The Mysterious Sculpture 7
“HINDI MO kasi naiintindihan, Jairus, eh. Maaaring kamukha ko nga ang babaeng tinutukoy mo pero hindi ako siya. Nabuhay ako sa panahong 'to mismo kaya imposibleng maging ako siya.”
“Ano'ng ibig mong sabihin, na kamukha at kapangalan mo lang siya?”
“Oo, gano'n na nga.”
“Pero iba ang sinasabi ng puso ko, mahal ko. Ikaw ang babaeng hinihintay ko.”
“Patay na si Sophia, Jairus.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
“Imposible 'yang sinasabi mo...”
“Maniwala ka sa'kin. Nagpakamatay siya nang malaman niya na hindi ka talaga nagtaksil sa kanya.”
“Pero...pero naniniwala ako na magbabalik siya.”
“I'm sorry, Jairus.”
“Nasayang lang ang matagal kong paghihintay. Umasa lang pala ako sa wala. Ano pa ang silbi ng pagkawasak ng sumpa kung wala rin lang siya sa pagbabalik ko?” nanlulumong sabi niya at sa totoo lang ay nakaramdam din ako ng lungkot.
“Gano'n mo ba talaga siya kamahal?”
“Sa kanya lang umikot ang buong buhay ko. Lahat ginawa ko para mapasaya siya at gano'n din siya sa 'kin. Masayang- masaya kaming dalawa noon. Parang ang dali lang ng mundo. Hanggang sa nagpanggap si Olivia na siya si Sophia. Ginaya niya ang mukha nito.”
Kung gano'n nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagpapanggap ni Olivia.
“Bakit ginawa ni Olivia iyon?”
“Hindi niya matanggap na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at si Sophia ang talagang mahal ko.”
Masisisi ko ba ang Olivia na 'yon? Kung kasaysayan na ang nagsasabi na si Jairus nga ang pinakagwapo at pinakamakisig na lalaking nabuhay sa panahon nito, kahit sino magkakandarapang makuha ang puso ni Jairus.
At hindi lang basta natatapos doon, nakikita kong may mabuti rin siyang puso.
“Ano, gusto mo pa rin bang mawala ang sumpa?”
“Mawawala pa ba iyon? Wala na rin lang si Sophia, habang- buhay na akong ganito.”
“Pero pwede kong subukan para sa'yo. Pwede kang mamuhay muli sa panahon ko.”
Nagulat ako nang lumabas iyon sa bibig ko. Ang totoo hindi pa ako nagpapasya pero mukhang lumabas na rin ang gusto kong mangyari. Gusto ko siyang maging mortal muli.
“Si Sophia lang ang tanging rason kung bakit gusto kong mabuhay. Patawad kong akala ko ikaw siya. Ngayong wala na siya, mabuti pang manahimik na lang ako.”
“Jairus!” naalarmang sabi ko at hinawakan siya sa balikat. “Hindi naman por que nawala sa'yo ang babaeng mahal mo, mawawalan ka na rin ng pag- asang mabuhay. Ako, alam mo ba kung bakit ako nandito? Niloko ako ng lalaking minahal ko nang totoo. Pero hindi ko inisip na wala nang pag- asa para sa 'kin. Kung hindi man kami nagkatuluyan, tiyak na may ibang nakalaan para sa 'kin. At malamang gano'n din sa'yo.”
“Hindi ko makakayang magmahal nang iba kung hindi rin lang si Sophia...”
“Hindi mo kaya o ayaw mo lang talagang subukan?”
Napatitig siya sa akin.
THE ENEMY'S POVALAM KONG sa kabila ng kanyang pagkabigla at pagkalito ay hindi niya maitago ang kanyang paghanga at pagnanasa sa katawan ko.
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
Fiksi UmumStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...