ANG MGA LYCANS
ITINABI ng alalay ni Victor ang malapad na bato na siyang nagsisilbing lihim na pintuan ng kwebang gusto nilang pasukin. Nang tuluyan nitong maitabi ang bato ay hinihingal ito dahil sa bigat niyon.
Sunod ay inilabas nito ang flashlight mula sa harapang bulsa ng makapal na coat nito na panlaban nila sa malamig na panahon ng Remo.
“Sumunod lang kayo sa akin, Sir,” sabi nito at naunang pumasok sa loob ng madilim na kweba.
Bago sumunod sa alalay ay nilingon ni Victor ang mga tauhan na nakaabang sa baba ng malaking van na gagamitin nila mamaya sa pagkarga ng mahahalagang bagay na madidiskubre nila sa kwebang iyon.
“Maging alerto kayo.”
Sabay-sabay na tumango ang may limang kalalakihan na may suot ding makakapal na coat.
“Mabuti.”
Inilabas din niya ang sariling flashlight at pumasok sa loob.
“ITO NA nga 'yon, Sir,” wika ni Maximo nang huminto sila sa isang partikular na bahagi ng kweba.
Sa tulong ng kanilang dalang flashlight ay malinaw nilang nakikita ang isang malapad na bato na nakadikit sa tila dingding ng kweba.
“Sigurado ka ba riyan?” paniniguro ni Victor.
“Ang palatandaan.”
Inilapit nito sa kanya ang mapa. Itinuro nito ang simbolo ng isang matang nasa loob ng isang tatsulok. Pagkatapos ay inilawan nito ang bandang itaas ng malapad na bato at nakaukit doon ang katulad na simbolo.
“Magaling, Maximo,” humahangang sabi niya.
Itinabi rin ni Maximo ang malaking bato katulad ng ginawa nito kanina at halos maubos din ang lakas nito.
Sumunod na naman siya rito. Nang huminto ito ay napahinto rin siya. Ilang dipa lang mula sa kanila ay tumambad sa kanilang paningin ang kanilang pakay---- ang mga isinumpang Lycans.
NANLALAKI ang mga mata ng dating propesor ni Victor habang pinagmamasdan ang pigura ng isang Lycan na hindi gumagalaw.
“Ilan lahat ang nakuha mo?” tanong nito nang humarap sa kanya. Professor niya ito sa World History to be exact.
“Labindalawa lahat. Nasa basement ang labing-isa pa,” he answered confidently.
Napaayos sa suot na salamin nito si Dr. Aldeguer at pinagmasdang muli ang pigura ng kalahating tao at kalahating lobo. Anyong lobo ang mukha ng Lycan na iyon pero magmula sa balikat nito hanggang sa paa ay anyong tao ito na natatakpan ng balahibo.
“Kung hindi ako nagkakamali, ang mga Lycan ang pinakamalakas na sundalo bago sila isinumpa at bumagsak ang Remo,” wika pa niya.
“Ikaw nga ang pinakamatalinong estudyanteng nakilala ko, Victor.” Naupo ito sa visitor's chair sa harap niya.
“Anong mangyayari sakaling mawasak ang sumpang bumabalot sa kanila, Professor?” tanong niya at napaayos ng upo.
“Hindi nakakakilos ang mga Lycan kapag walang may nag-uutos sa kanila. Kung sino man ang makakapag-alis sa sumpang parusa sa kanila ay siyang kikilalanin nilang panginoon at susundin ang anumang iniuutos nito.” Itinaas nito ang isang daliri. “Kapag napasunod mo sila, pwedeng ikaw na ang maging pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo.”
Nakangising tumango-tango si Victor.
“At sa anong paraan ko mawawasak ang sumpa, Professor?”
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
General FictionStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...