Jairus of Valentine 4
NAPA- SIGN OF the cross si Manang nang makita niyang wala na nga ang estatwa sa dating kinaroonan nito.
"A-ang buong akala ko magiging kwento na lang iyon habang- buhay...pero...pero..." Hindi makapaniwalang itinuro niya si Jairus na nakahawak sa braso ko.
"Ang gwapo niya, 'no?" sabi ko naman at humagikhik.
"Puno nga ng kababalaghan ang bahay na 'to! Kaya siguro ayaw na ayaw ni Belle na nagpupunta dito."
"Pero mabait naman si Jairus, Manang, eh," sabi ko at pinisil ang kamay nito.
"Alam ko naman 'yon, hija, eh. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Ano na ba ang plano ninyong dalawa?"
"Ituturo ko po lahat kay Jairus ang lahat ng dapat niyang malaman, Manang. Alam kong makakaya niyang makipagsabayan sa atin. Magaling siya, eh." Nilingon ko pa si Jairus at nginitian. Ginantihan naman niya ako ng kiming ngiti.
"Kung gano'n ay ikaw ang bahala, hija. Kung kailangan ninyo ng tulong, nandito lang ako. Alam na ba ni Belle ito?"
"Hindi pa, Manang, pero plano kong ipakilala si Jairus sa kanya. Tiyak na magugulat 'yon."
WEEKEND nang magkita kami ni Belle at araw ng libing ni Harvey. Pinabilhan ko pa ng additional na damit si Jairus at kasama na doon ang damit panglibing. Medyo masama nga ang timing.
"Tama ka nga, Sofia, hindi nga ito nakakasilaw," sabi ni Jairus habang hindi maalis- alis ang pagkakahawak niya sa sunglasses na pinasuot sa kanya. And guess what, kanina pa siya pinagtitinginan ng mga taong nakikiramay.
"Sabi sa'yo, eh. Halika, bilisan na natin at baka malapa ka pa ng mga babae dito."
Agad ko namang nakita si Belle dahil hindi pa masyadong marami ang nasa canopy. Kausap nito si Chippy na kahit sa malayo ay alam kung todo ang pag- iyak.
Hinawakan ko sa kamay si Jairus at lumapit sa kinaroroonan nila.
"Belle," tawag ko.
"Sofia!"
Agad naman siyang yumakap sa akin nang makita niya ako.
"Nasaan ang asawa mo?"
"May kakausapin daw eh."
Matapos kong kausapin si Chippy ay umupo kami sa pangalawang row.
"Alam ko hindi magandang timing 'to pero gusto kong makilala mo si Jairus."
Saka lang niya pinansin ang katabi ko at agad na nanlaki ang mga mata niya.
"Siya na 'yan, Sofia? Pero pa'no nangyari?"
"Mahabang kwento, eh. Usap tayo kapag may pagkakataon kasi kulang ang isang buong araw lang."
"Migosh."
"Kamusta ka, Belle?"
"Nagsasalita pa siya!"
"Ano'ng akala mo kay Jairus, pipi't bingi?"
"Hindi naman sa gano'n. Bakit, hindi pwedeng magulat?"
"Hindi ka ba natatakot?"
"Hindi, 'no." Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Hindi nga ako natakot sa asawa kong dating halimaw, eh."
"Ayan ka na naman, pinaglololoko mo na naman ako. Kaloka ka talaga, o."
"Naniwala nga ako sa'yo pagkatapos ikaw iniisip mong nagsisinungaling ako? Kaloka ka rin!"
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
General FictionStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...