[3] JAIRUS OF VALENTINE

50.3K 453 29
                                    

Red's Note:
Nag- 1 year na 'ko sa Wattpad last July 1 pero ngayon ko lang naisipang itanong 'to: Bukod kay @Chillax_Guix may lalaki ba 'kong reader dito?
Thank you do'n sa makakasagot. :)
***
JAIRUS OF VALENTINE 3
MAKALIPAS ANG ilang sandali at nang tuluyan ko nang mabawi ang lakas ko ay umangat ako mula sa kama at tiningnan siya. Mukhang tulog na tulog na siya. Hindi bale. Sasamantalahain ko na lang ang pagkakataon upang mapadali ko ang kamatayan para sa kanya.
Itinapat ko ang aking kamay sa kanyang dibdib at may lumabas na liwanag mula doon.
Bigla siyang gumalaw at nagsalita habang nakapikit.
“Celine...mahal kita. Huwag mo 'kong iwan, pakiusap. Bumalik ka na sa 'kin...”
Naglaho ang liwanag mula sa kamay ko. Kung ganoon tama nga ako. Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ang kaniyang nobya. Bihira lang akong makakita ng lalaking kagaya niya.
Sige. Paliligtasin kita, Sylvester pero kapalit niyon ay gagawin kitang alipin ko. Sa ganoong paraan ay magtatagal ang buhay mo.
“Nandito ako, Sylvester, 'wag ka nang malungkot,” sabi ko at hinalikan siya sa mga labi. “Paliligayahin natin ang isa't- isa at susundin mo lahat ng mga iniuutos ko.”

“ITIGIL mo 'to kung ayaw mong kitilin ko ang buhay mo!” singhal ko sa kanya nang ibagsak niya ako sa kama at paimbabawan.

“Hindi ako natatakot mawalan ng buhay. Mas mabuti na nga iyon kaysa ang makita kang nasasaktan dahil sa isang taong kahit kailan ay hindi ka matututunang mahalin!”

Sinampal ko siya nang malakas.

“Nagkakamali ka! Kapag nagkita kami ni Jairus ay sinisigurado kong ako na ang itinitibok ng puso niya! Magagawa ko iyon dahil makapangyarihan ako!”

“Nabubulagan ka na sa pagmamahal mo sa kanya. Ako na lang ang mahalin mo, Olivia!”

“Nababaliw ka na, Sylvester. Alipin lang kita!”

Marahas niyang hinubad ang roba ko at siniil ng halik ang mga labi ko. Wala na isa man sa amin ang nagsasalita dahil abala na kami sa paghaplos ng katawan ng isa't- isa.

Kahit marami na akong pusong nakuha ay binabalik- balikan ko pa rin ang pakikipagtalik kay Sylvester. Kakaiba kasi siya sa lahat. Lubos ang kaluwalhatiang nararanasan ko sa piling niya.

“Paumanhin sa sinabi ko, aking reyna,” sabi niya habang magkahinang ang aming mata at ang mga katawan namin ay nagsasayaw sa pamilyar na galaw. “Masyado akong nagpadala sa aking emosyon.”

“Alam mo namang hindi kita matitiis, Sylvester. Ikaw lamang ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inangking muli ang mga labi ko.

“Bilis pa, mahal kong alipin. Paligayahin mo 'ko kung totoo ngang mahal mo 'ko.”

SOFIA

HINDI KO mapigilan ang mapanganga habang nakatayo si Jairus sa harap ko at suot- suot na niya ang mga damit na inihanda ko para sa kanya.

He was just wearing a plain gray shirt and walking shorts pero para siyang model na hinugot mula sa magazine. Ay mali. Dinaig pa niya ang mga models na nasa magazine!

“Hindi ka na nakapagsalita. Hindi ba bagay sa 'kin?”

Saka lang ako bumalik sa katinuan.

“A-ah, hindi, ah! Matutulala ba 'ko kung hindi bagay sa'yo?”

“Kung gano'n bagay sa akin?” nahihiya pa niyang tanong.

“Oo naman! 'Yong damit mo, parang ako. Kasi bagay rin naman ako sa'yo, 'no. Say mo?”

Tumawa lang siya. Langhiya, 'di man lang sinakyan.

“Ah, Sofia,” sabi niya at napahawak sa tiyan niya.

“Bakit, Jairus?”

“Gutom na gutom na gutom na yata ako. Pwede na bang kumain?”

“Ay,” sabi ko naman at napa- snap. “Kamusta naman 'yong ngayon ka lang ulit makakain matapos ang ilang daang taon? Halika, ipagluluto kita!”

Hinila ko siya palabas ng kwarto at dinala siya sa kusina.

“Isa ba 'tong kastilyo?” tanong niya habang palinga- linga sa kabuuan ng kusina. “Bakit kakaiba ang mga gamit? Ganito na ba ka moderno ang mundo ngayon?”

“Oo naman, 'no. Kapag lumabas ka ng bahay, tiyak na magugulat ka sa mga makikita mo. Pero hindi pa 'to isang kastilyo. Bahay- bakasyunan lang ito.”

“Natatakot ako.”

Napapatitig ako sa kanya. “Bakit ka naman matatakot?”

“Dahil hindi ito ang mundong kinasanayan ko. Baka hindi ako makasabay.”

“Ang nega mo naman masyado, eh,” sabi ko at pinaupo siya sa isang silya. “Gutom lang 'yan, Jairus. Ipaghahanda na muna kita ng sandwich habang nagluluto ako. Okay ba 'yon?”

Tumango- tango lang siya.

Hindi ako makapag- concentrate sa pagprito ko ng hotdog. Panay kasi ang lingon ko sa kanya habang nilalantakan niya ang mga sandwiches na ginawa ko. Ang isang nakaka- bother pa, may tunog ang pagkain niya. Gwapo sana kaso patay- gutom naman. Pero hindi ko naman siya masisisi. Ikaw nga naman ang hindi makakain ng daan at libong taon, ano.

He smiled sheepishly nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

“Pasensiya ka na. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Ang sarap pala,” sabi niya.

“Don't mind me,” sabi ko naman. “Naaaliw nga akong panoorin ka, eh. Kain ka lang diyan, ha? Heto may kasunod pa.”

“Maraming- maraming salamat talaga, Sofia. Ayoko sanang magkumpara kaso lang kasing bait mo ang kasintahan ko dati.”

Ngumiti naman ako. “Hindi na 'ko magtataka kung ako nga ang reincarnation niya.”

“Hindi. Alam kong may pinagkaiba pa rin kayong dalawa.”

Nagkibit- balikat lang ako. Tama siya. May pagkakaiba nga kaming dalawa at dahil do'n ay umaasa akong mamahalin niya ako dahil sa ako ay si Sofia at hindi si Sophia.

Magulo pala kung may kapangalan ako. Tsk.

May naisip tuloy akong ideya. Ipapakilala ko siya kay Belle.

“Ah, Jairus, matanong ko lang,” sabi ko nang ilapag ko na sa mesa ang hotdog, fried eggs at fried rice.

“Ano 'yon, mahal ko?”

Ayiee, tinawag niya pa rin akong 'mahal ko'. Ehem. Umayos ka, Bruha.

“Bakit marunong kang mag- Tagalog? Hindi ba dapat ay nagsasalita ka ng kahit na anong Europeian na linggwahe?”

“Kahit naman ano kaya kong salitain. Marami akong alam na lingwahe sa mundo kaya kahit kanino pwede akong makipag- usap. Isa pa, marami na akong natututunan sa paggala- gala ko lang. Hindi kasi isang beses na napunta ako kung kani- kanino at sa iba't- ibang bansa.”

“Wow,” manghang sabi ko. “So, noong tao ka pa, ano'ng ginagawa mo noong panahon mo?”

“Nagtuturo ako sa isang akademya na itinatag ni Audamos. Matematika.”

“Ah, so isa ka pala sa mga dahilan kung bakit maraming estudyante ngayon ang nangangamote sa Math! Kaloka ka!”

“Ano 'yong 'kaloka'?” takang tanong niya.

“Kaloka. Uh, pambihira ba. You know.”

“Ah. Gaya nitong pagkain na inihanda mo. Kakaiba at mukhang masarap. Kaloka.”

Napahagikhik ako. “Hindi bagay sa'yo!”

“Kaloka talaga ako?”

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now