Kabanata 18

1K 19 2
                                    


K a b a n a t a 18



"Pasensya ka na kung hindi ako nagpasabi na dadalaw ako, I just really want to give you my gift personally and I really want to have a talk with you, Carmentis." Saad niya pagka-upong pagkaupo niya palang sa hapag kainan.



Naiilang naman na nginitian ko siya, masasanay naman siguro ako na hindi mailang sa kanya kalaunan, well, he wants to be friends with me ano bang dapat kong gawin dun? Pagkakaibigan lang naman ang hinihingi niya hindi naman dapat ipinagdadamot ang bagay na iyon.



"No problem with that, Andreuz, pasensya ka na at ako pa talaga ang naka abala sayo" paumanhin ko.


Isa isa nang nagdatingan ang mga katulong kasama si Manang na nakabusangot ngunit nang makita na kami ay nginitian na kami, mukhang madami silang nilutong tanghalian dahil narin siguro sa biglang pagdalaw nitong si Andreuz, nakakagulat naman kasi hindi ba? Tsaka hindi pa kami masyadong close ay kung makadalaw na siya okay okay lang, eh akala ko ba hindi big deal sa akin ang bagay na ito? Tsk.


"Nako, hijo pasensya ka na at kakaunti lamang ang maihahanda naming, hindi ka naman nagpasabi nadadalaw ka," saad ni Manang at ibinaba ang hawak hawak niyang malaking mangkok na naglalaman ng kanin agad namang natawa si Andreuz sa sinabi ng matanda.


"Nako po, ako po dapat ang humingi ng paumanhin, ni hindi manlang po ako nagpasabi, pero ayos naman nap o ang hinain niyo mukhang masarap po at mabango." Walang pasintabi at dirediretsong saad niya, ewan ko ba pero bakit at home na at home na siya sa bahay namin.


"Nako! Hijo, masarap akong magluto, oh, e siya bago pa tayo magkalimutan anong pangalan mo?" Napanganga ako sa sinabi ni Manang, kahit kailan talaga napakabusisi ng matandang ito.


Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha ng isang takal na kanin, kanina pa ako nagugutom kaya naman kumuha na ako ng mauulam ko at muling ibinalik ang tingin sa kanila nang magreact si Manang dahil sa sinabi ng binata.


"Ranz Andreuz Maverick Fang, po"


"Oh! Magkapangalan pala kayo ng batang Lamuniere!" parang natutuwang anas ni Manang, agad na nagkunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, magkapangalan sila ni L?


Kung ganoon ay may Andreuz din sa pangalan ni L? Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon, siguro nga hindi ko napagtutuunan ng pansin ang mga maliliit na bagay, dapat na siguro akong mag focus hindi lamang sa mga mahahalaga at malalaking bagay kundi sa mga maliit din dapat, napaka walang kwenta ko nan g mga nakakaraang araw, hays.


"Ah, ganoon po ba? Si L, ho ba ang tinutukoy niyo?" seryosong saad ni Andreuz sa matandang kausap.


Tumango naman si Manang habang ako naman ay sumusubo lang at pinakiinggan sila. "Oo, close si Carmentis sa batang Lamuniere, osya, maiwan ko na kayo."


"Sige po maraming salamat po,"


"Walang anuman, Hijo"

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon