CHAPTER 21: Daplis

97 8 0
                                    

MATILDA

Ipinutok nga ni Carolina ang hawak nitong baril... ngunit hindi sa kanya. Sa halip, ipinutok ito ng Reyna sa kaliwang kamay nito. Bumagsak si Carolina sa lupa.

Napanganga at hindi agad naka-kilos si Matilda matapos magulantang sa ginawa ng Reyna.

"M-m-mahal n-na R-r-eyna-" utal-utal niyang nasabi.

Bago pa siya tuluyang makalapit sa Reyna, ibinato nito ang baril sa kanya at tumama ito sa kanyang tadyang. Napahinto si Matilda sa paglapit dahil sa sakit na naramdaman.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" pagkalakas-lakas na sigaw ni Carolina habang hawak-hawak nito ang nagdudugong kaliwang braso. "ANONG GINAWA MO!"

At huli na nang mapagtanto ni Matilda ang tunay na balak ng Reyna. Nakarinig siya ng mga nagtatakbuhan at ilang saglit lang ay napalilibutan na sila ng mga kawal.

"HULIHIN NIYO ANG MATANDANG YAN! BINALAK NIYA KONG PATAYIN! DAKPIN NIYO! DAKPIN NIYOOOOOO!" madiin na sigaw ni Carolina habang dinuduro-duro siya.

Lumapit ang dalawang kawal sa kanya at malakas siyang itinulak pahiga sa lupa. Tumalsik ang tungkod na hawak ni Matilda at tumama ang noo niya sa naka-usling bato sa lupa. Agad itong nagdugo.

Inilagay ng mga kawal sa kanyang likuran ang dalawa niyang kamay at saka ito pinosasan. Nang makatayo, doon lang siya nakapagsalita.

"Napakasama mo! Hindi ka nararapat bilang Reyna ng Biringan!" sigaw niya kay Carolina na kasalukuyan nang binibigyan ng paunang lunas. "Wala kang kasing-sama!"

Kinalakadkad siya ng dalawang kawal papalayo sa Reyna. Nakita niya sa paligid ang iba't ibang uri ng Tao't Engkanto sa palasyo na marahil ay kasabay ng mga kawal sa pagtakbo upang malaman ang nangyayari. Kabilang na nga rito sina Nicole at Sabel na binigyan niya ng mabilis na pag-iling ng kanyang ulo bago pa siya lapitan ng mga ito. Agad namang nakuha ng mga ito ang ibig niyang sabihin.

Nang makapasok sila sa loob ng kastilyo, tinitigan siya ng mga Tao't Engkanto na nasa hallway. Kita ang pagtataka at pagkabahala sa mata ng mga ito.

"Hindi dapat ako ang dinakip niyo! Nagkakamali kayo ng inaakala!" sabi niya sa dalawang kawal na may hawak-hawak sa kanya ngunit hindi man lang siya pinansin ng mga ito.

Maya-maya pa'y narating na din nila ang selda. Nabalot ng ingay ang corridor nang marinig sila nito. Kinalampag ng mga bilanggo ang bakal na pintuan ng mga selda.

"Pagkain!" sigaw ng isa habang nakalusot ang isang kamay sa lusutan ng pintuan. "Pagkain! Nagugutom na ako! Pagkain!"

"Pakawalan niyo na ko dito!" pagmamakaawa naman ng isa. "Gusto ko nang lumabaaaaaaaas!"

Huminto sila sa isang pintuan at agad itong binuksan ng isang kawal. Nang mabuksan, malakas siyang itinulak ng mga ito sa loob at bumagsak siya sa sementong sahig. Muling tumama ang pisngi at nananakit niyang tadyang sa sementong sahig. Lalo pang nadagdagan ang pangingirot nito kaya nakaramdam siya ng pagkahilo.

Tinanggalan siya ng posas at dali-daling lumabas ang dalawang kawal. Bago tuluyang magsara ang bakal na pintuan, nasulyapan pa ni Matilda ang isang kama na gawa sa kahoy. Nakatabingi na ito dahil kulang ito ng isang paa.

BANG!

At nabalot na nga ng tuluyan sa kadiliman ang buong selda.

CAROLINA

Habang nakahiga sa lupa, ramdam ni Carolina ang hapdi ng kanyang sugat sa kaliwa niyang braso. Kahit daplis lang ito, tila umaapoy ito dahil sa tindi ng sakit at pangingirot nito. Binigyan siya ng paunang lunas habang nakahiga sa lupa. Binalutan ito ng benda upang kahit papaano'y tumigil ang pagdurugo nito.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon