**23**

77.8K 991 8
                                    

CHAPTER TWENTYTHREE

Paris's POV

Maaga rin kaming nakauwi kagabi dahil ang kambal ayaw matulog hanggat wala kami. At saka gusto ko na ring makaalis sa lugar na yun habang tumatagal kasi lalo akong naiiirita sa pagmumukha ni Lavender.

"Hello mga anak... kamusta naman ang babies ko?" nasa crib ang dalawa dito sa living room at naglalaro habang ang tatay naman nila ayun at nagtitimpla ng gatas.


"Ma-ma-ma"

"Say it again sweetie Mom-my." Si Spring bihira tong tumawag ng Mommy masyadong makatatay ang bata na 'to.

*frown* hindi ako pinansin. Bumaling na lang ako kay Slate na busy sa paglalaro ng stuff toys nya. Hindi pala naglalaro kung hindi kinakain ang kamay ng bear.

"Mommy ito na yung milk nila." Nakalapit na pala si Rain sa amin.

Hinalikan nya ang dalawang bata sa ulo at inabutan ng gatas. Mahina ang isang bote ng gatas sa kanila. Masalas nakakadalawa hanggang tatlo sila parehas kaya naman ayan at sobrang tataba na.

Ang sarap nila pagmasdan habang hawak yung gatas nila. In such a young age marunong na silang humawak ng sarili nilang dede.

Magkatabi kaming nakaupo sa couch habang pinagmamasdan ang mga anak naming dalawa. Pinapalo ko pa ngmahina ang kamay ni Rain na sigeng panggulo sa buhok ko pero ang loko tumatawa lang.

"Hon, busy ba schedule mo next week?" Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang plano ko.

"I am always busy pero para sa inyo ng mga bata I always have time." Hindi ko tuloy mapigilang hindi kiligin sa mga simpleng banat nya.

"Gusto ko sanang magbakasyon. Kuya has a private island. Makakapag unwind tayo duon. Masyado kasing nakakastress ang nangyari sa atin nitong nakaraang buwan."

Gusto ko talagang magbakasyon para man lamang mabawasan ang stress na nakukuha ko. Sa dami ng nangyari pakiramdam ko tumanda na ako ng sampung taon. Hindi rin naman kasi biro ang mag-alaga ng dalawang anak.

"No problem. Just let me clear my schedule tomorrow. Anywhere my wife wants to go, duon rin ako."

"Thank you Rain. Wait, saan ka pala pupunta two weeks from now?"

Nagiba ang itsura nya at biglang lumungkot.

"Barcelona. I won't leave this country without the three of you. Natatakot akong baka pagbalik ko may nangyari na namang hindi maganda sa isa sa inyo. Gusto kong palagi akong nasa tabi mo para mabantayan ka."

Napayuko na lang ako. Maraming na trauma dahil sa nangyari sa akin. Si Kuya, Dad, Mom, my friends and Rain. *sighed*

"Hey, chin up. Wala kang kasalanan. Hindi mo naman ginusto ang nangyari sayo at saka hindi mo kami masisisi kung magalala kami sayo. We love you kaya naman natatakot kaming may mangyaring masama sayo."

Ano ba yan hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa pisngi ko. He wiped my tears and gave me peck kiss on my lips.

Halos sabay pa kaming napalingon ni Rain sa pinto ng pumasok si Kuya kasama ang babae duon sa office nya habang kasunod naman si Dad at mom. Patalon pa akong tumayo at tinakbp ang paggitan namin ni Kuya saka parang batang nagpakarga sa kanya.

"I missed you Kuya! I love you. What's my pasalubong?" I said pero hindi pa rin ako bumababa sa pagkakakarga sa kanya at pagkakayakap. He chuckles pero hindi pa rin ako pinapaalis kung hindi mas lalo pa akong niyakap ng maayos.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon