Helpless

286 6 2
                                    

KibMille and KibRee fanfic


Manila Circa 1945'

Sa bulwagan ng Sitio Perez may nagaganap na selebrasyon na dinaluhan ng mga elitistang pamilya, mga politiko at mga sundalo na walang alinlangan na binuwis ang kanilang buhay para ipag tanggol ang lupang kanilang sinilangan.

Isa sa mga politiko na dumalo ay si Diosdado Cruz kasama ang dalawa nyang anak na si Camille at Desiree Cruz na ngingibabaw dahil sa kanilang angkin ganda. Kung kaya't lahat ng mata ay nakatuon sa dalawang binibini.

Desiree's POV

Matapos mag paalam saamin ni Ama ay nilibot ko ang bulwagan upang makipag kamustahan sa mga kakilala at pasalamatan ang mga sundalo na dumalo.

Matapos ang ilang batian ay inalis ko ang sarili ko sa madla at kumuha ng inumin saka pumwesto sa isang sulok na hindi ako mapapansin ng nakararami at kitang kita ko ang kabuuan ng bulwagan.

Hindi naman kasi ako ang tipo ng babae na magaling makipag usap, hindi tulad ng ate ko na magaling makipag talastasan at makipag sosyalan sa iba. Sapat na saakin ang libro at katahimikan ng aking kwarto.

Pinagmamasdan ko ang aking butihing ate na iniikot ang buong bulwagan upang masigurado na nakabatian nya ang lahat.

Uminom ako mula sa aking baso at pagkababa ko nito mula saaking bibig ay namataan kong may pumasok na isang grupo ng kakalakihan sa pintuan ng bulwagan. Matitipino ang pangangatawan ng mga nito tulad ng iba pero isa ang nangibabaw sa kanila.

Yung lalaking kaakbay ni Kapitan Teng, lalaking may malawak at masiglang ngiti, kutis porcelana, matangos na ilong at ang kanyang matangwalang kasing pungay na nagdudulot saakin ng konting kiliti.

Habang nagsasaya ang lahat ng tumugtog ang orkestra ay sinusubukan kong kunin ang atensyon ng lalake na natitipuhan ko. Pero bilang hindi nga ako bihasa sa ganung larangan ay pumalya ako.

Naupo ako sa isang lamesa habang nakatingin parin sa kanya.

"Desiree, kapatid ano ang iyong problema at lugmok ang iyong mukha?" isang kamay ang lumandas sa aking balikat.

Pilit akong ngumiti saaking ate at muling tumingin sa lalake.

"Gusto ko sya, Ate Camille. Gusto kong mapasaakin ang lalakeng iyon" binigyan nya ako ng isang banayad na ngiti bago lumakad papunta sa direksyon nung lalake na tinutukoy ko.

Dinapuan ako ng hiya at kaba ng makita ko syang mabilis na napunta sa harapan nung lalake na sinasabi ko.

Sa aking sukat ay halata na ang pamumula ng aking mga pisnge. Bakit ba ang kapal ng mukha ng kapatid ko at bakit wala akong kapal ng mukha?

Pinagmamasdan ko sila mag usap at dumoble ang kaba ko ng makita ko na hawak hawak na ni Ate Camille yung lalake. 

Tumaas ang tingin ko sa kanyang mukha at nag tama ang tingin naming dalawa na lalong nag painit ng aking nararamdaman.

Hindi ko mapigilan na purihin ang kanyang angkin na gandang lalake.

Bago ko pa maprocesso ang mga nangyayare ay nasa harapan ko na sya katabi ang aking ate.

"Ako nga pala si Desiree Cruz, nagagalak kitang makilala Ginoo" Yumuko ako ng kaunti ng makarating sya sa aking harapan.

"Cruz?" sambit nya na para bang namamangha sya at naguguluhan.

"Kapatid ko, sya ang bunsong anak ni Senador Diosdado Cruz" saad ng aking kapatid sa kanyang gilid na ngayon ay may malawak na ngiti na nakaguhit sa mga labi.

"Salamat sa pagaalay ng iyong buhay para makatam ang kalayaan" pagpapatuloy ko sa aming talastasan.

"Kung kapalit ng aking paglaban ay ang makilala ka binibini, hindi ako magdadalawang isip pa na sumabak at lumaban sa gyera" sa hindi inaakalang pangyayare ay kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ang tuktok nito na kaagad naman nag papula ng aking pisnge.

...

Pitong bwan ang nakalipas at nagpapalitan kami ng sulat ni Kib. Nalaman ko din na sya ang kanang kamay ni Presidente Gomez at iba't ibang hilig nya at mga kaganapan sa kalarakan.

Nandito ako ngayon saaking lamesa habang nag susulat ng liham para kay Kib. Sa tuwing tinitignan at binabasa ko ang kanyang mga liham ay may kung anong kuryente ang dumadaloy saaking katawan.

"Aking irog" ito nanaman ang aking ate sa pangungutya sa estilo ng aking pagsusulat.

"Ikaw ang matulog na ate!" at kinuha ko mula sa kanya ang aking liham at tinuloy ang pagsusualt nito.

Patuloy parin ang pangungutya nya pero inirapan ko nalang sya.

Matapos ang anim na bwan ay muling mapupunta si Kib sa lugar namin at sa panahon na yun ay haharap kami sa aking amain.

Oh kay saya sa pakiramdam kapag may tinitibok ang iyong puso, sana sya na, sana sya na nga ang pag ibig na kukumpleto saakin.

Kib, mahal na mahal kita.

...

Matapos ang anim na bwan.

Dumiretso mula sa daungan si Kib sa aming tahanan at ngayon ay kumakain sila ng aking amain sa hapag.

Pinagbawalan kami ng aking kapatid na saluhan dahil sa kadahilanang magtutuos daw sila ng aking manliligaw.

Habang tinitignan ang seryosong mukha ng aking ama habang nag sasalita si Kib ay para akong kinukurot sa puso.

Sa loob loob ko ay naiiyak na ako dahil sobrang galing magsalita ni Kib at handang handa nya akong ipaglaban makuha lang ang basbas ng aking ama.

Natigil si Kib sa kanyang sinasabi at parang nalagutan ako ng hininga ng tumayo ang aking ama at pumunta sa harapan ni Kib at tumitig lang sya.

Sa panahon na iyon ay parang pinipiga ang aking puso at handa na ako sa pagpapasya ni ama na ayaw nya akong ipakasal kay Kib.

Nangingilid na ang mga luha ko ng ilahad ng aking ama ang kanyang kamay sa harapan ni Kib.

"Ingatan mo aking bunso, Kirell Brahndon!" malugod na tinggap yun ni Kib at bumaling sya saakin na may malawak na ngiti na naka pinta sa kanyang mga labi.

Napaluha nalang ako sa eksenang nasaksihan ko. Iba ang saya na nadadama ko ngayon na tanggap ng pinaka mahalagang lalake sa buhay ko ang lalakeng bubuo saaking pagkatao.

Niyakap ko ang aking ama at patuloy na sinasambit ang mga salita ng pasasalamat.

Matapos ay pumunta kami sa sa hardin ni Kib upang pag usapan ang mga susunod na mangyayare.

"Desiree, wala akong maibibigay o mapapangako sa'yo kung hindi ang tapat na pag ibig. Wala man akong yaman o ektar ektaryang lupa masusuguro ko sa iyo na habang ako ay humihinga ay pasasayahin kita kasi ito, itong sayang ito, itong pagmamahal na ito sa'yo ko lang naranasan. Ulila na akong lubos, kung kaya't simula ngayon ikaw na ang pamilya at tahanan ko. Pupunuin ko ng pagmamahal ang mga supling natin at pangako na hinding hindi nila mararanasan ang mga naranasan ko nung bata pa ako" sabi nya habang hinahawakan ang kamay ko.

Pinunasan ko ang mga nangingilid nyang mga luha pero ang hindi ko alam ay lumuluha na pala ako. Masyadong naantig ang puso ko sa katapatan ni Kib at naisip ko na napaka swerte kong babae para maging asawa nya. Hindi alintana kung hindi man sya ang tipo ng lalake na dapat kong mapagasawa, marami man syang kulang sa mata ng mapanghusgang mundo ngunit para saakin ang lahat ng kanyang kakulangan ang syang bumuo sa kanya dahil yun sya, sya ang Kirell na nakatadhana kong mahalin ko sa aking buhay.

Limutin na ang mundo 

ng magkasama tayo

sunod sa bawat galaw

hindi na maliligaw

mundo'y magiging ikaw.

23:45 240418

Typos and grammatical error ebriwer 

Next update would be Camille's POV :>

First update after I graduated!! 

Love, Johanna

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin