The Tale of the Evil Queen
“REGINA? Regina, nasaan ka?”
Mabilis siyang lumabas ng kanyang silid nang marinig na niya ang boses ng Lola niya.
“L-lola...”
“May ginagawa ka ba sa silid mo?” tanong nito sabay lapag ng malaking buslo na punong-puno ng mga gulay sa mesa. “Bakit hindi mo binabantayan ang niluluto mo?”
“B-binabantayan ko po, Lola. Nagpalit lang ako saglit ng damit ko. Nadumihan kasi, eh.”
“Kung gano'n ay ayusin mo na lang ang mga gulay na 'to. Magpapahinga na ako. Masyado akong napagod.”
Tumango lang siya. Sinundan niya ng tingin ang matanda. Alam niyang kapag pumasok na ito ng silid nito ay hindi na niya ito pwedeng kausapin hangga't hindi ito lumalabas. Hindi niya alam kung bukod sa pagpapahinga ay may pinagkakaabalahan pa ba ang kanyang Lola. Bata pa lang siya ay ganoon na lagi ito.
Ito na nga ang tanging nakalakhan niya. Sanggol pa lamang daw siya nang maulila sa mga magulang. Sumugod kasi ang mga taong-bayan minsan sa kanilang bahay dahil sa pinaniniwalaan ng mga ito na mangkukulam ang kanyang Lola Grimelda. Pinagbibintangan ng mga ito ang matanda na siyang dahilan ng pagkamatay ng mga alagang hayop sa kanilang bayan. Sinunog ng mga ito ang kanilang tahanan at sila lamang ng kanyang Lola ang nakatakas.
Dito na nga nila napili ng kanyang Lola na mamuhay sa gubat ng katabing kaharian.
Sumilip siya sa labas ng kanilang bahay. Nakita niya si Diego na nagtatago sa malaking punong kahoy.
Kumaway siya sa kasintahan bilang pamamaalam. Kumaway rin ito at nagpalipad ng halik na kaagad naman niyang sinalo. Sana ay maging ligtas ito habang magkalayo silang dalawa.
“LOLA, pupunta na po akong ilog,” paalam niya sa kanyang Lola na abala sa pananahi sa tabi ng bintana ng silid nito.
“Mag-iingat ka, Regina. Kagaya ng lagi kong bilin sa'yo. Kailangan nandito ka na bago lumubog ang araw,” sabi naman nito.
Tumango lang siya. Basta't hindi siya lalabas ng gubat ay hinahayaan lang siya nitong gawin anuman ang gustuhin niya. Kaya naman kadalasan ay sinasamantala niya ang pagkakataon upang makasama si Diego sa ilog.
Ngunit hindi pa nakakabalik ang kanyang kasintahan. Ilang araw na rin siyang nalulungkot at nananabik dito. Ngayon ay mag-isa na naman siyang maliligo. Hindi bale na. Ilang araw na rin lang naman ay makakasama na ulit niya ito.
Hinubad niya ang lahat ng kanyang damit bago nagpakasawang lumangoy sa ilog. Hindi na naman niya maiwasang maalala kung paano sila nagkakilala ni Diego. Naligaw ito sa gubat at napadpad sa ilog. Saktong nang araw na iyon ay naliligo rin siya. Hindi sinasadyang makita siya nitong naliligo nang hubo't hubad. Hiyang-hiya siya at nagalit dito. Hindi naman ito tumigil sa paghingi ng paumanhin sa kanya hanggang sa napatawad na niya ito at naging mabuting magkaibigan sila sa dalas ng pagkikita nila doon.
Nang mapagod siya ay nagpahinga siya at nahiga sa malapad na bato. Doon sa malapad na batong iyon ang saksi sa mga maiinit nilang sandali ng kasintahan. Hindi na siya makapaghintay na maulit iyon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inaalala ang mga pagkakataong nagsalo sila sa maiinit na sandali.
LAKING pasasalamat ni William nang matanaw ang isang ilog hindi kalayuan. Kanina pa siya paikot-ikot at nauuhaw na silang pareho ng alaga niyang kabayo. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling nanggaling sa gubat na iyon. Ang alam lang niya, napakatagal na rin. At hindi niya matukoy ang saktong rason kung bakit napadpad na naman siya sa gubat na iyon. Ang pakiramdam lang niya ay tila ba may kung anong humila sa kanya na magpunta sa gubat na iyon.
Bumaba siya ng kanyang kabayo at hinila ito pababa sa ilog. Hindi hamak palang may igaganda pa ang ilog sa malapitan. Yumukod siya at dumakot ng tubig sa kanyang mga kamay. Laking ginhawa ang naramdaman niya nang sumayad ang tubig sa nanunuyo na niyang lalamunan. Habang abala rin sa pag-inom ang kanyang kabayo ay pasimple niyang iginala ang tingin.
At napatigil siya. May nakita siyang tao na nakahiga sa isang malapad na bato ilang metro lang ang layo mula sa kanya. Hindi siya makapaniwalang may makikita siyang tao sa gubat na iyon. Nilapitan niya ang kinaroroonan nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino man ang nakahiga sa batong iyon. Isang magandang babaeng walang kasing amo ang mukha at walang saplot sa katawan!
Napalunok siya. Bahagyang nakahiwalay ang mga hita nito kaya kitang-kita niya ang pagkababae nitong kaakit-akit.
Isa ba itong diwata?
YOU ARE READING
Desirable Beast (Completed)[R-18]
General FictionStrong Parental Guidance! This Book is R-18! Blurb: Gretel has every reason to despise Javier del Mundo. Arrogant, wealthy, and infuriatingly proud, he embodies everything she can't stand. He's not her dream man-not even close. Yet, she can't ignore...