CHAPTER 1: Bakasyon

352 18 1
                                    

Bago ang aksidente...

Maagang nagising si Nicole para maghanda ng almusal at ng mga kakailanganin niya sa pag-alis ngayong araw, kasama ang pinakamalapit niyang kaibigan na si Chloe at ng dalawa pa nilang kaibigan na sina John at Mark.

Dahil adventurous ang magkakaibigan, napagpasyahan nilang magbakasyon sa Samar kung saan maraming magagandang resort na may mala pulbos na buhangin, old and historical structures, kweba at iba pang lugar na talaga namang dinarayo ng mga turista.

Nakilala ni Nicole si Chloe sa isang interview sa papasukan nilang trabaho bilang call center agent. Dahil sa dami ng taong nakapila para sa interview, nagkakwentuhan sila hanggang sa lubos na makilala ang isa't isa.

Limang taon na silang magkaibigan ni Chloe, pareho silang 25 yrs old na, at pareho din silang single.

Mahilig gumimik ang dalawa dahil yun ang hilig ni Chloe. Minsan ay kasama nilang gumigimik ang iba pa nilang katrabaho pero mas madalas ay pinipili nila na silang dalawa lang.

Maganda si Chloe, sexy at may pagka-maarte habang si Nicole naman ay simple lang, mahiyain at malumanay. Hindi inaasahan ni Nicole na magtatagal ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Chloe dahil alam niyang introvert siya habang si Chloe naman ay napaka-extrovert na tao.

Gustuhin ng lalaki si Chloe dahil maporma ito at malakas ang dating. Madalas din itong mapa-away sa mga bar dahil maingay ito at sayaw ng sayaw, walang pakialam sa mga tao sa paligid niya habang si Nicole naman ay nakatayo lang sa sulok, tahimik na pinanunuod ang kaibigan.

Kaya ganun nalang rin ang kanyang pagtataka sa kanyang sarili kung bakit hanggang ngayon ay kasama niya pa itong si Chloe. Siguro dahil na rin sa pagiging mabait nito sa kanya kaya sa loob ng limang taon ay solido parin ang kanilang samahang magkaibigan.

Nakilala naman nila ang magkaibigang John at Mark sa isang bar sa Parañaque. As usual, si Chloe ang unang lumapit at nagpakilala. Maputi si John, matangkad, may hitsura at matangos ang ilong habang si Mark naman ay moreno, tama lang ang height at may pagka-bombay ang hitsura.

Nahulog agad ang loob nitong si John kay Nicole sa unang pagkikita. Niligawan ni John si Nicole ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya sinasagot nito. Dahilan na rin na kaibigan lang ang turing ni Nicole kay John at hindi pa handang makipag-relasyon.

Kabaliktaran naman ang sitwasyon nitong si Chloe at Mark. Palaging nag-aaway, minsan maghaharutan, minsan magkakapikunan at kalaunay magbabati rin. Same cycle na paulit-ulit kaya nasanay na rin si John at Nicole sa kanila.

Tinatawag pa nga nila kung minsan sina Chloe at Mark na Hermione at Ron, mga karakter sa Harry Potter, dahil nahahawig ang samahan ng dalawa sa mga karakter na ito.

Ngayong summer ay napagpasyahan ng apat na magbakasyon sa isang tahimik na lugar, malayo sa Maynila kung saan maingay at maraming tao, at napili nga nila ang lugar ng Samar.

Hmmmmmp... Hmmmmmp... Hmmmmmp...

Tumunog at nag-vibrate ang cellphone ni Nicole at agad niya itong sinagot.

“Hello?”

“Hoy bakla bilisan mong kumilos! Andito na ko sa NAIA kahapon pa!” pasigaw na sinabi ni Chloe.

“Oo, sige na sige na!” pasigaw niya ring ganti. “Pwede ba Chloe bawas-bawasan mo yang pagsigaw-sigaw mo sa tuwing tinatawagan ako?! Para kang laging may kaaway eh.”

“Ang arte-arte mo hayp ka!” pang-aasar nito. “Oh sige na basta bilis-bilisan mong kumilos Ms. Malumanay. Tsaka tinawagan ko na yung mokong na si Mark ikaw na bahalang tumawag sa siyota mong si John! Bye!”

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon