Kabanata 7
Paris
It has been a week simula ng maging official na kami ni Rain. Marami pa kaming napagusapan pagkaalis namin ng chamber.
Flashback
Pagkatapos naming magusap nagpaalam na kaming dalawa. Maaga pa kaya napagdesisyonan namin na magstay na muna sa park sa subdivision namin kung saan kami dati madalas na magpunta lalo na kapag nalulungkot ako.
"What are we doing here?" Alas onse na ng gabi at wala na rin tao rito pero maliwanag parin naman dahil magdamag ang ilaw rito for safety purpose na rin.
"I just want to be alone with you."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Inalalayan nya ako paupo sa swing habang sya naman ay nasa kabila ko at hawak ang kamay ko.
"Until now hindi pa rin ako makapaniwala na parehas ang nararamdaman natin. Pakiramdam ko nakalutang ako."
Lumipat si Rain sa tapat ko at lumuhod. Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay at hinalikan.
"When we were young I asked your father kung pupwede kitang ligawan kapag kapag tungtong mo ng 18 and he said and I quote 'I'm glad at nagpaalam ka bago sya ligawan. Kung ako ang tatanungin I want you to be her boyfriend pero sya pa rin ang mag dedesisyon kung papayag sya o hindi. Good luck to you young man.'
I was so happy that time dahil ilang buwan na lang debut mo na but things gone crazy. Kinailangan naming mag migrate dahil nasa bingit ng alanganin. I left yes but I made a promise to myself na once na matapos ang problema namin I will do everything to make things right.
Paris, we got engage dahil sa arrangement natin but this time I want to ask your hand for marriage for real."
My eyes widen dahil sa mga revelation nya. Napasinghap ako ng ilabas nya ang isang kahita.
"Francheska Paris Lane... will you marry me?"
Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Kung masaya ako kanina may mas isasaya pa pala ako.
"Yes! I will marry you, Rain."
Pagkatapos nyang isuot ang singsing sa daliri ko hindi ko na napigilang talunin sya at yumakap sa leeg nya kaya ang nangyari nakahiga na sya sa damuhan habang ako naman nasa ibabaw nya and we're both laughing.
End of flashback.
Itinaas ako ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang engagement ring ko. Hindi ako nagsasawang tingnan ang singsing na ito kasi ito ang patunay na worth it ang pag hihintay ko ng pitong taon kay Rain.
Namimiss ko na tuloy sya. Wala sya sa bansa dahil sa business trip nya sa Singapore. Bihira lang rin kaming nakakapag skype dahil sobrang busy nya at ganun rin naman ako sa FC. Pero ang constant sa kanya ay ang everyday bouquet of flowers na padala nya.
"Excuse me po miss Paris here are the new list of our models."
Natigil ako sa pag D-day dream ng pumasok si Annie. Tiningnan ko ang laman ng folder at isa isa kong iniscan at tinaggal ang mga hindi ko gusto.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]
Romancefew years ago I told him i love him hoping he feels the same way. His name Light Rain Walters my one and only love. My Kuya's bestfriend and the man who broke my heart and still the man who holds my heart. After how many years nagbalik sya at sa hi...