The Mysterious Sculpture 9
MALUNGKOT AKO nang bumalik ako ng silid ko. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay lumitaw na agad si Jairus sa harap ko.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
“Kung hindi ka lang sana biglang sumusulpot sa harap ko, oo,” sagot ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.
“Paumanhin.”
Napansin ko na may nakabalot na kumot sa beywang niya pababa. Napangisi ako sa loob ko.
“Alam mo may masamang nangyari kanina,” sabi ko pa nang maupo ako sa kama at sumunod naman siya.
“Bakit, ano'ng nangyari?”
“Nawalan ako ng isang mabuting kaibigan. Nalaman kong namatay siya sa hindi pa malamang dahilan.”
“Ikinalulungkot ko ang nangyari. Alam ko rin ang pakiramdam ng mawalan.”
“Salamat. Sige, magpapalit lang ako ng pantulog.”
Kumuha ako ng damit sa cabinet at pumasok ng banyo. Nag- half bath na lamang ako at pagkatapos ay nag-tootbrush.
Dahil hindi pa naman ako inaantok ay naisipan kong kunin ang paborito kong libro mula sa bookshelf na katabi ng pintuan.
“Ano'ng klaseng kasuotan 'yan? Bakit yata masyadong maiksi?” tanong niya nang sumampa na ako sa kama.
Napangiti naman ako.
“Night gown ang tawag namin dito. Isinusuot 'to ng mga kababaihan para maging komportable ang tulog namin. Wala 'to sa panahon niyo, 'no?”
“Wala.”
“Sa panahon kasi ngayon, kinakapos na ang mga tao sa tela ng damit nila.”
“Ano naman 'yan?” tukoy niya sa libro ko.
“Libro. Binabasa ko para malibang.”
“Sa panahon ko, ang lahat ng mga babasahin naka- balumbon. Hindi katulad niyan.”
“Sibilisasyon na kasi ang umiiral ngayon. Dahil din doon kaya wala nang naniniwala sa mga kababalaghan. Kagaya mo.”
“Mukha ba akong kababalaghan?”
“Gwapong kababalaghan,” sabi ko at humagikhik.
Nang kimi siyang ngumiti pakiramdam ko matutunaw ang puso ko. Ang gwapo talaga niya.
“Sofia, gusto kong humingi ng paumanhin,” sabi pa niya.
“Humingi ng paumanhin sa alin?”
“Inangkin kita sa pag- aakalang ikaw si Sophia. Kahit magkapangalan at magkamukha kayo, magkaibang tao pa rin kayo. Pakiramdam ko pinagsamantalahan kita.”
“Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin, Jairus. Ginusto ko rin naman 'yon, eh. Sinamantala ko rin ang sitwasyon.”
Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan ang likuran ng palad ko. Sa simpleng pagdantay pa lang ng mga labi nito sa balat ko ay naramdaman ko agad ang parang maliliit na boltahe ng kuryente na gumapang sa katawan ko. Ano ba 'yan? Hindi na ako teenager pero kinikilig ako. My goodness.
“Pwede kayang mahalin mo rin ang katulad ko?” tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Napakagat- labi ako. “Tinatanong pa ba ang bagay na 'yan? Hindi naman imposible 'yon, eh.”
Hinalikan niya ang mga labi ko at tuluyan ko nang nakalimutan ang tungkol sa libro. Ibinaba ko iyon sa kama ko at humawak sa leeg niya upang tugunin ang mga halik niya.
I know it's too early to tell na in love na nga ako sa kanya. Ang alam ko lang, may nararamdaman na ako para sa kanya.
“Ibig sabihin ba nito payag ka nang mawasak ang sumpa at magsimulang muli?”
“Gusto kong subukan. Para sa'yo. Pero alam mo ba kung paano?”
“May nahanap akong kasagutan at bukas ang kabilugan ng buwan. Iyon ang nakikita kong pagkakataon natin. Ang kailangan lang, magtiwala ka sa 'kin. Nagtitiwala ka ba sa 'kin?”
“Oo, nagtitiwala ako sa'yo.”
“Good,” at pagkatapos no'n ay hinalikan ko siyang muli.
UMAGA PA lang ay tinawagan ko na ang sekretarya ko upang magpabili ng lahat ng mga gamit panglalaki. Hindi ako sigurado kung magtatagumpay ako pero gusto ko pa ring paghandaan ang mangyayari mamayang hatinggabi. Malakas kasi ang paniniwala ko na makakawala si Jairus sa pagiging estatwa niya at excited na akong ituro sa kanya kung paano ang mabuhay sa panahon ko.
“Sorry po kung ngayon lang ako, Ma'am. Ang layo po pala nitong ancestral house nina Miss Belle,” sabi sa akin ni Mimi nang dumating siya nang tanghali na.
Pinatuloy ko siya sa sala. Limang taon na siyang nagtatrabaho para sa 'kin sa business ko na advertising agency at talaga namang maaasahan ko siya.
“Okay lang 'yon. Tsaka pasensiya ka na. Hayaan mo dadagdagan ko na lang ang sweldo mo ngayong buwan na 'to. Thank you talaga, Mimi, ha?”
“Naku, Ma'am, para saan pa't naging super sexy- tary niyo 'ko kung hindi niyo 'ko maasahan, 'di ba?” sabi naman niya at nameywang sabay pose.
Natawa naman ako.
“Mas sexy nga lang ako sa'yo. Nang hindi hamak.”
“Siyempre. Boss ko kayo, eh. Eh para kanino po ba 'tong mga 'to? Hindi naman siguro kayo ang magsusuot ng mga 'to, 'di ba?”
“May kaibigan akong pagbibigyan. Nasunugan kasi sila at wala siyang naisalba sa mga gamit niya. Kawawa naman.”
“Ay, hindi lang kayo basta maganda, Ma'am. Maganda rin ang kalooban niyo.”
“Thank you,” sabi ko naman at nagpa- cute.
“Ah, Ma'am, hinahanap po kayo ni Sir Alwyn sa agency. Tinatanong po niya kung nasaan kayo at kailan kayo babalik,” pag- iiba niya.
Napawi naman ang mga ngiti ko.
“Ang kapal naman ng mukha niyang tanungin kung nasa'n ako. Basta, Mimi, 'wag mong sasabihin sa kanya na alam mo kung nasa'n ako, ha? Hindi pa talaga ako ready na makita at makausap siya.”
“Makakaasa po kayo, Ma'am.”
“Thank you so much, Mimi.”
Hindi na rin siya nagtagal at pinaalis ko na rin siya. Marami pa raw kasi siyang aasikasuhin at babalitaan na lang niya ako just in case my problema.
Wala sina Manang Lydia at Mang Carding. Nagpaalam sila sa akin kaninang umaga na dadalawin ang kamag- anak na maysakit sa katabing barangay at bukas na lang daw ng umaga babalik.
Wala namang kaso sa 'kin 'yon dahil simula nang maging eighteen ako ay namuhay na akong mag- isa dahil nasa abroad na ang parents ko kasama ang younger brother ko na doon nag- aaral sa UK.
Hindi na ako natatakot dito sa ancestral house sakali man dahil ang espiritung gumagala dito ay gwapo at saksakan ng hot.
At mamayang gabi, magiging tao na ulit siya.
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
Ficción GeneralStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...