"Itong araw lang na 'to, please! Ibigay nyo na po saakin itong araw na 'to"
...
12 pm
"Wala na ba kayong susunod na subject? So class dismiss" wika ng aming guro at unti unting nawala ang mga kaklase ko sa paligid pero nandyan pa ang bag nya kaya hindi parin ako umaalis.
"Tuloy ba kayo ngayon?" hindi ko na nagawang lumingon dahil nakatingin ako sa pintuan, nag hihintay ng pagdating mo.
"Oo, hindi pwedeng hindi. Alam mo ba kung nasan sya?" Malumay kong tanong sa katabi ko.
"Nasa baba ata sya kasama dun sa eighteen roses ni Justine. Teka nga hindi ka pa nag kwekwento saakin ah! Ano bang nangyare?" napabuntong hininga ako at naramdaman ko na unti unti na naman akong naluluha.
Ano nga bang nangyare at humantong tayo sa ganito?
"Oh bes wag kang umiyak! Tinatanong lang kita kung anong nangyare..!! Hala wait totoo ba 'to!! Saglit!! Oh ito tissue!" Hindi ko na kinayanan at napaluha na ako. Inalo alo naman ako ni Desiree.
"Achi what happened ba between you two ni Kuya Thom? Parang kahapon lang okay kayo ah?"
"Achi magkwento ka please, ilabas mo yang sama ng loob mo." Binatukan naman ni Mika si Aduke at Desiree na nagpapakwento saakin
"Nakita nyo na ngang umiiyak na yung bessy ko ipapakwento nyo pa!" Sabi ni Mika habang pinupunasan ko yung mga munting mga luha sa mata ko.
Kahit masakit kwinento ko sa kanila. Tama nga naman si Aduke kailangan kong ilabas ito dahil kung hindi ako din ang mahihirapan.
"Naku buti nalang talaga si Kib ko hindi ganyan. Kahit anong gawin ko susuyuin at susuyuin ako. Nako Achi hindi mo sya deserve kala mo naman ang gwapo gwapo!" sabi saakin ni Desiree at nagsimula na silang mag usap sa mga kanya kanya nilang jowa at kung gaano walang panama sa kanya.
Tangina this is not what I signed up for! Oo na hindi na sya ganun, wala na syang panama sa kanila but Thomas is Thomas, I love him for him!
"Ate Mika baba na daw po kayo para sa eighteen candles" dungaw ni May sa pintuan.
"Sige na guys baba na kayo dito muna ako, kailangan ako ni Daks" sabi ni Mika sa kanila.
"Hindi Mika tara na." sabi ko pero pinigilan nya lang ako.
"Hindi daks! Tignan mo nga yang mata mo, maga! Magpapakita ka ba sa kanya ng ganyan ang itsura? If I say we stay, we stay! Sige na girls punta na kayo sa baba and wish Justine a happy birthday." wala na akong nagawa kung hindi ang maupo sa kinauupuan ko.
Ng mawala sila ay niyakap ako ng Mika and continuously murmuring words that I can't comprehend dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano ko maayos ang gusot na ito.
Maya maya pa ay pumasok na si Thomas sa pintuan at naupo sa upuan nya.
"Sige na lapitan mo na sya. Ingat kayo ah! Magkwento ka saakin mamaya" tumayo na ako at sinukbit ang bag ko. Alas dose pa lang naman ng hapon marami pa kaming mapupuntahan.
Malapit na ako sa kanya ng maunahan ako nila Aduke, Desiree at Tine sa kanya. Niyakap nila isa isa si Thomas.
"Pa, naman nasira tuloy yung pamilya natin!"
"Pa, ayusin nyo to ni mama!! Gusto ko ng bagong kapatid!!" singhal ni Aduke at Desiree kay Thomas habang pabirong hinampas si Thomas sa braso ngunit ngiti lang ang bumalik sa kanila.
Yumakap si Tine kay Thomas at tinapik tapik ang balikat nito.
"Pa, naman sabi ko sa'yo lagi kang sumamba e para gabayan ka! Ayusin nyo to ah!" sabi nya at umalis na silang tatlo.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanfictionPag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.