Kabanata 40
Mabilis ang bawat galaw ko, hindi ko na nagawa pang itiklop ng maayos ang mga dadalhin kong damit, kahit na kokonti ang dinala ko papunta dito ay naguguluhan ako kung bakit parang ang dami ko palang dala nopng umalis ako ng Maynila. Kabadong kabado ako habang ang kapatid ko naman ay nakasandal lang sa pintuan ng aking kwarto pinanonood akong mataranta.
Umismid ako sa kanya ng lagpasan siya upang kuhain ang ilang gamit ko pa na nasa table. Kunot lamang ang kanyang noo habang pinanonood ako nagmamadali. Bawat kilos ko ay mahalaga, hindi na ako pwede pang magtagal dito sa bahay.
“So, this means you are choosing Winter?” ungot ng aking kapatid, bumaling ako sa kanya at inilingan siya.
Hindi, hindi ko pinipili si Winter, hindi ko siya kayang saktan ng sobra, pero ang marinig mismo sa kanya na nadito na siya Pilipinas kasama si Mammu ay nagpatindig ng aking balahibo. Ano ang ginagawa niya dito at dinala niya pa ang lola ko? Hindi kaya? Mabilis akong umiling para mawala sa aking isipan ang kung ano anong ideyang hindi maganda.
“Eh bakit madaling madali ka? Bukas pa ng umaga ang alis natin!” saad ng kapatid ko sa naiinis na tono. Itinigil ko ang paglalagay ng mga gamit sa bag ko at bumaling sa kanya.
Umupo ako sa kama at tinitigan siyang maigi. Hindi ko alam kung ano baa ng ikinaiinis niya, wala namang mangyayari kung ngayon ang alis ko, at the end aalis pa din ako. Etong si Ace talaga.
“Kasama ni Winter si Mammu, iniintay niya ako sa Manila… at madami akong tanong sa kanya,” pagdadahilan ko.
Sa totoo lang, pagdating ko ng Maynila ay agad ko nang kakausapin si Winter upang itigil na ang dapat na matagal ng natigil sa amin. Hindi ko na siya kaya pang bigyan ng pag-asa ganun din si…. L. Kailangan ko din siyang makausap. Kailangang marinig ko mismo kay L ang lahat lahat ng ito, at kung bakit niya ginawa ito. Pwede namang sa ibang paraan na lamang hindi ba? Bakit kailangang gawin niya pa sa akin ang bagay na ito?
“Talaga bang si Mammu ang sasadyain mo?” Nakataas na ang isang kilay ni Ace at lumapit sa akin. Inayos niya ang bag ko at kalaunan ay naisarado na iyon. “Kung mahal mo si Winter ay kay Winter ka. Kailangan mo ding sumaya, hindi lang siya.”
Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ng aking kapatid, kailangan ko din sumaya… hindi lang siya. So tinatanggap ni Ace na hindi na nga talaga… ano bang iniisip mo Aletha? Nagdesisyon ka na diba? Gumising ka na sa realidad na hindi kayo ang para sa isa’t isa. Hindi kayo ang para sa isat isa. Isang malaking ilusyon lamang ang lahat ng iyon. Pinatikim lang pero hindi para sayo.
Pumikit ako ng mariin dahil sa mga naalala. “Magbibihis lang ako, iintayin kita sa baba. Uuwi na tayo ng Manila.” May awtoridad sa boses ng aking kapatid. Tumango ako sa kanya.
Nang makalabas siya ng aking kwarto ay bumaling ako sa aking mga gamit. Handa na ako. Kailangan kong maging handa, kung makakausap ko man si L, at mapagbibigyan ako ng pagkakataon na humingi ng kapatawaran sa kanya, sa lahat ng sakit na naidulot ko sa kanya, sa lahat ng bagay na nagawa ko para masaktan siya at maisip niyang maghiganti sa akin.
“Kasalanan ko ito…” bulong ko sa aking sarili papasok ng banyo, kailangan kong tapusin na ang bagay na ito. Huminga ako ng malalim at agad na binuksan ang shower.
Ng makalabas na sa banyo ay nagulat ako na wala na doon ang mga gamit ko. Mukhang binaba na ni Ace ang mga gamit ko ah? Nagpupunas ako ng aking buhok ng may kumatok, inintay koi tong magsalita.
“Aletha, pinapadiretso ka ni Ace sa kwarto ni Tita Priya..” it was Ram. Tumango ako at agad na binuskan ang pintuan. Nagulat siya ng makita ako, ngumiti lamang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Draw A Love (Mercadi Series #2)
RomanceIn which a simple girl is a member of those maniacs. Second book of DIARY OF A NYMPHOMANIAC, story of their daughter. Read at your own risks.