The Mysterious Sculpture 2
NAKAHIGA NA ako sa kama ko nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang bumukas ang bintana ko at liparin ang mga kurtina.
Napabalikwas ako ng bangon. Bumaba ako ng kama at sumilip sa labas. Laking gulat ko nang makita kong payapa ang mga puno at iba pang nakapaligid dito. Kung gano'n ano ang dahilan at basta na lang humangin nang malakas?
Bigla akong kinilabutan. Hindi kaya may multo dito? Naturingan pa namang ancestral house 'to.
Isinara ko ang bintana at ni- lock iyong mabuti. Kailan pa ako natakot sa multo eh hindi nga ako nagpapaniwala sa mga bagay na 'yon? Baka dumaan lang ang hangin na iyon. Ikaw naman, Sofia.
Katatapos ko pa lang ayusin ang kurtina nang may umihip na malamig na hangin sa batok ko.
Nahimas ko iyon nang wala sa loob. Mabuti pang itulog ko na lang 'to. Hay naku. Guni- guni ko lang 'to.
Sumampa na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Bukas ko na lang iisipin ang mga bagay na gagawin ko habang nandito ako.
"Sophia..."
Naalimpungatan ako nang may marinig akong boses- lalaki.
"Sophia..."
May tumatawag ba sa 'kin? Pero sino naman? Hindi ko naman kilala ang boses.
"Mahal ko..."
Napabangon ako at luminga sa paligid ng kwarto ko. Nasaan ang tumatawag sa 'kin?
"Mahal ko..."
"Sino'ng nandiyan?" tanong ko habang kinukusot- kusot ko ang mga mata ko.
Bumangon ako at pumunta sa pinakagitna ng kwarto ko.
"Sino'ng nandiyan?"
"Sophia."
Napapisik ako nang may humawak sa akin sa balikat kaya napaharap ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaking ngayon ko lang nakita.
"Ahhh!" sigaw ko sabay takip sa mga mata ko.
Wala siyang suot na maski ano! Paano ba siya nakapasok dito sa kwarto ko?
"Mahal ko, 'wag kang matakot sa 'kin!"
"Sino ka? Bakit mo 'ko kilala? Pa'no ka nakapasok dito?" taranta kong tanong.
"Mahal ko, ako 'to si Jairus. Hindi mo na ba 'ko nakikilala?"
"Jairus?"
Teka, saan ko ba narinig ang pangalan niya?
"Oo ako nga si Jairus. Ang lalaking mahal mo."
Napatili na naman ako nang hinawakan niya ako sa braso kaya napatakbo ako pabalik sa kama at nagtago sa kumot.
"Bakit mo ba 'ko tinatakbuhan?" tanong niya nang lumapit siya sa akin.
"Bakit mo ba kasi ako sinusundan?!"
"Bakit mo 'ko nilalayuan?"
"Bakit ka nakahubad?!"
"Bakit nga ba?"
"Magbalot ka!" sabi ko sabay hagis ng kumot sa kanya.
Kinuha naman niya iyon at itinakip sa beywang niya. My goodness, may lalaking nakapasok sa kwarto ko at wala man lang nakarinig sa sigaw ko.
Kinalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari kung matataranta ako.
"Ngayon, pa'no ka nakapasok sa kwarto ko at pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko nang maupo siya sa kabilang dulo ng kama.
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
Fiksi UmumStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...