CHAPTER 14: The Chamber of Truth

120 6 0
                                    

JOHN

Nagising si John, tumayo sa kanyang higaan, kumain ng almusal at naligo. Matapos nito ay dali-dali rin siyang lumabas ng kanyang silid at dumiretso na sa kuwarto ng Reyna.

Sa gilid ng pintuan ng kuwarto ni Carolina ay dalawang bagong alagad. Napag-alaman niya kahapon na pinarusahan ang dalawang bantay ng magarang kuwarto matapos tumakbo ang mga ito sa takot.

Binati niya ang dalawang bagong bantay ng magandang umaga at ibinalik rin naman sa kanya ng mga ito ang kanyang pagbati.

Pumasok siya sa kuwarto ni Carolina nang hindi kumakatok. Aktong isasara niya na ang pintuan nang bigla itong tumigil kaya hindi niya na ito tuluyang naisara.

Pilit niya itong tinulak ng bigla na lang itong magsara at gumawa ng maingay na tunog na nagpabangon sa natutulog na si Carolina.

“Jan?” tawag ni Carolina sa kanya habang nakasilip sa nakababang kulambo ng kama nito. “Anong ginagawa mo?”

“Paumanhin mahal na Reyna ngunit sa tingin ko'y kailangan mo nang ipaayos ang pintuan ng iyong kuwarto.” sabi ni John habang nakalingon kay Carolina, hawak-hawak ang knob ng pintuan.

Itinaas ni Carolina ang kanyang kilay at umalis na sa kanyang kama. Lumapit ito kay John at hinawakan rin ang knob ng pintuan.

Inalis ni John ang kanyang kamay matapos itong mahawakan ni Carolina. Hindi naman napansin ng Reyna ang kanyang pagka-ilang.

Hinila ito ni Carolina at mula sa kabra ng pintuan ay nalaglag ang isang napakaliit na bagay sa sahig at gumulong ito papunta sa ilalim ng maliit na cabinet sa gilid ng pintuan.

Wala sa kanilang dalawa ang nakapansin sa bagay na iyon. Hindi rin nila narinig ang tunog ng paglaglag nito dahil na rin sa makapal at malambot na carpet na sumalo rito.

“Hmmm...” sabi ni Carolina habang binubukas-sara ang pintuan. “Mukha naman itong maayos?”

Tila bumalik sa dati ang pintuan na siyang ipinagtataka ni John.

“Paumanhin. Marahil imahinasyon ko lamang iyon. Dahil na rin siguro sa nangyaring kaguluhan kahapon.” pagdadahilan ni John.

Tinignan siya ng Reyna sa mga mata at hinawakan ang kanyang balikat, hinihimas-himas ito.

“Gusto mo bang magpatawag ako ng magaling na masahista at sabay tayong magpamasahe dito sa loob ng aking kuwarto?” nakangiting pag-aalok ni Carolina.

Iniliko ni John ang kanyang mga mata mula sa pagkakatitig ni Carolina. Napatingin siya sa lamesa kaya agad siyang nakahanap ng dahilan upang ibahin ang usapan.

“Mukhang hindi ka pa kumakain mahal na reyna. Wala pa ba si Patrisyah?”

Tumingin rin si Carolina sa lamesa at tinanggal ang kanyang nakapatong na kamay sa balikat ni John. Kita sa mga mata nito ang pagka-dismaya.

“Ikinalulungkot kong sabihin Jan ngunit pumanaw na si Patrisyah kahapon lamang.” sabi ni Carolina, tila walang pakialam ang tono nito.

Nagulat si John sa kanyang narinig kaya agad niyang nilapitan si Carolina na nasa harapan na ng nakasara pang balkonahe.

“Mahal na reyna tama ba ang aking narinig?”

“Oo Jan, tama ang iyong narinig. Pumanaw si Patrisyah sa loob ng pagamutan. Natagpuan siyang walang malay sa isang hallway, duguan ang mukha. Dinala siya sa pagamutan at doon na nga ito binawian ng buhay.” malungkot na pagkakasabi ni Carolina.

Biringan: The Lost and Enchanted (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon