[1] JAIRUS OF VALENTINE

67.9K 359 22
                                    

JAIRUS OF VALENTINE 1

“JAIRUS...”

Napabangon naman siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang sarili niya.

“Nandito pa 'ko. Hindi ako bumalik sa pagiging bato...”

Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya nang mahigpit na ginantihan naman niya.

“Nagtagumpay tayo, Jairus...”

“Niligtas mo 'ko mula sa sumpa. Mahal ko, maraming- maraming salamat!”

“Halika, bumangon na tayo. Kailangan mong maligo. May damit na rin akong nakahanda para sa'yo,” excited kong sabi.

Hindi ako makapaniwala sa sobrang saya. Para akong maiiyak. Ang alam ko lang, excited na akong ituro sa kanya lahat ng mga bagay na hindi niya naranasan sa panahon niya.

“Nasa'n ang ilog? Paano ako maliligo?” tanong niya nang dalhin ko siya sa banyo.

Natawa naman ako. “'Ayan ang ilog, o,” turo ko sa bathtub.”

“'Yan? Eh bakit walang tubig? Masyado namang maliit para languyan.”

“Alam mo, sa susunod na lang kita dadalhin sa swimming pool. Sa ngayon, punuin muna natin ng tubig 'to.”

Pinihit ko 'yong gripo at may lumabas namang tubig.

“Dito ako naliligo kaya simula ngayon gusto ko nang masanay ka.”

“Pero ano'ng mangyayari sa 'kin? Paano ako makikisabay sa mundong ginagalawan mo?” Bakas ang pag- alala niya sa tanong na 'yon.

Hinawakan ko naman nang mahigpit ang mga kamay niya.

“May tiwala ka naman sa 'kin, 'di ba? Kaya, Jairus, 'wag kang mag- alala. Ako ang bahala sa'yo. Marami pa tayong panahon para sanayin ka sa bago mong mundo.”

“May tiwala ako sa'yo, mahal ko.”
OLIVIA

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko mula kay Dammon. Nagbalik na nga si Jairus at kahit hindi pa man nagku- krus ang mga landas namin ay pakiramdam ko nagtagumpay na 'ko.

Malapit na kaming magkita at hindi na 'ko makapaghintay sa totoo lang. Mapapasaakin na nga siya nang tuluyan.

“Bakit mukha yatang tuwang- tuwa ang aking reyna?” pansin sa akin ni Sylvester nang bumalik na ako sa silid ko.

Inaayos na niya ang aking tulugan kahit hindi naman ako natulog dito kagabi.

“May nasagap lang akong magandang balita, Sylvester. Isang magandang- magandang balita,” nakangiting sagot ko.

“Saan ka natulog kagabi, aking reyna?”

“Sa kabilang silid. Nakipag- usap ako sa pinunong Dammon at ginamit niya ang aking katawan. Alam mo ba kung ano ang magandang balitang hinatid niya sa akin? Sylvester, si Jairus na aking pinakamamahal ay nagbalik na!”

Nakita ko ang sobrang pagkagulat sa mukha niya. Hindi ko naman siya masisisi. Talaga namang nakakagulat ang balitang iyon.

“Magkakasama na kami habang- buhay, Sylvester. At hindi na ako makapaghintay sa pagdating ng araw na iyon!”

Laking gulat ko nang hapitin niya ako sa beywang.

“Aking reyna.”

“Ano bang problema mo, Sylvester?” angil ko.

“Bakit mo pa kailangang mapasaiyo si Jairus kung nandirito naman ako para sa'yo? Kaya kong ibigay ang mga hinihiling mo.”

“Huwag mong sabihing nagseselos ka kay Jairus?” sabi ko at sarkastikong tumawa. “Kahit ano pang sabihin mo, wala kang panama sa kanya. Siya ang mahal ko, Sylvester. At ikaw, alipin lang kita!”

“Hindi lang ako basta alipin, aking reyna. Kaya kitang paligayahin. At hindi kita magagawang saktan katulad ng ginawa ng lalaking 'yon sa'yo!”

Natigilan ako. Umigkas ang isang kamay ko para sampalin siya pero hindi man lang siya natinag.

Sa halip ay inangkin na naman niya ang mga labi ko sa isang halik na nakakalimot.

*flashback*

MULA sa dilim na pinagtataguan ko ay lumabas ako nang masiguro kong tuluyan nang makapasok ang kotse ng lalaking susunod kong biktima.

Napangiti ako. Basi sa natuklasan ko ay iilang kasambahay lang ang kasama niya sa malaking bahay na tinitirhan niya. Ginawa kong invisible ang sarili ko at naglakad papasok sa loob at tumagos lang ako sa bakal na gate.

Manghang- mangha ako sa nakikita kong kabuuan ng mansiyon. Napakaganda at napakarangya.

Sa isang iglap lang ay nasa loob na ako ng mansiyon sa ikalawang palapag partikular sa kanyang magarang silid. Hindi niya ako nakikita pero siya, kitang- kita ko ang bawat paggalaw niya.

Hinubad niya ang kanyang magarang kasuotan at hindi man lang nagtira ng kahit na ano. Napakagat- labi ako. Naaamoy ko na ang kaligayahan maya- maya lang.

Pumasok siya ng kanyang banyo at ilang sandali lang ay narinig ko na ang paglagaslas ng tubig. Tinanggal ko na ang nakaharang sa akin para hindi na ako maging invisible.

Sa isang iglap lang ay naglaho na ang mga suot ko. Lumapit ako sa malaki niyang kama at dumapa doon.

Napakalambot at ang sarap higaan. Sa katabing mesa ay nakita ko ang litrato ng isang babae na siya ang kasama. Napakalambing nila sa isa't- isa at natitiyak kong magkasintahan sila. Dati.

May kapangyarihan akong malaman kung ano ang nakaraan ng isang tao. At sa kaso ni Sylvester, dapat ay ikakasal na sila ng kanyang nobya pero namatay ito dahil sa isang malubhang sakit. Matagal nang nangyari iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang babaeng ito.

Nakaka- touch naman. Napakatapat niyang magmahal. Parang ako. Kahit ilang libong taon na, hindi pa rin nawawala sa puso ko si Jairus. Ganoon ko siya kamahal.

Dinampot ko ang nakabukas na libro sa tabi ko. Tungkol sa negosyo? Huh. Napaka- business minded naman niya.

“Sino ka?”

Dumagundong ang boses niya sa loob ng silid na iyon. Grabe, hindi ko man lang napansin na tapos na pala siya.

Pumihit ako patagilid upang makita ko ang kabuuan niya. Mayroon lamang tuwalyang nakatapis sa beywang niya at may mumunting butil ng tubig na dumadaloy sa katawan niya.

“Hi,” sabi ko sa mapang- akit na boses.

“Paano ka nakapasok dito?” galit na tanong niya.

“Ikaw. Ikaw ang nagpapasok sa akin dito.”

“A-ano? Ako?”

“Oo, ikaw.” Tumihaya ako at itinukod ang mga siko ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang hinaharap ko. “Nag- iisa ka, hindi ba? Kailangan mo ng makakasama. Kaya nandito ako para ibigay ang pangangailangan mo.”

“Kasinungalingan! May masama kang plano, 'di ba? Ito ba ang paraan mo ng pagnanakaw?”

Umarte akong na- offend. “Sa tingin mo talaga kaya kong gumawa ng masama? Ang isang katulad ko na babaeng maganda at mahina? Nakakasakit ka naman ng damdamin, alam mo ba 'yon?”

“Hindi kita kailangan! Lumayas ka dito, ngayon din!”

“Makakaya mo ba talaga akong palayasin? Wala akong ibang saplot. Matitiis mo bang lapastanganin ako sa labas? Ang akala ko pa naman mapagmahal ka sa mga babae. Hindi mo na ba mahal ang nobya mo?”

Tumalim ang tingin niya sa akin.

“Huwag mong idadamay si Celine dito! Sino ka ba, ha? Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?”

“Pwede mong itawag ang anumang naisin mo sa akin, mahal ko.”

Lumapit siya sa akin at hinaklit ako sa braso kaya naman napabangon ako.

“Lumayas ka dito!”

“Sylvester...mahalin mo ako pakiusap.”

Sinamantala ko ang pagkabigla niya. Hinila ko siya sa batok at siniil siya ng halik sa mga labi niya.

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now