CHAPTER 20: Encant'lisan

128 6 0
                                    

SA MUNDO NG MGA TAO

FRANCIS

Hindi parin makapaniwala si Francis sa mga nangyayari sa bayan na kanyang pinamumunuan. Tila isang bangungot na gusto niyang takasan.

Ayon sa nasagap niyang balita, matapos raw ang biglaang brownout, hindi paggana ng mga gadgets at mga sasakyan, napag-alaman raw ng isang grupo ng mga raliyista na may kilusang “No-To-Operation-HLZ” na ang ibang sundalo na nagbabantay sa HLZ ay nasa labas ng munisipyo. Kaya naman agad na sumugod ang mga ito.

Sinisisi daw ng mga raliyistang ito ang gobyerno sa mga nangyayari at dahil nagtatrabaho ang mga sundalong ito sa HLZ, naituon daw ng mga raliyista ang galit sa mga sundalo.

Nagkasigawan, nagkainitan, nagkaagawan ng mga baril ang dalawang grupo hanggang sa mauwi ito sa palitan ng mga putok na ikinasugat at ikinamatay ng mga tao. Kabilang na nga rito ang ibang empleyado ng munisipyo at iba pang mga reporter.

Dahil walang sasakyan na gumagana, hindi na nagawa pang agad na maisugod sa ospital ang mga labis na napuruhan kaya doon na sa labas ng munisipyo binawian ng buhay ang iba sa mga ito.

Sa kabila ng nangyari, tuloy parin ang pangungulit sa kanya ng mga reporter. Wala mang gadgets, microphone at camera para makapag-report, pinauulanan parin siya ng mga ito ng sandamakmak na katanungan habang abala ang mga kamay sa pagsusulat sa papel na kanilang hawak-hawak.

Dahil nga brownout, kinansela niya ang pasok sa mga paaralan. Kinumpiska niya ang mga baril ng mga pulis bago niya ipakalat ang mga ito sa iba't ibang lugar sa bayan upang mapanatili ang kapayapaan.

Nakapagtataka rin ang tila hindi pagdaloy ng kuryente sa mga poste. Pinasuri ito ni Francis sa mga electrician ngunit wala naman silang nakitang problema dito.

Maraming tao ang nagsasabi na dulot daw ng advance mass weapons na ginagawa ng gobyerno sa HLZ ang mga nangyayari. Ang iba naman ay sinasabing dulot daw ito ng nag-leak na radiation sa HLZ na agad namang pinabulaanan ng mga eksperto.

Dahil hindi gumagana ang kanilang mga apparatus para malaman kung contaminated nga ba ng radiation ang isang lugar, nag-improvise sila at gumawa ng Kearny fallout meter.

Ang Kearny fallour meter ay isang improvised apparatus na maaaring gamitin sa pag-detect ng radiation. Maaari kang makalikha nito mula sa mga kagamitan na makikita lamang sa loob ng bahay o kusina tulad na lang ng aluminum foil. Hindi na nito kinakailangan pa ng kuryente upang gumana.

Samantala, napag-alaman nila na tanging mga solar panel lang ang maaari nilang mapagkuhanan ng kuryente dahil sa ilang mga kabahayan at establishment na mayroon nito.

Dahil hindi gumagana ang mga gadgets, hindi nila maipaalam sa kalapit na mga bayan ang nangyayari sa kanilang lugar.

Tatlong kilometro ang layo ng pinakamalapit na bayan mula sa Mapuno. Bukod sa napapaligiran ng kabundukan at kagubatan ang bayan ng Mapuno, iisa lang ang kalsada nito na naka-konekta diretso sa pinakamalapit na bayan.

Ang malaking katanungan ay ano ang sanhi ng lahat ng ito? Dulot nga ba ito ng kuwento-kuwento tungkol sa ginagawang secret underground facilities ng gobyerno sa HLZ o may iba pang dahilan?

Ngayong araw ay malalaman ni Francis ang kasagutan. Dahil yan sa nangyaring insidente kahapon ng umaga. Ang biglaang pagbagsak ng isang roro at ang biglaang pagkasira ng isang truck na may kargadang sako-sakong bigas na idi-deliver sana sa bayan.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon