[3] THE MYSTERIOUS SCULPTURE

66.6K 494 21
                                    

The Mysterious Sculpture 3

NATAGPUAN KO ang sarili ko sa harap ng sculpture ni Jairus of Valentine. Ewan ko ba. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na panaginip lang 'yong nangyari kagabi, hindi pa rin ako mapalagay. Parang totoo talaga, eh.

Pinakatitigan kong mabuti ang mukha niya. Kung hindi lang siya isang marmol, kung naging totoong tao siya, malamang sa malamang na kamukha niya ang lalaki sa panaginip ko kagabi!

Kinilabutan na naman ako.

Posible nga kaya 'yon? Pero bakit naman ako mananaginip ng gano'n? Na parang kinakausap niya 'ko dahil may gusto siyang mangyari?

Natampal ko ang noo ko. Dahil kaya kapangalan ko ang Sophia na sinasabi niya? Pero hindi ba malalaman pa rin niya 'yon dahil magkaiba naman ang mukha naming dalawa?

Pagkatapos ay natigilan ako dahil sa pag- ihip ng malakas na hangin sa kwartong iyon. Lumapit ako sa bintana at sumilip sa labas. Payapa naman ang paligid sa labas ng bahay kaya papaanong hahangin ng gano'n? Parang ito rin 'yong nangyari kagabi, ah?

Kinikilabutan na talaga ako, ha. Parang hindi naman yata ako makakatagal dito.

“Sofia.”

“Ahhh!” sigaw ko nang marinig ko ang pangalan ko. Agad akong napaharap at nakita ko si Manang sa likuran ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko. “Manang, ginulat mo naman ako!”

Kanina kasi sinabihan ko siya na tawagin na lang ako sa pangalan ko para hindi na 'ko mailang.

“Pasensiya ka na, hija. Hindi ko naman inakala na magugulat ka.”

“Sorry rin po. Ano kasi, eh...”

“May naramdaman kang kakaiba, ano?” putol niya sa sasabihin ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

“Paano niyo po nalaman?”

“Kinausap ka ba ng espiritu ni Jairus?”

Napalunok ako. “M-manang, pwede bang magkaroon ng espiritu ang isang estatwa? Kayo naman, o.”

“Dapat mong malaman na hindi ordinaryong estatwa lang si Jairus. Tao siyang isinumpa. Ayon pa sa kwento ni Doña Bella, nakakulong lang daw sa batong 'yan ang espiritu niya at hinihintay niya ang pagbabalik ni Sophia upang mawala ang sumpa.”

“Pero patay na si Sophia, 'di ba? Nagpakamatay siya dahil hindi niya matanggap ang nangyari.”

“Wala raw kamatayan ang pag- ibig ng dalawang iyon kaya sa anumang paraan ay magbabalik ang mga kaluluwa nila upang hanapin ang isa't- isa at magsasama habang buhay.”

“K- kung gano'n, bakit ako ang tinatawag niyang Sophia? Siyempre magkaiba kaming dalawa, hindi ba?”

“Kung gano'n ay nagpakita nga siya sa iyo!” hindi makapaniwalang sabi ni Manang Lydia.

“H- hindi po. Nananaginip lang po ako no'n!”

“Hindi lang 'yon basta panaginip, hija. Totoo 'yon! Hah. Hindi ako makapaniwala. Gusto niyang bawiin mo ang sumpa sa kanya!”

Napaatras naman ako.

“Manang, tama na ngang panggu- good time 'to. Kayo talaga, o.”

“Kung hindi ka naniniwala, ikaw na mismo ang bahalang tumuklas sa buong katotohanan. Mabuti na iyong ikaw na mismo ang makapagpatunay sa sarili mo.”

“H- hindi ko naiintindihan, Manang. Naguguluhan ako.”

“Naihanda na ni Cardo ang sasakyan ninyo. Bumaba na lang po kayo kung handa na kayong umalis.”

Desirable Beast (Completed)[R-18]Where stories live. Discover now