kabanata 9

102K 1.3K 22
                                    


Kabanata 9

Paris

"I appreciate na nagustuhan ng mommy mo ang mga designs ko. Mas pinili ko kasing wag magpakilala because I don't want other people to like my creation because I am Lane.

Masyado kasing mataas ang expectation ng mga tao sa akin dahil isa akong Lane at mababa ang tingin nila sa akin because I am Paris. The girl who is not afraid to be herself. At saka plus points na rin ang pagiging mysterious ng owner ng FC para mas lalo itong sumikat at makahatak ng customer. Galing diba?"

Humarap ako sa kanya and I wiggle my brow. He chuckles and pinch my nose.

"Ikaw Rain, what is your story? What is the story behind your success?"

Bumuntong hininga sya at bahagyang ngumiti.

"It wasn't easy..." Naikuyom nya ang mga kamao nya. "For them anak lang ako ng may-ari at walang karapatang pumalit sa kanya. I did everything I could to make them see my worth. I became their errand boy, imagine nakatapos ako with masters pero errand boy lang nila ako." Pagak syang tumawa at may bahid na galit ang boses nya.

"Sa loob ng one year ganun ang ginawa ng board members sa akin dahil may mas deserving pa raw kesa sa akin. Ako na anak ng may ari meron pang mas may deserving sa akin. Wow as in wow. In two years I worked hard to be on top and when I finally succeed, you know what I did?"

Umiling ako kay Rain. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Ayan ang mahirap kapag may mga board members lalo na kapag malaki ang mga shares nila nagkakaroon sila ng say sa kung sino ang gusto nilang pumalit bilang CEO kasihodang anak ka pa ng may-ari.

"I kick them out of our company. Gumamit ako ng ibang pangalan to buy their shares ng hindi nila nalalaman na ako ang bumili. Unti unti until finally nabili ko na lahat and Light corporation became Light Empire. Kaya ngayon ang Light Empire ay Sole Corporation ko na. I don't want other people dictates me what I should or should not do."

Napangiti ako. Nakakaproud pala ang tapang ni Rain para gawin yun. Hindi rin kasi madaling kalabanin ang mga board members dahil pwede ka nilang patalsikin sa sarili mong kumpanya without you even know it.

"They deserve it. I'm so proud of you dahil hindi mo hinayaang apihin ka lang nila."

>>>>

Kakalapag pa lang ng private plane ni kuya from japan and take note he is my pilot. The mighty hotelier James Travis Lane ay isang piloto ko lang. Haha!

Isang lingo rin halos ang tinagal ko sa Japan bago ko maayos ang problema ko ruon. And because sabi ni kuya maarte raw ako at ayaw kong sumakay sa pampublikong eroplano, napilitan sya na sunduin ako sa japan using his private plane.

Actually 3 days na si Kuya at ang parents namin ruon bago kami umuwi bale we had our short family vacation.

Naayos ko na rin ang gulo tungkol sa perang nawawala. Nabawi ko ang kalahati but the other half ay binigay ko na lang. Maldita man ako may puso pa rin naman ako.

I run some investigation and I found out na kaya nya nagawa na magnakaw at ibenta ang mga designs ko kai frustrated na sya at wala nang maisip na ibang paraan para maisalba ang anak nya kaya kumapit sya sa patalim. May brain tumor ang 7 year old na anak nya.

"I miss Rain." I blurt out. Umiling na lang si Kuya sa akin and mouthed 'you're hopeless.' Bago naglakad papauna sa akin.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon