Rose and The Wolf
“TUTULOY na po ako!” masigla kong sabi nang masiguro ko nang kompleto na ang laman ng basket na dadalhin ko sa pagbisita kay Lola dahil may sakit siya.
Lumabas naman ang aking ina mula sa kusina.
“Mag- iingat ka, Rose. Sige na, tumulak ka na at mahirap nang abutan ka ng dilim sa daan. Delikado ang mga lobo, alam mo 'yan.”
“Huwag ka pong mag- alala, ina. Ang anak niyo ay isang matapang na binibini!”
Si ina talaga. Para namang ang layo ng lalakarin ko eh nasa kabilang dulo lang naman ng gubat ang bahay ni Lola.
Totoo ang sinabi niya. May mga gumagalang lobo sa gubat kapag sumasapit ang gabi pero ang pagkakaalam ko ay wala naman sa gubat na kinatitirikan ng bahay namin.
Pero sa nasabi ko na, hindi naman ako natatakot. Matapang yata ako.
Malapit ko nang marating ang bahay ni Lola nang maramdaman ko ang mga kaluskos sa mga talahiban. Napahinto ako at napalingon. Isa kaya iyong ligaw na hayop?
Itinuloy ko ang paglalakad at ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang mga kaluskos. May sumusunod ba sa akin?
“May tao ba diyan?” tanong ko at luminga- linga sa paligid.
Nang makita kong may gumalaw sa talahiban malapit sa akin ay doon na ako kinabahan. Napaatras ako. At nang may tumalong malaking lobo mula sa talahiban ay napatili ako at bumagsak sa lupa. Mukhang masyado yata akong bumilib sa sarili ko. Hinihintay ko na lang na sakmalin ako ng lobo pero hindi nangyari. Nang bumangon ako ay nakita kong nakatingin lang sa akin ang lobo habang nakalabas ang kanyang dila. Bakas sa mukha nito na wala naman itong balak na gawing masama sa akin.
“M- mabait ka naman, 'di ba? Hindi mo naman ako sasaktan.”
Inabot ko ang kamay ko at dinilaan naman niya ito. Nakahinga ako nang maluwag.
“Gusto mong sumama sa pupuntahan ko?”
Iwinagayway lang niya ang kanyang buntot.
“Sige. Ipapakilala kita sa Lola ko.”
Pinulot ko ulit ang basket na nabitawan ko. Mabuti na lang at hindi naman natapon ang mga dala ko.
“Halika ka, kaibigan. Sumama ka sa 'kin. Sa susunod 'wag mo na 'kong bibiglain, ha?”
Mukha namang hindi lahat ng lobo ay masasama. Nang malapit na 'ko sa pintuan ng bahay ni Lola ay huminto sa paglalakad ang lobo.
“Ano'ng problema? Ayaw mo ba?”
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
“Kung gano'n hanggang dito ka na lang kaibigan. Maraming salamat sa pagsama sa akin!”
Tumakbo na ako papasok ng bahay upang makita ko na rin ang pinakamamahal kong Lola.
Mabuti- buti na pala ang kanyang pakiramdam at nakakabangon na siya sa kama. Pinakain ko siya ng mga dala kong prutas at ipinagluto ko pa siya ng sinabawang gulay.
“Ang sarap naman, apo. Pwedeng- pwede ka na ngang mag- asawa.”
Ngumiti naman ako.
“Wala pa sa isip ko 'yan, Lola. Napakabata ko pa po.”
“Sinasabi mo lang 'yan sa ngayon dahil wala ka pang nakikilalang lalaking nagpapaibig sa'yo.”
Nang kumagat ang dilim ay nagpaalam ako kay Lola na maliligo sa sapa na nasa paanan lang ng gubat.
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
General FictionStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...