dedicated to: @LasalleGoddess
Haluu bessy ito na yung kasunod na hinahanap mo :D
Enjoy and have a good day bessy :*
...
"Aalis na ako ng bansa!" Madamdamin kong pahayag sa kanilang lahat
Kumakabog ang dibdib ko habang tinitignan ang mga samu't saring reaksyon sa mukha nila
Naramdaman ko naman na pinatong ni Thomas ang kamay nya sa kaliwang balikat ko para iharap ako sa kanya pero bago pa mangyare iyon ay humimlay sa lupa si Kim
"KIM!!" Sabay sabay naming sabi
Out of nowhere ay dumating si kuya Almond suot suot pa ang kanyang uniporme sa kolehiyong pinapasukan
"Baby, wake up" sabi ni kuya Almond habang mahinang sinasampal ang pisngi ni Kim
"Anong nangyare Mika?"
"Natamaan sya ng bola kuya, head shot" pag papaliwanag ni Mika kay kuya Almond.
Wala ng nagawa si Kuya Almond kundi irapan nalang ang mga nakatama sa baby nya at binuhat na ito.
Sumunod naman kami sa kotse nya at pumunta sa emergency
...
"Makakatikim talaga saakin yung mga player na yun, sino ba coach nun?" Galit na sabi ni kuya Almond habang hawak ang yelo na nakalagay sa ulo ni Kim
"Aray ko naman baby, ako na nga" inagaw naman ni Kim ang yelo sa kamay ni Almond tsaka tinignan ito ng masama
"Ang OA mo din ano, wag mo ng puntahan part naman yun ng training tsaka panigurado bukas ay hihingi yun ng sorry, mababait naman ang mga yun, parang di mo naman sila kilala." pagpapakalma ni Kim sa kasintahan na ngayon ay katabi nya at parang bulkan
"Ah talaga, eh paano kung magkaroon ka ng partial amnesia o permanent amnesia tas makalimutan mong mahal mo ako, naku no excuses Kim makakatikim talaga sila saakin bukas"
Binatukan naman ni Kim si Almond
"Pwersado na ang pagka OA mo baby" tinignan naman sya ni Kuya Almond ng masama habang si Kim naman ay nakangiti lang sa kanya at niyakap ang braso ni Almond
"Wag na kasi baby, okay na ako oh, mahal parin naman kita.. Tsaka gusto ko ako lang makakatikim sa'yo. I love you, Elmend" at sinandal ni Kim ang ulo nya sa balikat ni Almond at muling binigay kay Almond ang yelo
Nagkatitigan kami ni Mika at sabay pumalakpak
"Husay lumandi ng negra" pahayag ni Mika na tinawanan namin ni Kuya Almond
"Wag ginger bes, kung ako kasi sa'yo ay nakikipagbati ka na sa intsik beho mo" Kim tuck her tongue out at muling sumandal sa balikat ng boyfriend nya
Bago pa magkasagutan ang dalawang ito ay pinigil ko na
"Oh sya mauuna na kami Kim, gumagabi na kasi at umay na kami ni Mika sa lambingan nyo ni kalbo" inirapan lang ako ni Kim
"Layas na mga hampaslupa" sabi ni Kim at lumabas na kami ni Mika sa cubicle ni Kim
Habang naglalakad kami ni Mika palabas ay yumakap sya sa braso ko at sinandal ang ulo nya sa balikat ko habang naglalakad
"Mamimiss kita daks" malungkot nyang pahayag na nagpaalala saakin nung commotion kanina
Tumigil ako at hinarap sya "daks matagal pa yun atsaka babalik din naman ako dito. Alam mo daks na ilang taon ko ng hindi nakakasama ang pamilya ko, kaya sana ay wag ka na masyadong magtampo" pagaalo ko sa kanya
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanfictiePag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.