[III] ANG TRIBO NG SUNAYI

69.6K 452 14
                                    

Red's Note:
Napansin niyo ba tapos na ang The Mysterious Sculpture?

Hindi naman po ibig sabihin no'n na tapos na rin ang kwento ni Jairus at Sofia. May sequel pa po siya. They'll just take a break. O, ha? Natuwa ka naman diyan! Aminin. Nyahaha.

ANG TRIBO NG SUNAYI: Si Elisa at ang Sultan ng Kabilang Kaharian

“BUKAS AY dadalaw sa ating kaharian ang Sultan ng Limhang. Natutuwa akong kinukonsidera niya ang aking alok na pakikipagbalikatan ng ating mga kawal pero gusto ko pa ring makasiguro na mapapapayag ko siya,” deklara ni Ama habang kami ay naghahapunan.

“Sa tingin ko naman ay papayag siya. Parehong kaharian din naman natin ang makikinabang doon, hindi ba?” sabi naman ni Ina na nasa kanan niya.

“Oo, tama ka doon pero may ganoong alok din ang Tribo ng mga Suba at lahat ay gagawin nila para sa kanila pumanig ang Sultan. At hindi ko matatanggap na mas lalakas pa sila kaysa sa atin.”

“Ama, naniniwala ako na sa pamamagitan ng mabuting pagtanggap natin sa kanila bukas ay maaari nating mabago ang isip nila,” sabi ko naman dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin.

“Alam mo, Elisa, sumasang- ayon ako sa'yo,” si Ate Elena, ang panganay namin na katabi ko.

“May punto nga si Elisa, Ama,” segunda naman ni Ate Ella na katabi naman ni Ina.

“Ano ba ang naiisip mo, Anak?” tanong naman ni Ama at alam kong interesado naman siya.

“Tayo po personal ang aasikaso sa kanya para malaman niya na tapat at malinis ang ating hangarin, Ama. Hayaan niyo pong ipasyal ko siya sa ating kaharian. Ako mismo at hindi ang isa sa ating mga tagasilbi.”

***

MAAGA pa lamang ay sinalubong na namin ang Sultan ng Limhang na si Sultan Rigor. Napakatagal na panahon na nang may bumisitang isang pinuno dito at nagulat ako nang mapagtantong isa pala siyang matikas at gwapong pinuno. Balita ko ay siya na ang pumalit sa kaniyang ama na ngayon ay may malubhang sakit. Tingin ko ay nakabata pa niya. Tiyak na kaedad niya ang aking Ate Ella.

Hindi nga ako magsisisi sa aking plano.

Kasama niya ang lima sa kanyang mga kawal sakay ng kanilang mga kabayo. Matapos ang pagpapakilala ay napansin kong napakalagkit ng mga tingin niya sa akin. Mukhang wala pa man ay magtatagumpay na ako.

“Hindi mo sinabing kay gaganda pala ng mga anak mo, Haring Eliseo,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Napangiti naman ako. Iyong tipo na mapang- akit.

“Hindi kataka- kataka. Sila ay manang lahat sa kanilang ina sa itsura pero sa pag- uugali ay sa akin,” nakangiting sabi naman ni Ama.

Pumasok na rin kami sa aming palasyo para sa isang masaganang salo- salo na si Ina mismo ang umasikaso.

“Napakakisig ni Sultan Rigor. Kung wala lang sana akong kasintahan ay pupwede kami,” kinikilig na sabi ni Ate Elena habang pinapanood namin silang mag- usap.

“Ako rin, Elena,” sang- ayon naman ni Ate Ella. “Pero sa tingin ko naman ay kay Elisa siya may gusto. Tingnan mo, panay ang tingin niya sa ating bunso.”

Napahagikhik naman kaming tatlo. Mukhang pati ang mga kapatid ko ay napansin na rin ang mga malalagkit na pagsulyap ni Rigor.

Matapos ang kainan ay pinagpahinga namin ang aming mga bisita. Nang dumating na ang hapon saka lang sila ulit lumabas at nakipag- usap sa mga tao.

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now