CHAPTER 22: The Great Sacrifice

116 6 0
                                    

SA MUNDO NG MGA TAO

ORAS: 7pm

BARBAROZ

Kasalukuyan siyang naka-upo sa batong trono habang umiinom ng alak mula sa basong gawa sa bamboo. Iniisip niya ang nabuo nilang plano para gawin ang malawakang pagsasakripisyo o ang tinatawag nilang The Great Sacrifice.

Plano nilang simulan ang pag-atake mula sa pangunahing kalsada kung saan makikita ang hangganan ng paggapang ng harang. Plano nilang palibutan ang buong bayan para itulak ang mga tao papunta sa madilim na kagubatan. Hindi na alintana sa kanya kung makapasok man ang mga ito sa mga portals dahil sa oras na magsara na ang mga portals dahil sa pagsayaw, kakausapin niya na ang reyna ng Biringan na si Carolina tungkol sa batas na nagpapahintulot sa mga Tao na mamuhay sa loob ng mundo ng mga Engkanto. Dahil magkakalayo ang mga Encant'lisan, gagamit sila ng makukulay na ilaw na sasabog sa kalangitan upang magsilbing hudyat sa pagsisimula ng kanilang pag-atake.

Sa oras na makita at marinig ng mga alagad na nagtatago sa kabundukan at kagubatan na nakapalibot sa buong bayan ng Mapuno ang pagsabog nito, magsisindi sila ng mga molotov para ihagis sa mga kabahayan. Gagawa ito ng kaguluhan, matataranta ang mga tao at doon na sila susugod. Lahat ng Encant'lisan na alagad ay nakasuot ng mahahabang itim na damit upang hindi madaling makikita o mapapansin ng mga tao ang kanilang paglapit mula sa madidilim na mga lugar.

Maya-maya pa'y pumasok na sa kuweba ang kanyang kanang kamay na si Gregoryo.

“Pinuno! Nakahanda na po ang lahat ng alagad! Ganun rin ang mga sandatang gagamitin natin!” malakas na pagkakasabi ni Gregoryo habang nakaluhod sa isang tuhod at nakatingala sa kanya.

Tumayo si Barbaroz mula sa pagkaka-upo sa batong trono at bumaba gamit ang batong hagdan. Suot-suot niya ay isang itim na mahabang damit na nahahawig sa isang kapote dahil may malaking hood rin ito na nagtatakip sa kanyang mukha at kalbong ulo. Umaabot naman ang mala-paldang laylayan nito sa kanyang sakong-sakong.

Sabay silang naglakad ni Gregoryo palabas ng kuweba. Sa gilid ng daanan ay makikita ang iba't ibang hugis at laki ng mga rock formation kung saan nakapatong ang mga torches at brazier na may apoy. Maririnig rin ang kaluskos na nililikha ng mga nakasabit na paniki sa madilim na itaas ng kuweba.

Sa labas ng kuweba ay malawak na lupain kung saan nakatayo ang mga kubo na nagsisilbing tirahan ng mga Encant'lisan. Dahil kilala ang mga Engkanto sa paggawa ng matitibay at magagandang bahay, kahit simpleng kubo ay napapaganda nila. Gawa kasi ito sa purong dayami at puno ng narra ngunit higit na mas maganda at mas matibay kung ikukumpara sa mga kubo na ginagawa sa Labas.

Makikita rin ang mga fire pit kung saan nagluluto ang mga kababaihang Engkanto. May nagluluto rin ng manok na itinusok sa yantok habang pina-iikot ito sa baga at pinapahiran ng pampalasa.

Ang mga alagad naman ay inihahanda na ang kani-kanilang mga sandata. May nagpaparte-parte ng palaso, naghahasa ng mga espada, nag-eensayo gamit ang balisong at ang iba ay may hawak-hawak nang kalasag na gawa sa matitibay na kahoy. Dinagdagan rin ito ng kaunting mga bakal para lalo pa itong tumibay.

Nakahanda na rin ang mga kabayo na gagamitin ng ibang alagad na may hawak-hawak na mahahabang sibat.

Nagtungo sila sa likod ng kuweba. Medyo pataas ang lupa dito na hinulma ng pahagdan at nilapatan ng mga slabs ng bato para mas madali itong akyatin. Pag akyat sa taas, muling pumatag ang lupa at agad na bumungad sa kanila ang napakalaki at napakalapad na puno ng balete. May limang Pordian na nakapalibot dito na may hawak na mahahabang sibat at espada naman sa mga baywang nito. Tanaw rin nila mula rito ang mga kabahayan ng Encant'lisan sa ibaba.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon