[6] THE MYSTERIOUS SCULPTURE

64.6K 534 49
                                    

RED'S NOTE:
'Yong totoo, guys. Nasa legal age na ba kayo? Be honest to Ate Red.
***
THE MYSTERIOUS SCULPTURE 6

“HI, BELLE, nakaistorbo ba 'ko sa'yo?”

Umakyat ako sa silid ko at naisipan kong tawagan ang kaibigan ko. I'm not sure kung maiintindihan niya 'ko pero gusto ko pa ring magbaka- sakali. Kilala ko si Belle at kahit ano'ng sabihin ko ay inuunawa niya 'ko kahit pa kabaliwan lang.

“Nope! Prince and I are just having a good time here in Tagaytay. May problema ba ang kaibigan ko?”

“Well, wala naman. Ang totoo may itatanong ako sa'yo pero 'wag mo sanang isipin na nababaliw na 'ko.”

“Duh. Matagal ka na kayang baliw!” sabi niya at tumawa.

“Yeah, right. Mana kasi sa'yo.”

“Ako kaya ang mana sa'yo, 'no.”

“Oo na nga. Hindi ka pa naman nagpapatalo.”

“Ano ba 'yong itatanong mo?”

“Kasi ano, eh...kung sasabihin ko bang may nangyayaring kababalaghan dito sa bahay ninyo maniniwala ka?”

“Walang duda. Kaya nga ayokong nagpupunta diyan, eh. Noong bata ako tinakot ako ni Lola. Kapag naging makulit daw kami ng mga Ate ko mumultuhin kami ng espiritu ng exhibitionist na estatwa.”

Kulang na lang masamid ako. Mukhang isang estatwa lang ang tinutukoy niya.

“K- kung sasabihin ko bang gumagala ngayon ang espirutu no'ng estatwa, maniniwala ka?”

“Talaga, nagpakita sa'yo? Gwapo ba? Macho?”

“Sino'ng gwapo at macho?” narinig kong tanong ng lalaking boses. Malamang nakikinig ngayon sa usapan namin si Prince.

“'Yong bagong boyfriend ni Sof tinatanong ko kung kasing gwapo at macho mo. Ikaw naman, ang talas ng tenga mo!” napahagikhik na sabi naman ni Belle.

Gosh, naiinggit ako sa dalawang 'to.

“Akala ko ba ako lang ang gwapo at macho sa paningin mo?”

“Ikaw lang nga. Ikaw lang at ikaw lang.”

I rolled my eyeballs when I heard that smacking sound.

“Sof, 'andiyan ka pa ba?”

“Muntik na nga kitang babaan diyan.”

“So ano na?”

“Yup. He's gorgeous and guess what, akala niya ako ang nawawala niyang syota. Hanep, 'di ba?”

Tumawa siya. “Wow!” bulalas pa niya.

“You're starting to think I've gone nuts, right?”

“No, Sofia! Kaibigan kita kaya paniniwalaan kita. Kung sabihin ko sa'yong dating halimaw ang asawa ko, maniniwala ka rin ba?”

“Yeah. Halimaw sa kagwapuhan.”

“Literal!”

“Weh?” Parang ang hirap namang paniwalaan no'n?

“Whatever. Basta ako, kung may paraan para maging true love mo 'yang espiritu, grab mo na ang opportunity.”

“Nagpapatawa ka ba?” angil ko.

“Tingnan mo 'ko ngayon masayang- masaya ako. Pwera na lang kapag lumalabas kami ng asawa ko sa publiko. Sarap mambali ng mga leeg. Deadma sa suot na singsing ni Prince ang peg. Bakit, maganda naman ako pero sa asawa ko lang ako malandi.”

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now