Satisfied

383 8 0
                                    

"Isang masigabong palakpan para sa kapatid ng bagong kasal na si Camille Cruz" naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga bisita ng tumayo na ang nakakatandang kapatid ni Desiree. Hindi natitigil ang hiyaw at palakpakan hanggat hindi sya nakakarating sa gitna ng entablado.

Camille's POV

"Para sa aking bayaw! Para sa aking kapatid na si Desiree na alam kong labis ang saya na nadadama! Para sa kanilang pag iisang dibdib!" tinaas ko ang baso ko na naglalaman ng alak.

Ininom na ng lahat ang alak nila at hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Alam ko hindi ko dapat maramdaman ito pero, ako ang dapat na nandun at hindi si Desiree.


Manila Circa 1945'

Pinuno ang bulwagan ng mga sundalo at mga politiko. Bilang panganay na anak ng isang senador ay responsibilidad ko na gayahin ang kanyang mga ginagawa at yun ang magiliw na makipagbatian at makipag sosyalan sa mga tao. 

Habang iniikot ang kabuan ng bulwagan ay isang matamis na ngiti ang nakaplakad saaking labi ng matigil ako ng dumapo ang aking tingin sa isang lalake na may nakakabighaning ngiti at awra na sumisigaw ng kalayaan.

Nahuli nya akong nakatingin sa kanya at binati ako. Sa muli ay napahinto ako mula sa aking kinakatayuan pero hindi din nagtagal ay lumapit ako sa kanya.

"Magandang gabi binibini" kinuha nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

Sa pangyayareng yun ay patuloy ang paglundag ang aking puso sa hindi malamang dahilan at bago ko pa mamalayan ay nasa gitna na kami ng bulwagan at masayang nagsasayaw sa tugtog.

Nagpatuloy ang aming pag uusap habang nag sasayaw kami at sa unang beses saaking buhay ay nakipag talastasan ako sa taong gusto din ang mga hilig ko.

Natapos ang sayaw namin at sa muli ay hinalikan nya ang tuktok ng aking kamay.

"Ako nga pala si Camille Cruz, butihing ginoo"

"Camille, kay gandang pangalan. Kirell Brahndon Montalbo, ang kanang kamay ni Presidente Gomez"

"Kinagagalak kong makilala ka ginoo"

"Kib tara kumain na tayo!" Hinila na sya ng kasamahan nya papunta sa hapag at naiwan ako mag isa sa gitna ng bulwagan pero ayos lang saakin nun.

At sa kanyang paglisan ay dun lang ako nakahinga ng maayos. Iba ang aking tuwa sa pagkatagpo sa kanya, isang lalake na kasing lebel ng aking pag iisip. Ito pala ang pakiramdam pag nakatagpo mo na ang katapat mo.

Nilibot ko ang buong bulwagan upang hanapin ang aking kapatid at ibalita sa kanya na may lalake akong natitipuhan at ayoko na syang pakawalan pa.

Matapos ang trenta minuto na paghahanap saaking kapatid ay nakita ko syang nakaupa sa isang mesa. Tinakbo ko ang kanyang kinalalagyan at namataan na malungkot sya.

"Desiree, kapatid ano ang iyong problema at lugmok ang iyong mukha?"  tanong ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang balikat.

at sinundan ko kung saan sya nakatingin, at nagulat ako ng nakatingin din sya kay Kirell! Nagpabalik balik ang tingin ko sa malulungkot nyang mata at kay Kirell.

"Gusto ko sya, Ate Camille. Gusto kong mapasaakin ang lalakeng iyon"  sambit nya saakin na lalong nagpahigpit saaking hininga. Dun ko napag isip ang tatlong bagay na dapat kong isuksok sa kukote ko.

Una, isa akong elitista na babae at dapat mapangasawa din ako ng elitista na lalake at dahil ako ang panganay na anak ng aking ama ay kailangan kong makipag sosyalan para maitaas pa lalo ang estado namin sa lipunan na aming kinagagalawan at kung mas pipiliin ko si Kirell na mas halatang hindi maibibigay saakin ay hindi ko magagampanan ang aking tungkulin ngunit hindi ibig sabihin nun ay ayoko na sa kanya.

Lumapit ako sa pwesto nila Kirell at nginitian sya.

"Oh binibining Camille" hinawakan ko sya sa kanyang braso.

"Saan mo ako dadalhin binibini?"

"Babaguhin ko ang iyong kapalaran" mapanukso kong sagot sa kanya

"Hindi ko alam kung paano pero sige magtitiwala ako." marupok na tugon nya saakin habang hinihila ko na sya patungo sa aking kapatid

Pangalawa, isa akong Cruz at yun ang habol saakin ni Kirell upang maitaas ang kanyang estado sa lipunan at dahil nga namangha ako sa akin nyang katalinuhan ay naging ignorante ako ukol doon kung kaya pinakilala ko sya kay Desiree na ngayon ay asawa nya.

"Ako nga pala si Desiree Cruz, nagagalak kitang makilala Ginoo" yumuko ang aking kapatid kung kaya't hindi nya nakita ang palitan namin ng tingin ni Kirell.

"Cruz?" Takang tanong nya saakin. Tila bagang naguguluhan sya sa mga kaganapan ngayon.

"Kapatid ko, sya ang bunsong anak ni Senador Diosdado Cruz" pagtugon ko sa kanya na may banayad na ngiti.

"Salamat sa pagaalay ng iyong buhay para makatam ang kalayaan" 

"Kung kapalit ng aking paglaban ay ang makilala ka binibini, hindi ako magdadalawang isip pa na sumabak at lumaban sa gyera" hinalikan nya ang kamay ng aking kapatid tulad ng ginawa nya saakin kanina.

Alam ko na isa yung pag respeto pero makita yun na ginagawa yun sa iba ay nagpapasikip sa aking dibdib. Ayoko na may ginaganoon syang ibang babae kahit na kapatid ko, gusto ko ay ako lang.

Tumalikod na ako sa kanila at iniwan sila

Pangatlo, Kilala ko ang kapatid ko! Wala ng mas babait pa na taong nakilala ko sa kanya. Kung sasabihin kong gusto ko si Kirell ay hindi sya magdadalawang isip na hayaan sya saakin, magiging akin si Kirell. Pero hindi ko maatim na makikita kong pinipilit nya ang sarili nya na maging masaya para saamin. Mahal ko ang kapatid ko kung kaya't mas uunahin ko ang kaligayahan nya kesa sa kaligayahan ko.

Pero tuwing gabi ang mga mata at ngiti ni Kirell ang naalala ko tuwing titignan ko ang maaliwalas na kalangitan. Ang mga mata at ngiti nya ang lagi kong inaalala. 

Lagi akong bumabalik sa gabing iyon, nakakulong na ako sa gabing iyon, paano kung hindi ko sya nakilala, paano kung hindi ko sya nakausap, paano kung mas pinairal ko ang pagiging makasarili ko, paano kung saakin si Kirell, paano kung ako ang nasa posisyon ngayon ni Desiree at si Desiree naman ang nasa posisyon ko.

Pero hindi ko dapat iniisip ang mga to! Magpasalamat nalang ako sa Diyos at si Desiree ang napangasawa nya dahil kahit papaano ay masusulyapan ko parin ang kanyang mata at ngiti sa aking buhay.

  "Para sa aking bayaw! Para sa aking kapatid na si Desiree na alam kong labis ang saya na nadadama! Para sa kanilang pag iisang dibdib!" tinaas ko ang baso ko na naglalaman ng alak. 

 Ininom na ng lahat ang alak nila at hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Alam ko hindi ko dapat maramdaman ito pero, ako ang dapat na nandun at hindi si Desiree.

Hindi ko dapat maramdaman ito dahil alam ko na labis labis ang sayang nararamdaman ng aking kapatid dahil sya ang pinakasalan ni Kirell.


12:47 250418

So I hope u lyk may mini fanfic for the three hihihihihi

Typos and grammatical errors are ebriwer

Love, Johanna

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin