CHAPTER 24: Ang Masamang Balita

139 8 3
                                    

CHLOE at JANIS

Matapos mailigtas ni Chloe ang babaeng may paso sa Philtrum - tulad ng babaeng pinagkuhanan niya ng susi upang makatakas - ay agad niyang tinanong ang pangalan nito.

"Sino ka? Bakit nandito ka sa kagubatan? At sino ang lalaking iyon?" sunod-sunod niyang tanong sabay turo sa lalaking Engkanto na nakabulagta sa lupa.

"Ang pangalan ko ay Janis." matipid na sagot nito. "Yun lang muna ang makukuha mong sagot mula sa akin. Ikaw sino ka naman?"

"Ako si Chloe." matipid niya ring sagot. "Saan ka nanggaling?" pahabol niyang tanong kahit alam niya na ang isasagot nito.

Tinitigan muna siya ni Janis ng ilang segundo bago ito sumagot, "Marahil ay alam mo na ang nangyaring kaguluhan sa palasyo?" tanong ni Janis.

Tumango si Chloe at sinabing, "Mabilis kumalat ang balita sa buong bayan ng Biringan lalo na kung ang sentro ng balita ay ang palasyo. Kaya oo, alam ko na."

Muli muna siyang tinitigan ni Janis ng ilang segundo... tumango ito at saka muling sumagot, "Isa ako sa tatlong katulong ng Reyna, at ang lalaking yan," sabay turo sa lalaking Engkanto na nakabulagta sa lupa. "... ay isa sa mga nakatakas na bilanggo. Ayon sa narinig naming usapan ng mga magsasaka sa gubat, dalawang bilanggo lang raw ang tuluyang nakatakas sa palasyo ngunit marami ang inosenteng nadamay at namatay sa nangyaring kaguluhan..." sabi ni Janis, rinig ang lungkot sa boses nito. "Itinali niya ang aking mga kamay at binusalan ang aking bibig ng sa ganun ay hindi ako makapagsalita o makahingi ng tulong at.... at... ahh nagtangka akong tumakas ngunit nahuli niya parin ako."

Nalungkot si Chloe dahil sa narinig at napagtanto na maraming nadamay na inosenteng Tao dahil sa kanya, dahil sa kaguluhan na siya ang may kagagawan.

Aaminin ko ba sa kanya na ako ang may gawa ng kaguluhan? tanong niya sa sarili. Syempre hindi! Baka isuplong pa ko nito sa mga kawal at isuko sa Reyna kapalit ng malaking pabuya.

"Ngayong nakatakas ka na mula sa lalaking kumuha sa iyo, wala ka bang balak na bumalik sa palasyo ng Reyna?" tanong niya rito.

Mas lalo pang nabalot ng kalungkutan ang mukha ni Janis, yumuko ito at ibinaling ang paningin sa lupa. Ngumisi ito at sinabing, "Wala nang dahilan para bumalik pa ako sa palasyong iyon. Ayon pa sa mga magsasaka, kasama daw sa mga namatay sa nangyaring kaguluhan ang dalawang katulong ng Reyna... batid ko na ang tinutukoy nila ay ako at si Patrisyah."

Muling nagulantang si Chloe sa narinig.

Hindi ko puwedeng aminin sa kanya na ako ang may kagagawan sa nangyaring kaguluhan sa palasyo! Namatay ang kaibigan niya, ang babaeng pinagkuhanan ko ng susi! At dahil iyon sa akin!

Ibinaling ni Chloe ang kanyang paningin sa mga puno, tumango at sinabing, "Pinalabas ng Reyna na patay ka na."

"Ganun na nga." nakangising pagsang-ayon ni Janis. "Ikaw, maaari ko bang malaman ang iyong pinanggalingan? Anong ginagawa mo dito sa kagubatan?"

Nagulat siya sa biglaang tanong ni Janis... tumango siya at nagpasyang sabihin ang totoo. "Ang lalaking Engkanto na kumuha sa iyo at ako ay ang tinutukoy ng mga magsasaka na dalawang bilanggong nakatakas."

"A-a-ano?" di makapaniwalang nasabi ni Janis, nanlalaki ang mga mata nito at saka umatras ng isang hakbang.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Nasabi ni Janis sa kanyang isipan. Matapos sa isang bilanggo, dito naman ako ipinasa sa isa! Diyos ko, pinaglalaruan niyo ba ko!

"Huwag mo akong katakutan. Hindi ako masamang tao." mahinahong pagkakasabi ni Chloe.

"Paano naman ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Isa kang bilanggo!" malakas na pagkakasabi ni Janis. "Sa loob ng selda! D-d-doon ka nababagay!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon