kalmado Aletha Carmentis.

"Wala na akong masabi Amiga, it's too that your apo is very beautiful and elegant, I can also sense that she's a nice woman, maayos ang pagpapalaki mo sa kanya." Sopistikada niyang saad at sumubo sa kanyang pagkain.

Nagkunot ako ng noo, ano naman ang pinag uusapan ng dalawang ito? Bakit parang hindi ko sila maintindihan? Matagal bago natapos ang aming pag aalmusal at hindi pa umalis ang dalawa naming bisita, tila masaya sa pagkwekwentuhan ang dalawang matanda sa terasa at wala pa atang balak umuwi sina Winter.

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon