Red's Note:
Have you guys read the first six chapters of Be Your Everything?***
VIRGIN FANTASIES II
"EH ANO naman ngayon kung sila na?"
Lalo kong nilakasan ang pag-iyak. Ito talagang si Ara parang walang pakialam sa nararamdaman ko. Pinsan ko ba talaga 'to?
"Ara, naman, eh! Alam mo namang college pa lang gusto ko na si Migo, 'di ba? Kaya masasaktan talaga ako!"
Buti pa siya parang walang problema. Mukha ngang malaki ang naitulong ng sandali niyang pagbabakasyon sa Fantasy Inn na 'yon.
"Alam mo, Erica, hindi pa katapusan ng mundo para sa'yo por que hindi naging kayo ng taong gusto mo."
"Sinasabi mo lang 'yan kasi okay lang naman sa'yo ang maging single habang-buhay!"
Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Mukhang wala akong makukuhang matinong advice dito sa pinsan ko.
"Teka lang, mukhang alam ko kung ano ang makakapagpagaan sa nararamdaman mo. Pupunta lang ako ng kwarto pagkatapos babalik ako."
Hindi ako tumugon. Narinig ko na lang ang pagsasara ng pintuan ko at wala pang five minutes ay bumukas uli iyon.
"Sisindihan ko lang 'tong mga insenso at paniguradong gagaan na uli ang pakiramdam mo."
Bahagya ko lang siyang nilingon. Nakita kong may sinindihan siyang tatlong itim na sticks sa loob ng isang maliit na clay cup. Ipinatong niya iyon sa bedside table ko.
"Ang bango naman," sabi ko.
"Magpahinga ka na. Sinisiguro ko sa'yo, bukas na bukas, wala na 'yang heartache mo."
Inirapan ko si Ara. As if naman posible ang sinasabi niya.
"Good night, Erica! Magsisindi rin ako nito sa kwarto ko."
"Sige, Ara, good night."
Lumabas na siya ng kwarto. Kakaiba ang amoy ng mga insenso. Sobrang bango ng inilalabas nitong amoy, walang katulad. Nakakagaan ng pakiramdam. Parang hinihila akong matulog na upang managinip ng maganda.
Parang tama nga si Ara...
NAPABANGON ako.
Huh?
Nang igala ko ang aking paningin ay wala na ako sa aking silid. Napapalibutan ako ng mga punong kahoy at malalagong halaman. Ang hinihigaan ko naman ay malambot na damuhan.
Napasinghap ako at nayakap ang aking sarili. Nasaan ang mga damit ko? Bakit ako hubo't hubad?
Hindi kaya nananaginip ako?
Tama. Wala pa akong nakikitang kasing gandang lugar na kagaya nito sa tanang buhay ko. Para akong nasa paraiso. Nang ilinga ko ang aking paningin ay wala naman akong makitang bakas na may iba pang tao dito bukod sa akin.
At nakakamanghang hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Tumayo ako at naglakad-lakad.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang puno ng mansanas na mababa lang at hitik na hitik sa bunga. May tumutubo palang mansanas sa Pilipinas?
Nakaramdam ako ng pagkatakam kaya naman nanguha ako at kumain.
"Ang sarap naman!"
Ito na yata ang pinakamasarap na mansanas na natikman ko buong buhay ko.
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
Ficción GeneralStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...