CHAPTER 18: Ang Nilalaman ng Aklat

146 7 0
                                    

CHLOE

Matapos tuluyang makatakas sa palasyo ni Carolina, dumiretso si Chloe sa kagubatan kung saan alam niyang mas ligtas siya.

Hindi problema ang kagutuman at pagka-uhaw dahil mayaman ang kagubatan ng Biringan sa mga prutas at malilinis na tubig na nanggagaling sa bukal.

Suot niya lamang ay ang mahabang itim na damit na kinuha niya pa mula sa babaeng alalay ng Reyna. Ang babaeng pinagkuhanan niya ng susi upang makatakas.

Kamusta kaya ang lagay niya? Sana'y ayos lang siya.

At ang tangi niyang sandata ay ang dagger na ninakaw niya sa kawal na nagbabantay sa loob ng malawak na basement ng palasyo. Ang dagger na ginamit niya sa pagpatay sa isa pang kawal na Engkanto.

Naluha naman siya nang mapagtanto niyang wala na sa kanyang kamay ang suot-suot niyang bracelet. Silver Bracelet na ipinasadya pa ng kanyang ina sa isang Jewelry Shop upang palagyan ito ng kanyang pangalan. Silver Bracelet na nagpapaalala sa dating buhay niya bago pa man siya mapadpad dito sa Biringan.

Kahit masikip sa dibdib, ipinagkibit-balikat niya na lamang ito at nagpatuloy na lamang sa kanyang paglalakad.

Sa gabi, ay natutulog siya sa likod ng mga nagtataasang halaman. Tinatakpan niya pa ito ng mga sanga na may malalagong dahon para sa dagdag na seguridad. At para na rin hindi siya madaling makita kung may mga Engkanto man na dadaan.

Hindi niya alam kung nag-utos ba si Carolina na ipa-tugis siya sa mga kawal nito kaya upang maka-siguro sa kanyang kaligtasan, nagpasya siya na huwag na lang gumawa ng bonfire, at namaluktot na lang sa malalamig na gabing natutulog siya habang hawak-hawak ang libro na kanyang ninakaw sa Library ng palasyo.

Ang libro na inaasahan niyang maglalabas sa kanya mula sa mundong ito.

Sa paglalakad sa gubat, nadaanan niya ang isang tribu ng mga Engkanto na nakatira sa mga kubo. Nagmasid-masid siya sa paligid at nakakita rin naman ng ilang mga Tao.

Ngunit hindi niya ito nilapitan at hiningian ng tulong, sa halip ay naghintay siyang mag gabi hanggang sa tumahimik na ang paligid at tanging tunog na lang ng mga kulisap ang kanyang naririnig. Senyales na natutulog na ang buong tribu.

Sa likod ng isang kubo ay nakakita siya ng sinampay ng mga damit. Matitibay na damit na ginawa pa sa pamamagitan ng tradisyunal na paghahabi.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang sinampay habang lumilingon-lingon sa paligid. At nang tuluyang makalapit, kinuha niya rito ang mahabang kulay pulang palda at kulay brown na kamiseta. Kinuha niya rin ang isang makapal at mahabang tuwalya na may iba't ibang kulay para doon ibalot ang dala-dalang libro.

Nakakita rin siya ng bakya sa pintuan, agad-agad itong isinuot at tumakbo na papalayo. Pabalik sa madilim ngunit mas ligtas na kagubatan.

Kinabukasan, agad na naghanap si Chloe ng isang malinis na batis. Hinubad ang madumi at mabaho niyang damit at naligo.

Laking pasasalamat niya matapos dumampi sa kanyang katawan ang malamig at napaka-linis na tubig ng batis. Nakaramdam siya ng kaginhawaan na nagpagaan sa kanyang pakiramdam.

Kinuskos niya ang katawan niyang nanlilimahid sa dumi. At nakakita pa ng aloevera na ginamit niya naman bilang shampoo.

Nang matapos, umahon siya at dali-daling isinuot ang ninakaw niyang mga damit at nagpatuloy na sa paglalakbay.

Sa paglalakad, nakakita siya ng dalawang Engkantong mangangaso kaya agad-agad siyang nagtago sa likod ng nagtataasang halaman. Narinig niya ang usapan ng mga ito.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon