CHAPTER 2: Sa Gitna ng Kawalan

265 14 6
                                    

JOHN at NICOLE

Bumagsak si Nicole sa matataas na damuhan habang nagpupumiglas sa taong may hawak sa kanya. Hindi siya makapagsalita o makasigaw dahil pilit nitong tinatakpan ang kanyang bibig.

“Shhh! Nicole! Nicole! Ako to, si John!” bulong ni John habang pilit na hinahawakan ang nagpupumiglas na si Nicole. “Maririnig nila tayo kung hindi ka titigil!”

John!

Agad namang nakilala ni Nicole ang boses ni John kaya agad siyang huminto sa pagpiglas. Tahimik silang nakiramdam sa kanilang paligid. Tanging paghinga lamang nila at kaluskos ng mga hinahanging dahon ang kanilang naririnig. Maya-maya pa ay narinig na rin nila ang ingay ng mga humahabol kay Nicole.

“Huwag niyong hahayaang makatakas ang babae!” sigaw ng isang lalaki.

Sa puntong iyon ay napagtanto niya
na nakakapagsalita at nakakaintindi pala ang mga ito ng Tagalog kaya ganun na lang ang kanyang pagtataka kung bakit siya hinabol ng mga ito.

Hindi kaya tama ang kutob ko... na cannibal ang mga to!

Mula sa kanilang kinahihigaan ay nasulyapan niya ang isang matangkad na lalaki, may hawak itong itak habang sinusuyod ng paningin nito ang paligid. Aktong maglalakad na ang lalaki sa kanilang direksiyon nang sumigaw ang isa sa mga kasamahan nito.

“Dito! Dito tumakbo ang babae!” Agad naman itong tumakbo at nagtungo sa kanyang mga kasamahan.

Ilang minuto muna silang nanatili sa pagkakahiga sa lupa. At nang makasiguro na tuluyan nang nakalayo ang grupo ng kalalakihan ay tahimik silang tumayo at nagmasid-masid upang maka-siguro na ligtas na ang paligid. Inalalayan siya ni John sa pagtayo. Marahil napansin nito ang hirap niya sa pagkilos at nakita ang mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan. Pero laking gulat ni John nang bigla siyang sampalin ni Nicole.

“Nicole...” pagtataka ni John at nakatanggap pa ng isang sampal sa kabilang pisngi.

“Walang hiya ka!” sigaw ni Nicole habang hinahampas ang mga kamay na ipinansasalag ni John. “Nagising ako sa kotse pero wala ka dun! Di mo ba naisip na baka buhay pa 'ko?!” patuloy nitong sinabi habang umiiyak.

“Nicole, i'm so sorry—”

“Sorry?! Sorry lang?! Muntik na kong—”

“Pwede bang makinig ka muna sakin?!” kontra ni John sa di mapigilang si Nicole. “Di ko sinasadyang iwan ka dun! Di ko magagawa sayo yun! Nakita ko si Mark! Oh my god, Mark! He's dead! Maging si Chloe, alam kong patay na rin siya! Naisip kong baka patay ka na rin kaya nagmadali akong umalis ng sasakyan bago pa ito sumabog!” naiiyak na sinabi ni John habang inaalala ang malupit na sinapit ng kanyang kaibigang si Mark. “Di ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yun!”

Tumalikod si John mula kay Nicole at bumagsak na nga ng tuluyan ang luha nito.

Nakatayo lang si Nicole habang tahimik na pinagmamasdan ang likod ni John. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil ngayon niya lang nakitang umiyak si John ng ganun. Hinawakan niya ang balikat nito at pinisil ng bahagya.

“John... I-I'm sorry.” sabi niya.

Humingi rin siya ng tawad sa pagsampal niya rito na agad namang tinanggap ni John sa pamamagitan ng pagtango. Napagtanto niya rin na hindi lang siya ang nawalan ng malapit na kaibigan sa malagim na nangyari.

“Paano mo nga pala ako nahanap?” tanong ni Nicole kay John.

“Paglabas na paglabas ko sa kotse agad akong tumakbo at naghanap ng tulong. Hindi pa ko gaanong nakakalayo mula sa van nung marinig ko ang pagsabog nito kaya bumalik ako. Baka sakaling narinig din ito ng ibang tao at puntahan ito. Pagdating ko dun nakita kita...” sabi ni John habang nakangiti at hinawakan ang kanyang kamay. “...tatawagin na sana kita nang biglang naglabas ng itak yung mga kalalakihan at hinabol ka kaya tumakbo na rin ako. Ilang beses kitang sinubukang tawagin pero hindi ko magawa dahil baka marinig din nila ako. Kaya nung makita ko na pumasok ka sa nagtataasang damo di ko na inaksaya pa ang pagkakataon.”

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon