THE TALE OF THE EVIL QUEEN
NOONG unang panahon, isang mag-Lola ang nakatira sa isang gubat hindi kalayuan sa bayan. Ang matandang babaeng pinaniniwalaang mangkukulam ay may napakagandang apo na nagngangalang Regina, na sa mga panahong iyon ay malapit nang tumuntong sa edad na beinte y uno.
Nang mga panahon ding iyon ay sampung taon nang biyudo ang mahal na hari at si Snow White ay siyam na taong gulang pa lamang.
Galak na galak ang buong kaharian sa gandang taglay ng mahal na prinsesa pero ang kwentong ito ay hindi talaga para sa kanya. Wala lang, nabanggit ko lang siya.
Sa sobrang ganda ni Regina ay dinadayo pa talaga siya ng mga binata na mula sa bayan upang magtangkang suyuin siya ngunit lahat ng mga ito ay tinataboy lahat ng kanyang Lola Grimelda. Si Regina raw ay bata pa kaya bawal pa itong magkanobyo.
Ngunit si Regina ay nasa tamang pag-iisip na. Sa ganoong edad ay alam na niya kung ano ang tinatawag na pagmamahal. Dahil kahit na mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang Lola ay hindi nito napigilan ang puso niya na umibig sa mangangaso ng hari.
"Diego..." paanas niyang sambit nang maramdaman ang kamay ng kasintahan na humihimas sa kanyang hita sa ilalim ng kanyang bestida. "B-baka maabutan tayo ni Lola. Mamaya darating na iyon mula sa gulayan namin."
Nagluluto siya nang bigla na lang dumating si Diego upang makita siya. Hindi kasi niya inaasahan iyon.
"Hindi ka ba nananabik sa akin, Regina?" bulong nito mula sa kanyang likuran dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.
"H-hindi naman sa gano'n. Kaya lang ay bakit dito mo pa ako sa bahay pinuntahan? Alam mo namang pagagalitan ako ng Lola ko."
"Pero, mahal..."
Napahawak siya sa mesa nang ipinasok nito ang kamay sa kanyang panloob.
"Isang linggo akong mapapalayo dahil sa haharapin naming digmaan."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Aalis ka? Biglaan naman yata, mahal."
"Alam ko. Pero sinusunod ko lang ang utos ng hari. Kaya sige na, pagbigyan mo na 'ko."
Nakagat niya ang ibabang labi. Kapag ganoon na ang tono ng kasintahan ay hindi na niya matatanggihan pa ito.
"Pero bilisan lang natin, ha? Ayokong magkagulo..."
"Pangako, mahal ko."
Binuksan nito ang mga butones sa likuran ng kanyang bestida ng blusa gamit lamang ng isang kamay nito. Ilang sandali pa ay bumagsak iyon hanggang sa beywang niya at nahantad ang malulusog niyang dibdib.
Mabibilis naman ang mga kilos na ibinaba ni Diego ang pantalon nito. Pinaghiwalay nito ang kanyang mga binti at hinawi ang mainipis na telang nasa pagitan ng kanyang mga hita.
"Diego..."
Hinawakan siya nito sa beywang gamit ang isang kamay nito at ang kamay naman niya ay sinakop ang isa niyang dibdib.
Nasa pagitan ng mga daliri nito ang kanyang dunggot at tila tinutukso siya ni Diego.
"Akin ka lang, Regina..."
"Aahh!"
Napahigpit ang kapit niya sa mesa nang unti-unti nitong ipasok sa kanyang pagkababae ang pagkalalaki nito at magsimula itong gumalaw.
Sa bawat sandali na magkasama sila ay hindi maiiwasang walang mainit na tagpo ang mangyari sa kanila. Ganoon niya ito kamahal. At alam niyang mahal na mahal din siya ng kanyang kasintahan.
"Mananabik ako sa'yo, Regina."
Napaliyad siya. "Ako rin, Diego. Umuwi kang ligtas para sa 'kin..."
Diniinan nito ang paggalaw mula sa likuran niya kaya napaawang ang mga labi niya.
"Para sa'yo, Regina. Mag-iingat ako habang nasa digmaan."
"Aahh..." Napapikit siya at nakagat ang kanyang labi. Mahirap ang hindi gumawa ng ingay sa ginagawa nila ni Diego pero mas mahirap naman kung mahuli sila ng kanyang Lola Grimelda.
Baka pagwalan pa siya nito na makipagkita kay Diego. Hindi niya makakaya iyon!
"Diego, bilis pa..."
"Nandiyan na 'ko, aking Regina!"
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
Aktuelle LiteraturStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...