CHAPTER 19: Alingawngaw

120 6 0
                                    

JOHN at NICOLE

“Ahh John may itatanong sana ko.” sabi ni Nicole. 

Kasalukuyan silang nasa labas ng kastilyo, naglalakad-lakad habang magkahawak ang mga kamay, sa park-like na makikita sa likurang parte ng kaharian.

May mga foothpath dito na gawa sa mga pinagdikit-dikit na mga bato. Sa magkabilang gilid ng foothpath ay hilera ng mga na-trim na halaman. Tila nagsisilbing gabay sa mga daanan. May mga gazebo rin dito na gawa sa matitibay na kahoy at mga bench na gawa naman sa bato.

Ang nagtataasang puno naman ay medyo magkakadikit kaya medyo malilim ang lugar.

Maghapong natutulog ang Reyna dahil sa pagod kahapon kaya sinamantala ito ni John upang puntahan si Nicole na nagkataon rin namang walang masyadong ginagawa.

Huminto si John at hinarap si Nicole. “Ano yun?”

“Naalala mo ba nung pinuntahan mo ko sa gitna ng pagtatrabaho, bago mangyari ang kaguluhan? May sasabihin ka sana nun pero hindi mo ito naituloy.”

“Ahh yun ba? Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ni John.

Tumango lang ng mabilis si Nicole.

“Gusto kong malaman mo na... mahal na mahal na mahal na mahal kita.” nakangiting sinabi ni John ngunit hindi ito umaabot sa kanyang mga mata.

“Mahal na mahal rin kita John.” ganti naman ni Nicole.

Naglapat ang kanilang mga labi at ilang minuto rin nila itong nilaro.

“John, may hinala ako kung papaano napunta sa bulsa ng labahan kong damit ang susi na muntik ko nang ikapahamak.” sabi ni Nicole.

“Nicole, kalimutan mo na ang nangyari.” sabi ni John habang nakahawak ang dalawang kamay sa mga pisngi ni Nicole. “Ang importante ay ligtas ka na. Hindi na yun mauulit pa.”

“Pero John—”

“Shhhhh.” bulong ni John at saka hinila si Nicole sa ilalim ng puno.

Doon ay nahiga sila at muling naghalikan habang magkayakap. Naglaho na nga ng tuluyan ang bagay na gusto sanang sabihin ni Nicole.

Basta't ang importante ay kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki.

CASSANDRÉ

Naka-upo si Cassandré sa sofa habang nakapatong ang mga paa sa lamesa. Wala siyang suot-suot na damit pang-itaas.

Hawak ang isang baso ng wine habang nakatingin sa kawalan. Tila may iniisip.

Sa bintana, ay kita ang kulay kahel na papalubog pa lang na araw.

“Ahh... Prinsipe, paumanhin pero mukhang malalim yata ang inyong iniisip?” sabi sa kanya ni Narcisso na kasama niya sa pag-inom. “Kanina pa kayo tahimik”

“Sabihin mo Narcisso, umibig ka na ba sa isang babae?” tanong niya rito, binalewala ang sariling tanong nito sa kanya.

“Ahh... ehh... opo Prinsipe.” sagot nito, tila nabigla sa kanyang tanong. “Pero iniwan niya rin ako matapos akong makulong.”

Tumango lang si Cassandré nang hindi tumitingin kay Narcisso.

“Mali bang umibig sa isang Tao?” tanong niya rito.

“Ho?” pagtataka nito.

“Mali bang umibig ang isang Engkanto sa isang Tao?” paglilinaw niya.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon