CHAPTER 16.1: Hazardous Light Zone

132 6 0
                                    

SA MUNDO NG MGA TAO

LOCATION: Sa maliit na Bayan ng Mapuno. Ang pinaka-malapit na bayan kung saan sinasabing nakita ang pagsulpot ng Biringan City.

Nag-talaga ng curfew ang limang taon nang Mayor ng Bayan ng Mapuno na si Mayor Francisco matapos ang napa-balitang pagsulpot ng sinasabing Biringan.

Kahapon ng alas-dose ng tanghali ay nagpunta siya sa gym ng isang paaralang pang-sekondarya upang daluhan ang naganap na meeting doon.

Kasama niyang naupo sa stage ang iba pang Officials habang ang mga magulang at kabataan naman ay naupo sa pila-pilang upuan na inilagay sa malawak at maluwag na quadrangle ng gym. Kinansela ang pasok nung araw na iyon upang makadalo ang karamihan sa mga residente kaya punong-puno ng tao ang gym nung tanghali ring yun.

Ang iba sa mga ito ay nakatayo lamang habang nakikinig sa sinasabi ng kanilang Mayor habang ang ibang hindi na pinayagang makapasok ay sa labas na lamang ng gym tumayo - kung saan ay may nakalagay na malalaking speaker upang marinig din nila ang sinasabi ng Mayor - habang may hawak-hawak na payong at pamaypay pangontra sa matinding init ng araw.

Naging maayos naman ang pagpupulong nung araw na iyon maliban sa isang matandang nahimatay na agad rin namang binigyan ng paunang lunas ng mga naka-abang na paramedic.

Kabilang sa mga napag-usapan at napagkasunduan ay ang curfew na magsisimula tuwing 10:00 PM. Sa tuwing papatak ang oras na ito, maririnig ang limang minutong pagkalembang ng kampana ng mga simbahan sa buong bayan. Nagsisilbi itong paalala na ang lahat ng residente ay kinakailangan nang magsi-pasok sa kani-kanilang mga tahanan bago pa man tuluyang matapos ang tunog ng kampana.

Kasabay nito ay ang pagpapatrolya ng mga tanod na buong gabing maglilibot sakay ng sampung Automobil. Dala-dala ng mga ito ay flashlight, ekstrang batteries, at batuta habang pinagbawalan naman silang magdala ng baril para narin sa ikatatahimik at ikabubuti ng nakararami.

Ang Bayan ng Mapuno ang pinakamaliit at tanging bayan na nahihiwalay sa mga karatig nito na magkakadikit lamang.

Meron lamang mahigit 10,000 na residente ang naninirahan dito. Nakuha ang pangalan nito dahil sa mga puno at nagtataasang mga bundok na nakapalibot dito. Pagtotroso ang dating pangunahing hanapbuhay dito hanggang sa gawin na itong illegal at tuluyan nang ipagbawal.

Ganunpaman, ay maituturing na isa sa pinakamaunlad na bayan ang Bayan ng Mapuno. At sa kabila ng pagiging liblib ng lugar ay madali rin namang nakakapasok rito ang tulong ng gobyerno sa oras ng mga kalamidad tulad ng bagyo.

Masaya at payapa rin ang pamumuhay ng mga tao dito ngunit unti-unti itong nagbago matapos ang pagpapakita ng sinasabing nakasisilaw na liwanag sa gubat malapit sa kanilang bayan.

Ang sabi ng iba, ito raw ay isa lamang lights equipment ng mga nagmimina roon, ang sabi ng iba ito raw ay liwanag ng mga anghel na bumaba mula sa langit, ang sabi ng iba ito raw ay si Jesus na nag-anyong liwanag, ang sabi ng iba ito raw ay portals papunta sa ibang dimensiyon, at ang pinakapinaniniwalaan ng lahat ay ito raw mismo ang sinasabing Biringan City na mula pa sa kuwento ng mga nakakatanda.

May iilan ring nagsabi na ito ay senyales ng pagguho ng mundo o senyales ng nalalapit na paghuhukom na nakasaad sa Bibliya ng mga Katoliko.

Napuno ng takot at pangamba ang buong bayan hanggang sa makarating na rin ito sa mga karatig bayan nito. Isang linggo lamang ang lumipas matapos ang pagpapakita ng nasabing liwanag ay nadagdagan pa ang takot na naramdaman ng mga tao.

Ito naman ay matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga turista na nangahas na mag-camping o mag-mountain hiking sa lugar kung saan mismo nakita ang nasabing liwanag.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon