[4] THE MYSTERIOUS SCULPTURE

63.2K 491 27
                                    

The Mysterious Sculpture 4

“ANG TAGAL kong nanabik sa'yo, Mahal ko,” sabi niya nang halikan naman niya ang leeg ko.

“Hindi ko nahalata,” sabi ko sabay liyad.

Nang bumaba ang mga labi niya sa dibdib ko ay napahawak ako sa buhok niya at lalo siyang isinubsob sa akin.

Grabe na talaga itong panaginip ko, parang totoong- totoo.

Nagtagal ang bibig niya sa dibdib ko at sang- ayon ako sa mga nangyayari. I never felt so wanted like this. Pakiramdam ko kahit sino ay mababaliw sa katawan ko.

“Gusto kitang angkinin, Mahal ko.”

“Gawin mo na habang natutulog pa 'ko.”

Nang iangat niya ang palda ko ay bigla akong napamulat dahil sa mga katok at pagtawag sa labas ng silid ko.

“M-manang?”

“Naihanda ko na ang pagkain, hija. Bumaba ka na lang kung nagugutom ka na.”

“Sige po, salamat.”

Hay. Sabi ko na nananaginip na naman ako, eh. Napabangon ako at laking gulat ko nang mahantad ang dibdib ko. Nang hanapin ko ang blouse ko ay nasa dulo na iyon ng kama at ang bra ko naman ay nasa sahig na. Ang palda ko ay bahagya pang nakaangat.

Kinilabutan ako bigla. Nang kapain ko ang dibdib ko ay nakita kong namumula sila pareho na para bang...

Malakas akong napasinghap.

Hindi nga ako nananaginip!

Napatili ako. Wala nga lang ingay na lumalabas sa bibig ko.

Nagpalit ako ng damit at bumaba pero para kumuha lang ng pagkain. Umakyat ako pabalik ng kwarto ko at agad na binuksan ang laptop ko.

Tingnan natin kung sino ka nga bang Jairus of Valentine ka at bakit mo binubulabog ang tahimik kong bakasyon.

Kakaunti lang ang results na lumabas at ang iba ay hindi pa related.

Pero nakuha ng isang partikular na website ang atensiyon ko nang makita ko ang naka- display na image na katulad ng estatwang nasa kabilang kwarto.

Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko iyon at tumambad sa akin ang isang page.

THE MYSTERY BEHIND THE SCULPTURE.

Binasa ko ang mga nakasulat. Ayon sa article, ang estatwa ni Jairus of Valentine ay nadiskubre sa Greece a century ago. Pinaniniwalaang nanggaling ito sa maliit na bayan ng Valentine na sa kasalukuyan ay wala na sa mapa ng mundo. Naglaho ito sa hindi tiyak na kadahilanan.

Si Jairus ang pinakamakisig at pinakagwapong lalaking nabuhay sa panahon nito. Tama, kagaya ng ikinuwento sa akin ni Manang. Nabasa ko rin ang pangalan ni Sophia at ng traidor nitong kapatid na si Olivia.

Kaya raw hindi matukoy kung sino ang artist ng nakamamanghang estatwang ito ay dahil sa iyon daw mismo ang katawan ni Jairus na naging bato. Okay. Hirap pa rin akong maniwala sa part na 'to.

Ang sabi pa, patuloy na nabubuhay ang espiritu nito upang hintayin ang pagbabalik ni Sophia upang mabawi ang sumpa.

Paulit- ulit na nabenta ang estatwa ni Jairus sa mga auctions. Ayon sa mga kwento ng naging may- ari, magpapakita raw sa kanila kung hindi man sa mga malalapit na kapamilya nila ang espiritu sakali mang matagpuan na nito ang Sophia na hinahanap nito, sa kahit na anong paraan, pero lahat daw sila ay nabigo.

Nakalagay raw sa isang libro na hindi binanggit ang pangalan ang paraan upang matanggal ang dati ay walang lunas na sumpa. Sinasabing kailangan raw mag- isa ng mga katawan ni Jairus at ni Sophia sa pagsapit ng hatinggabi ng unang kabilugan ng anumang buwan hanggang sa mawasak ang batong nakapalibot dito at bumalik ito sa normal nitong anyo.

Hindi ko maintindihan. Medyo malabo. Today is June at ang unang full moon ay mangyayari...sa isang gabi na!

Pero ano naman ang kasiguraduhan ko na totoo nga ang pinagsasasabi ng article na ito? Pa'no kung nanggu- good time lang para makabenta ng kwento?

At kung totoo man, ano'ng mapapala ko kung susubukan kong wasakin ang sumpa eklavu?

Nag- scroll down pa ako hanggang sa may nakita akong mga imahe sa pinakailalim. Larawan iyon ng estatwa ni Jairus at ng isang babae na Sophia ang pangalan.

Napasinghap ako nang malakas.

Papaanong nangyaring magkahawig kami?!

Nailapag ko ang laptop sa kama at napakurap.

Hindi nga ako dinadaya ng mga mata ko. Magkamukha kami!

“Pero imposible...”

Sinubukan kong kilalanin ang nagsulat ng article na ito pero nabigo ako.

KANINA PA ako paroo't parito sa silid ko. Kung magpapakita ba ulit sa akin si Jairus, tatanungin ko ba siya tungkol sa katotohanan?

Kasi naman. Ano ba itong pinasok ko?

Nabasa ko rin sa article na pwedeng tawagin ng kung sino man si Jairus. Tawagin lang daw ng tatlong beses ang pangalan sa isip pero depende pa 'yon kung papansinin niya ang pagtawag ko.

Isinara ko ang mga bintana at ni- lock ang pintuan.

Hindi pwedeng wala akong alam sa mga nangyayari. Pumikit ako at tinawag nga siya sa isip ko.

Jairus one.

Jairus two.

Jairus three.

Napapisik ako nang may humawak sa akin sa braso. Nang humarap ako ay kaagad niyang inangkin ang mga labi ko. Aba, dumating nga siya nang tawagin ko, ah.

“Dumating ka,” sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

“Kahit hindi mo 'ko tawagin dadating ako para sa'yo,” sabi naman niya.

“Pero hindi ako si Sophia. Oo ako si Sofia pero hindi ako si Sophia.”

“Ha?”

“Pa'no ko ba ipapaliwanag 'to? Kahit ako naguguluhan, eh. Basta. Hindi ako ang babaeng mahal mo. Kamukha ko lang siya pero hindi ako siya. Knows mo na ba?”

“Ha?”

Napalatak ako. “Gwapo ka sana, eh. Medyo slow ka lang.”

Kinuha ko ang kumot at ibinigay sa kanya.

“Takpan mo nga muna ang sarili mo. Nakaka- distract ka masyado.”

Kinuha naman niya ang kumot at itinapis sa beywang niya.

“Alam ko na kung sino ka at ano ang pakay mo pero ikinalukungkot kong sabihin na nagkamali ka. Hindi ako si Sophia. Ibang tao ako.”

“Pero hindi ako pwedeng magkamali!” sabi niya at hinawakan ako sa mga balikat ko. “Nararamdaman ko sa puso ko na ikaw ang babaeng matagal ko nang hinihintay. Ilang daan taon akong naghintay at naghanap. Hindi mo ba nararamdaman 'yon?”

Kinuha pa niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya.

“Nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko?” he was looking at me like he was from the movie.

“Er...ang tigas ng dibdib mo. May gym na ba ng mga panahon niyo?” hindi napigilang sabi ko. “Ang ibig kong sabihin...bakit ako?”

“Dahil ikaw ang babaeng mahal ko.”

Ayan tayo, eh.

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now