CHAPTER 5: Kinasasabikan at Kinamumuhian

157 8 0
                                    

NICOLE

Matapos mabasa ni Nicole ang nakasulat na pangalan sa bracelet na napulot niya sa sahig, agad niyang nilapitan ang babaeng nasa sulok.

“Sabihin mo, sa'yo ba 'to?! Itong bracelet sa'yo ba 'to?! Sabihin mo! Sabihin mo!” mangiyak-ngiyak na tanong ni Nicole sa babae habang inaalog ang balikat nito.

Tumingala ang babae mula sa pagkakayuko at tinitigan ang bracelet na nasa tapat ng kanyang mukha. Tumango lamang ito upang sagutin ang tanong ni Nicole sa kanya.

Hindi parin makapaniwala si Nicole sa mga nangyayari kaya naisip niya na baka simpleng coincidence lamang ito.

Hindi pwedeng kapalangan ni Chloe ang babaeng 'to! This is fucking insane!

Naupo si Nicole sa isa pang sulok. Niyakap ang kanyang mga tuhod at ipinatong ang kanyang noo dito. Pumikit siya at inalala ang mga masasayang pangyayari kasama ang kaibigang si Chloe. Di rin nagtagal ay nakaramdam siya ng matinding pagka-antok at maya-maya pa'y tuluyan na nga siyang nakatulog sa ganong posisyon.

Nagising si Nicole mula sa maingay na pagkakabukas ng bakal na pintuan ng selda hindi pa man nakadungaw ang araw. Nakita niya sa madilim na sulok ang kasama niyang bilanggo. Si Chloe.

Pumasok ang tatlong babae sa loob ng selda, ang isa sa kanila ay may hawak na mahabang kulay gray na damit. Inihagis ito sa kanyang harapan at hinintay siyang matapos sa pagsuot nito.

Nang matapos, hinila siya ng dalawang babae at iniharap sa pader. Kinuha ang dalawa niyang kamay, inilagay sa kanyang likuran at muling pinosasan.

Inilabas siya ng mga ito at dumaan sila sa napaka-haba, tahimik at pasikot-sikot na hallway. Sa dulo ay lumiko sila pakaliwa, naglakad ng ilan pang segundo hanggang sa marating nila ang isang spiral na hagdanan. Bumaba sila dito bago muling naglakad sa isa pang napakahaba at makulay na hallway.

Naglalakihan kasi ang mga bintana rito na may iba't ibang kulay kaya sa tuwing tatamaan ito ng sikat ng araw ay napupuno ng makukulay na ilaw ang sahig at pader. Green, red, blue, yellow, violet at iba pa.

Nakarating sila sa dapat puntahan. Sa kanilang harapan ay isang double-door na gawa sa matibay na kahoy na may dalawang hawakan na gawa naman sa bakal.

Binuksan ito ng isang babae at ipinasok siya sa loob. Ang loob ay kasing laki lamang ng isang ordinaryong kuwarto. Sa gitna ay isang napakalaking palanggana na gawa sa kahoy. Puno ito ng tubig.

“Para saan to?” tanong niya.

“Wag kang mag-alala tubig lang ang laman niyan.” sabi ng isang babae. Lumapit ito sa gilid ng pintuan, doon kinuha ang isang basket at inilapag ito sa harapan niya.

“Nariyan na ang lahat ng kailangan mo. Bibigyan ka lang namin ng sampung minuto para paliguan ang iyong sarili.”

Tinanggalan ng dalawang babae ng posas si Nicole habang binuksan naman ng isa ang nag-iisang bombilya na nagbibigay ng kulay orange na liwanag. Nang matapos ay lumabas na ang mga ito at isinara ang pintuan.

Dali-dali namang pinaliguan ni Nicole ang kanyang sarili gamit ang isang tabo na gawa rin sa kahoy. Kinuha niya ang sabon na nakapatong sa gilid. Kulay puti ito at halos walang amoy ngunit bumula naman ito nang ikuskos niya ito sa kanyang katawan.

Nang matapos ay kinuha niya ang basket. Sa loob nito ay isang malinis na puting tuwalya. Pinunasan niya ang buo niyang katawan at kinuha naman ang simpleng kulay itim na long sleeves na damit at mahabang itim na palda at dali-dali itong isinuot.

Sakto namang tapos na siya nang biglang pumasok ang tatlo. Muli silang lumabas, naglakad at nagpasikot-sikot pa sa loob ng kastilyo hanggang sa marating nila ang maingay na hallway.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon