CHAPTER 15: Ang Nasirang Plano

125 6 0
                                    

JOHN

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni John matapos niyang makalabas mula sa kuwarto ni Carolina.

Dahil sa nakitang takot sa mga mata ng Reyna, nasisiguro niyang agad na nabatid ni Carolina ang gusto niyang ipakahulugan gamit lamang ang kanyang mga daliri sa kamay.

Nakatatak pa rin sa isipan ni John ang nakitang reaksiyon sa mukha ni Carolina matapos mabunyag ang sikreto nito.

Bagay na maaaring ikabagsak ni Carolina bilang Reyna ng Biringan. Sikretong hindi dapat malaman ng mga Tao't Engkanto, lalo pa ng mga nagtataasang opisyal ng palasyo.

Sa kabila nito ay ang kasiyahang nadama ni John dahil kung sakaling ituloy ni Carolina ang binabalak na pagpaparusa kay Nicole ay mayroon siyang magagamit na alas upang kontrahin ito.

Ngunit ano ang ebidensya na kanyang ipapakita kung sakali ngang magkaroon ng imbestigasyon tungkol dito? Ebidensya na hindi lamang salita na nanggagaling sa kanyang bibig kundi isang ebidensya na nahahawakan at nakikita.

Sa madaling salita, kailangan niya ng isang materyal na patunay upang palakasin ang kanyang natatangi-tangi at nag-iisang alas.

Isip John... Mag-isip ka! Kailangan mo ng matibay na ebidensya... Kailangan mo ng patunay... Dahil buhay ni Nicole ang nakasalalay dito... Kailangan mo ng-

Biglang nagbukas ang mga mata ni John mula sa pagkakapikit dahil isang ideya nanaman ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Muli siyang bumalik papunta sa silid ni Carolina.

Sa pangatlong pagkakataon.

CAROLINA

Matapos ang nangyari ay agad na pumasok si Carolina sa loob ng kanyang magara, maluwag at malinis na palikuran habang suot-suot pa ang damit na gagamitin niya sana sa loob ng Silid Ng Katotohanan.

Dito ay humarap siya sa malaking salamin, nakatitig siya sa kanyang sarili habang nanlilisik ang mga mata, nakahawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa gilid ng lababo na gawa pa sa marbles. Kung makikita lamang siya ng kahit sino ay marahil agad silang lalayo mula sa kanya dahil kitang-kita ang galit na bumabalot sa buo niyang katawan.

Maya-maya pa'y malakas na sumigaw si Carolina.

HAAAAAAAAA! HINDI MAAARI TO! WALANG SINUMAN ANG DAPAT GUMAMBALA SA LAHAT NG AKING PLANO! WALA! WALA!” sigaw ni Carolina habang naka-angil ang mga ngipin nito dahil sa sobrang pagkagigil.

Dahan-dahang ipinikit ni Carolina ang kanyang mga mata habang ikinakalma ang sarili. Napagtanto niya na wala na siyang magagawa kundi itigil at huwag nang ituloy pa ang ibinabalak na plano. Napagtanto niya rin na wala siyang laban kay John, ang pinakamamahal niyang lalaki. Gustuhin man niyang gumawa ng paraan para lamang matuloy ang binabalak ay hindi niya kayang saktan ang kaisa-isang lalaki na pinaniniwalaan niyang nakatakda para sa kanya. Kaya sa harapan ng salamin ay nabuo ang pasya ni Carolina na tuluyan nang iatras ang pinaplano.

Hahahahaha! pilit nitong tawa habang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin. “Marahil sa pagkakataong ito ay nakawala ka sa makamandag kong mga tinik ngunit sa susunod ay sisiguraduhin kong hindi kana makakatakas. Luluhod at magmamakaawa ka sa aking harapan. Ikaw ang matatalo at ako ang magwawagi. Hahahahahaha!

Hinubad ni Carolina ang suot-suot niyang damit at pinalitan ito ng kulay berdeng gown. Lumabas siya ng kanyang palikuran at saka maayos na ibinalik ang kulay itim na damit sa cabinet.

Muli siyang tumapat sa salamin. Inayos ang kanyang mga kolorete sa mukha, tinalian ang kanyang buhok ng pa-ponytail at inayos ang tindig. Nang makuntento ay agad ring lumabas ng kanyang kuwarto at dumiretso na nga papunta sa Silid ng Katotohanan.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon