CHAPTER 6: Ang Pagkikita

181 6 0
                                    

NICOLE

“Maupo ka.” utos ni Carolina habang nakatitig sa kanya.

Hindi agad nakakilos si Nicole dahil hindi niya alam kung saan siya uupo. Sa magarang sofa ba o sa sahig?

Bitch sabihin mo nalang kung saan ako uupo.

“Ahh... saan po ba ako uupo ate este m-mahal na Reyna?” tanong niya.

Tinitigan lang siya ni Carolina ng ilang segundo, mula ulo hanggang paa, tila minamaliit siya. Itinuro nito ang sofa gamit ang palad at saka bumalik sa balkonahe.

Dahan-dahan namang umupo si Nicole tila takot na marumihan ang maganda at napakalinis na sofa ng Reyna. Kulay maroon ito at nadedesenyuhan ng gold patterns ang malapad na sandalan nito. Di siya mapakali sa kina-uupuan dahil bukod sa napakalaki, napakagara, at napakaganda ng kuwarto na kanyang napasukan ay makakaharap niyang muli ang Reyna ng Biringan na si Carolina sa pangalawang pagkakataon.

Habang hinihintay si Carolina, pa-simpleng inilibot ni Nicole ang kanyang paningin sa loob ng magarang kuwarto. Ito na yata ang pinaka-magandang kuwarto na nakita niya sa buong buhay niya. Cabinet, salamin, bintana at kurtina, chandelier, wallpaper, pugon, lamesa't upuan, kama, sofa, pintuan, carpet at iba pang kagamitan sa loob ay hindi pangkaraniwan ang pagkakagawa.

Kung nandito lang sana si Chloe sigurado matutuwa yun.

Di rin nagtagal ay lumapit na rin si Carolina sa sofa. Malumanay itong naglakad patungo sa kanya habang nasa likod ang mga kamay, nauuna ng kaunti ang mga dibdib, at gumegewang na parang Beauty Queen ang baywang. Suot nito ay isang napakanipis at kulay pulang fitted na gown kaya kitang kita ni Nicole ang makurba nitong katawan.

Nagpalakad-lakad pa si Carolina sa kanyang harapan ng ilang segundo. Pabalik-balik ito habang nagha-hum na tila may hinihintay pang bisita.

“Hmmm... Hmmmm...”

Inaasar ba ko ng babaeng to? My god! This bitch must be so proud of herself! Kung nandito lang si Chloe malamang hinamon kana ng suntukan...

Tumigil na si Carolina sa paglalakad at saka naupo sa kabilang sofa. Sa pagitan nilang dalawa ay ang lamesa. Sumandal ito sa sofa habang nakade-kuwatro ang mga paa, naka-cross ang dalawang kamay nito.

Tinignan siya ni Carolina habang nakataas ang isang kilay nito.

Fuck you!

CAROLINA

Sa kanyang harapan ay ang babaeng nagpakita at sumira sa maganda niyang panaginip. Ang babaeng pwedeng sumira sa kanyang mga pangarap at ang babaeng sinabi sa propesiya na papatay sa kanya.

Matagal hinintay ni Carolina ang pagkakataong ito. Puno parin ng takot ang kanyang dibdib ngunit pilit niyang nilalabanan at itinatago ito mula sa babae na nasa harapan niya.

Ako ang Reyna ng mga Engkanto, makapangyarihan, at walang kinatatakutan kaya hindi ko hahayaang maglaho lang ang aking mga pinaghirapan na makamit nang dahil lamang sa babaeng ito.

“Marahil kilala mo na ako?” tanong niya sa babae.

“Ahh... o-opo mahal na Reyna, kayo po si Carolina.” sagot ng babae.

“Mabuti naman kung ganun.”

Kita ni Carolina ang takot ng babae, hindi ito mapakali sa kinauupuan habang kinakagat nito ang ibabang labi. Nasisiyahan siya sa kanyang nakikita.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon