kabanata 6

114K 1.6K 41
                                    

Kabanata 6

A/N: hindi ko matandaan ang araw ng engagement nila kaya kung hindi tugma pasensya na.

Paris

            At last nakauwi na rin ako galing sa office. Nakakapagod ang byahe lalo na kapag rush hour kaya ako madalas ay overtime ako para iwas sa traffic at dami ng tao at kapag marami pa akong trabaho duon pa ako mismo natutulog.

            It's Friday, and Friday is bonding time with my friends. Kahit na hectic ang schedule namin we still made sure na may bonding pa rin kami dapat sa isa't isa.

            Naligo lang ako saka nagaayos. Isang blue dress ang pinili ko na nilagyan ng silver belt at 5 inches na stiletto na gift ni kuya. Perfect! I look like a goddess na. Charot!

            "Ma'am prance nandyaan na po ang bisita nyo."

            "Thanks, inday. Pakisabi susunod na ako."

            I'm excited to introduce him to my friends. Nagkaroon lang ako noon ng mga kaibigan ng wala na si Rain dahil napaka protective nila ni Kuya sa akin to the point na hindi nila ako pinapalapitan kahit kanino lalo nasi Rain napaka protective nya sa akin noon.

            Kinikilig na naman ako.

            Naabutan ko si Rain na nakaupo sa couch. He is wearing a lime green long sleeve polo na nakatiklom hanggang siko at pants. Simple lang pero ang lakas ng dating.

            He slowly raised his head and smiles ng makita ako. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

            "Good evening."

            "Too formal, Rain." Natatawang sabi ko sa kanya. I kissed his cheeks. Aba saying ang chansing haha! "You're early. Pinaghintay ba kita?"

            "Not really. Before I forgot, I asked your maids if tito and tita's here ipagpapaalam sana kita kaso wala raw ang parents mo. Where are they?"

            Grabe si Rain, ano akala nya sa akin bata para ipagpaalam?

            "They are on their honeymoon. Nagrequest kasi kami ni Kuya ng baby brother and sister." I grinned. He chuckles and shook his head.

            "Puro talaga kayo kalokohan na mag kapatid."

            Tinatawanan nya ako samantalang totoo naman ang sinasabi ko. Twins pa nga ang hinihingi namin ni Kuya eh para may baby sa bahay.

            Muntik nang tumulo ang laway ko ng makita ko kung gaano kaganda ang sasakyan ni Rain. It's a freaking Frisker karma! I'm a fan of sports car kaya kapag nakakakita ako ng ganto kagandang sasakyan hindi ko maiwasang hindi humanga.

            "You got a nice ride, Rain."

            He didn't say a word pero nakaangat naman ang gilid ng labi nya.

            He holds my hand habang papasok kami sa chamber. All eyes ata nakatingin sa amin syempre ikaw ba naman isang God at goddess ang naglalakad hindi ka ba mapapalingon.

            Okay, here comes typhoon Paris.

            Umaariba na naman ang kayabangan ko na namana ko sa aking gwapong kuya. He still holding my hand hanggang makarating kami sa table naming magkakaibigan.

            "Stop drooling over my fiancé girls." I laughed.

            Nagsipagpunasan sila ng gilid ng labi sabay hagod ng tingin kay Rain. Kapansin pansin naman ang pagkailang ni Rain dahil sa mga inasta ng mga loko kaya tuloy hindi ko napigilang matawa ng mahina. Kahit kelan talaga mga abnormal ang mga kaibigan ko.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon