Kabanata 19

1K 20 0
                                    

Kabanata 19



(Note: This chapter has scenes that are not suitable for young audiences. Read at your own risks.)



Tila ba kinabahan ako ngunit lamang pa din sa akin ang excitement dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit may punishment na magaganap pero nag eexceed na ang utak ko sa kung anong klaseng punishment ba ang makukuha ko kay L.

He was silent for a long time, nagulat nalang ako ng may kulog at kidlat na sa daan namin. Bahagyang napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa nangyari at nakita, dinig na dinig ko sa pwesto ko ang bawat hininga niya, he remained silent as we reached his penthouse.

Napatingin ako sa kanya ng bumaba siya kahit na malakas na at mabilis na ang bagsak ng ulan, nagmamadaling sinundan ko din siya palabas, hindi niya manlang ako hinintay kaya naman tinakbo ang distansya naming dalawa pero hindi ko na talaga siya naabutan, ano nga namang magagawa ko e ang laki laki ng mga hakbang niya.

Tumigil na ako ng nasa tapat na ako ng penthouse dirediretso lamang siya sa loob, pinagpag ko pa ang suot kong damit dahil basang basa na ako. Nakakainis naman kasi bakit pa umulan ng ganitong kalakas, hindi ko alam kung pahiwatig ba ito ni God na hindi talaga maganda ang araw kong ito.

"Hays. Lord patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko." Anas ko habang inaayos ang basang basa kong damit.

"God damnit! Who told you to leave that car!?" Napabalikwas ako sa sigaw ni L kaya naman gulat na napatingin ako sa kanya, may hawak hawak siyang isang itim na payong at isang putting tuwalya. Kitang kita ko ang inis sa mga mukha niya dahil sa ginawa ko.

Mabilis na hinatak niya ako papasok ng penthouse niya, nakakahiya man dahil basang basa ako kumpara sa kanya ay kinuha ko pa din ang ibinigay niyang tuwalya, hindi na siya muling nagsalita at iniwan ako kung saan niya ako hinatak.

"Hmp. Ano bang ginawa ko sa kanya at nagkakaganun siya." Para akong tanga na kausap ang sarili ko habang pinupunasan ko ang katawan ko gamit ang tuwalya na ibinigay niya sa akin.

"You should take a shower, sa second floor" saad ni L habang nakatayo sa bukana ng hindi ko malaman kung kusina ba o kung ano man.

"Pero wala akong dalang damit, L" nakatungong saad ko.

"Use my clothes then—"

"Wala din akong underwear!" mabilis na tugon ko sa kanya.

Kitang kita ko ang pagkabigla niya maya maya pa ay nakita ko na sa bawat sulok ng labi niya ang nag uusbong na ngiti. Napangiti din ako dahil sa reaksyon niya.

"Wala na akong magagawa pa dyan?" he winked and walked pass by me. Hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya at sinundan ko nalang siya. Dahan dahan lamang ang paglalakad namin hanggang sa tumigil siya sa unang kwarto. Mabilis niyang binuksan iyon at pinapasok ako.

"I'll prepare one shirt and a short for you." He said calmly.

Lumunok ako ng makita kung gaano kalamig ang kwarto niya, para bang walang tumitira dito, walang kabuhay buhay. Nilingon ko siya at nginitian.

"Loose shirt please" anas ko at kinindatan din siya, mabilis na pumasok ako sa loob ng banyo niya at napatanga ako ng makita kung gaanong kaganda ang loob nito, mas malaki pa ito sa sarili kong banyo sa kwarto. Hmp.

Sinuri ko ang laman ng banyo niya, ganito pala siya ka well organized sa gamit ha? Nakakatuwa naman, binuksan ko ang drawer niya at natawa ako sa nakita ko, full of his underwears ano pa nga ba ang dapat kong I expect alangan naman na may mga undies ng babae dito? I know he's a womanizer but hindi naman siguro siya mag iimbak nang mga damit or undies ng mga babae diba?

Draw A Love (Mercadi Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon