kabanata 10

104K 1.2K 10
                                    

Kabanata 10

Paris

Mabilis ang nagging takbo ng araw sa amin. Tatlong buwan na kaming mag boyfriend girlfriend ni Rain and it has been two months after alam na. And that day napagdesisyonan rin namin na i-move ng mas maaga ang kasal namin.

We love each other at hindi naman rin ako naniniwala sa tagal o bilis ng isang relasyon bago magpakasal. Mas naniniwala ako na mas makikilala ninyo ang isa't isa kapag magkasama na kayo sa iisang bubong.

We decided to set our wedding a month from now. And with the help of our family and of course money na settle na namin lahat regarding to our wedding. Araw na lang ng kasal ang hinihintay namin.

"Hey!"

Nagangat ako ng tingin mula sa mga dinu-drawing ko at malaki ang ngiting binate ko ang mga mga maiingay na pumasok sa office ko.

"Hey. Come in..."

Tumayo ako at sinalubong silang lahat ng yakap at beso.

"We missed you that's why we're here." Carrie.

In all fairness to them kumpleto sila. "Sorry I'm so busy, kita naman sa desk ko diba?" natatawang sabi ko sa kanila habang itinuturo ko pa ang desk ko na punong puno ng folders at iba pa.

"Ang rason nga naman. Ilang lingo mo na kaming iniindian sa mga lakad natin. Nakakatampo ka na." Inirapan pa ako ni Cassie bago maarteng naupo sa couch.

Naiiling na lang ako kay Cassie. Kahit kasi gustuhin kong sumama sa mga lakad nila marami akong designs na dapat tapusin lalo pa at nalalapit na ang fashion show.

"Bakit kayo hindi ba kayo busy sa mga trabaho nyo?"

"Eh bakit ang pakielamera mo?"

Sinimangutan ko si Justine. Mga walang kwenta talaga kausap. Humarap ako kina Taylor at mas mukhang matino pa sila kausapkumpara sa iba.

"Feel at home, anything you want guys? Papadeliver na lang ako. May milk and some chocolates in the fridge bahala na kayo."

No need to ask kung ano ang gusto nilang kainin. Sa tagal naming magkakaibigan kilalang kilala na namin ang bawat isa. We love food at kahit ano atang pagkain ang ihain mo sa amin basta edible ay kakainin namin.

"I just ordered our food. Wala kayong gig Just?"

Naupo ako sa lapag at saka pinatong ko ang braso ko sa hita ni Cassie kaso ang bruha tinapik ang kamay ko saka pinaalis. Nagpout ako.

"Dito ka na lang sa akin sumandal." Lumaki ang ngiti ko at mabilis na lumipat sa tabi ni Justin Carl at prenteng naupo sa labag. Dumila pa ako kay Cassie.

Nag salang si Rance and Taylor ng movie at buong maghapon ganun ang ginawa namin at nilantakan ang iba't ibang klase ng pagkain na inorder ng mga kolokoy.

Minsan talaga sa buhay masarap bumalik sa pagiging bata yung careless and carefree ka pa. Walang problemang iniisip, walang trabahong inaalala. Kahit isang araw lang pero nakakarefresh na.

Nang mag alas singko na ay nagsipagpaalaman na ang mga kaibigan ko. Halos lahat pala sila pina-resched ang mga meetings nila ng alas sais para lang makapag bonding kami. God knows how lucky I am to have them as my friends.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon