CHAPTER 11: Babala at Pagbabanta

108 8 0
                                    

SA MUNDO NG MGA TAO

LOCATION: Camping Site somewhere in Samar Wilderness.

TIME: 01:15 A.M.

Nakahiga si Antonette sa loob ng tent na kanilang itinayo habang naka-headset, nakikinig ng music sa kanyang Android Phone.

Kakatapos lang niyang makipagtalik sa boyfriend niyang si Oliver at nagpaalam itong lumabas para umihi.

Third Anniversary nilang dalawa kaya naisipan nilang mag-camping sa bundok dito sa Samar, malapit kung saan nakita ang pagsulpot ng sinasabing Biringan City.

Katuwaan lang nila ito dahil hindi naman sila naniniwala sa bali-balitang kumakalat tungkol sa nasabing mahiwagang siyudad.

“Malay mo naman babe na totoo pala yung bali-balita. Pag nagkataon baka tayo pa ang unang makakita nun.” sabi pa ni Oliver sa kanya habang natatawa.

Pumayag nga siya sa gusto ng boyfriend kaya nandito sila ngayon sa kabundukan sa Samar kung saan pinapayagan ang mga turista na mag-camping.

On the wings of looove eh eh hmmm. Hmmm... And on the wings of loooove... On the wi

Napatigil si Antonette sa sintunadong pagkanta nang may makita siyang anino na mabilis na dumaan sa labas ng tent. Medyo naiiba ang hugis ng anino dahil may kalakihan ito at tila nakasuot ng mahabang damit.

Tinanggal niya ang suot-suot niyang headset at sandaling nakinig at nakiramdam sa paligid. Tahimik naman ang buong paligid maliban sa pagputok ng tuyong kahoy na nasusunog sa ginawa nilang bonfire sa labas.

“Oliver? Kung mananakot ka lang din namang punyeta ka tigil-tigilan mo na yan!” pasigaw niyang sinabi at mabilis ring ibinalik ang headset sa kanyang tenga.

Aktong babalik na siya sa pagkakahiga nang may dumaan ulit na anino. Hindi lang ito isa kundi dalawa. Muli niyang tinanggal sa kanyang tenga ang kababalik lang na headset at nagsalita.

“Sino yan?” pasigaw niyang tanong. Nakinig siya ngunit walang sumagot. Naisip niya na baka turista lang ito na napadaan mula sa kabilang puwesto kaya muli siyang nagsalita. “May tao ba diyan? Hello...? Oliver! Punyeta naman!”

Dahil sa sobrang inis, binuksan ni Antonette ang zipper ng tent at dali-daling lumabas.

Nang makalabas, nakita niyang wala namang tao sa paligid. Hindi niya rin nakita si Oliver. Tinignan niya ang oras sa kanyang Android Phone - 1:25 A.M.

Halos sampung minuto na ang nakakalipas magmula nang magpaalam si Oliver sa kanya. Sa mga oras na iyon ay nakaramdam na si Antonette ng takot at pinalala pa ito ng malamig na hangin na tila yumayakap sa buo niyang katawan.

Niyakap niya ang sarili at nagmasid-masid sa paligid.

“Oliver...? Please babe hindi na nakakatuwa.” naiiyak nitong sinabi.

Mabilis na lumingon si Antonette sa kanyang likuran nang makarinig siya ng isang malakas na kaluskos mula rito ngunit nakita niya na wala namang tao at inakalang dulot lamang ito ng malakas na ihip ng hangin.

Ngunit nang ibalik niya ang kanyang paningin diretso sa kanyang harapan, laking gulat niya nang makita niya ang kanyang kasintahang si Oliver na nakaluhod sa lupa, duguan at tila nanghihina. Sa likod nito ay isang matangkad na lalaki, nakatayo, nakahawak sa ulo ni Oliver... at may hawak na espada.

“B-b-babe?” nangangatog niyang sinabi bago mabitawan ang cellphone na hawak.

“T-takbo!” huling sigaw ni Oliver bago tuluyang mahiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon