Hi @yshiken_30 and @loveXXXpanda part two ng kung pwede lang, hope you like it mga achi :D
Isang linggo ang lumipas pero wala paring nagbago.Balikan natin ang nangyare nung gabing iyon.
"Gusto din kita, Thomas" unti unti akong lumingon sa'yo. Malakas ang kabog ng aking puso.
Sa wakas crush din ako ng crush ko.
Handa na akong humakbang papalapit sa'yo at ikulong ka sa bisig ko ng magsalita kang muli.
"Pero mahal ko sya, mahal na mahal." Hindi napawi ang ngiti sa aking mga labi sa halip ay lalo pa tong lumapad na para bang masisira ang aking mga labi sa labis na lawak nito.
"Alam ko" Muli akong tumalikod sa'yo at hinila si peanut.
"Mauuna na ako. Goodnight" umalis na ako sa kinatatayuan ko. Lumayo na ako sa'yo pero sa bawat hakbang ko ay tila bang hinihila ako pabalik sa'yo.
Hindi totoo ang sinabi ng silent sanctuary na kakayanin ko na masanay na meron ka ng ibang minamahal. Hindi naman talaga makakarelate ang sitwasyon natin sa kanta nilang iyon dahil kahit minsan hindi naging isa ang ating pag ibig.
Dumaan ang mga araw at hindi na tayo nag papansinan, iniiwasan kasi kita.
"Class makinig saakin!!" Nanahimik ang buong klase sa sigaw ng aming adviser.
"Magkakaroon tayo ng lakan at lakambini ng wika. Tatlong pares ang pipiliin bawat section at nakapili na ako ng saatin" samu't saring mga reaksyon ang makikita mula sa aking mga kaklase at isa ako dun sa mga walang pakialam.
Umangat ang tingin ko ng tawagin ako ng aking adviser. Tumayo nalang ako. Isa pala ako sa napiling lakan at ang kapareha ko ay si Carol.
Matapos ang klase ay nagpatawag ng meeting si mam Trinidad.
"Dalawang kasuotan ang kailangan nyo: national costume at native wear, depende sa mga rehiyon namabubunot ninyo. Sa thirty ang preliminaries at sa thirty one naman ang finals. Since buwan ng wika ito ang ipapamalas nyo sa talent portion ay may kinalaman sa wika." Tumango kaming lahat at marami pa syang mga paalala.
Habang naglalakad pauwi ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa talent portion namin ng biglang mag pop out sa isipan ko ang palabas na isang daan na tula para kay Stella; gayahin ko nalang kaya si Fidel, tama gagayahin ko nalang sya.
Kampante na ang aking loob at nakapag lalad na ako ng magaan ang pakiramdam. Pag kauwi ko ay sinabi ko kay mama na kasali ako sa program at kailangan ko ng barong tagalog.
Ngayong kaharap ko ang blankong papel ay nablangko din ang isip ko.
Hindi nga pala ako kasing galing ni Fidel na kayang mag alay ng isang daan tula para sa iisang tao.
...
Dumating na ang araw ng preliminaries at tinipon ang lahat ng kalahok sa AVR kung saan idadaos ang talent and portion. Pang walo akong sasalang at habang naghihintay ako ay hindi ko napigilan na mapatitig sa'yo, ang ganda mo kasi. Binigyan mo ng hustisya si Maria Clara sa itsura mo ngayon.
Pero kahit gaano pa katagal ang pagtitig ko sa'yo ay hindi mo man lang ako tinapunan ng tingin kasi abala ka sa pagbabasa mo ng piyesa na itatanghal mo.
Tinawag na ang numero ko at lumakad na ako papunta sa mikropono sa harapan kung saan kitang kita ko kung paano ka nya bigyan ng tubig at kung paano kayo nag ngitian.
"Please proceed" sabi ng isang hurado kung kaya ay nabalik ako sa mga paa ko.
Tutulala ako para sa'yo pero ngayon palang patawarin mo ako dahil hindi ko susundan ang nakasanayan. Lalagpas at magkukulang ang mga linya ko. Walang ritimo dahil alam naman nating pareho na hindi ito ang aking talento. Pero kahit ganun tutula parin ako para sa'yo kaya sana, mahal, pakingan mo.
Tutula ako para sa'yo pero hindi ko ito pupunuin ng bulaklak at tamis dahil ang sinapit ko sa'yo ay pait, dahil sa pait ika'y aking inibig. Hindi ka din naman nadadaan sa halimuyak ng bulaklak dahil sanay ka sa pagsinghot at pagyakap ng aking baho.
Tutula ako para sayo hindi matalinghaga ang gagamitin kong mga salita kasi pag dating sa'yo nablablangko ako, isang salita lamang ang nadadama ko, saya.
Tutula ako para sayo, hindi man kasing dami ng nagawa ni fidel atleast sinubukan ko at ito ako ngayon sinasabi sa buong mundo.
Tutula ako para sayo, hindi man kasing poetic tulad kay Tonyo pero parehas kaming minsan ng umibig at lumagapak pero kahit ganun nahanap nya ang bubuo sa kanya sa katauhan ni Lea. Paninindigan ko nalang ang sinabi nyang "Isang beses lang ako nagmahal, masama bang magmahal ng isang lang?" dahil hanggang ngayon naniniwala ako na ikaw ang pait at Lea na pupuno saakin.Tutula ako para sa'yo hindi para maging Fidel, Tonyo o Shiela ng buhay mo pero kung para maging Thomas na habang buhay ay nasa tabi mo, mamahalin ka ng palihim, gagabayan at dadamayan ka sa bawat mapanglaw na gabi.
Tutula ako bilang Thomas na walang hinihingi na kahit na ano sa'yo dahil naniniwala ako ang sarap ng pagbalik ay hindi sa pag hingi o pag pilit kung hindi sa pagtunton ng sariling isip.
Tutula parin ako para sa'yo kahit hindi maging tayo. Tumutula ako para sa'yo umaasang tayo ang magtatagpo sa dulo.
Binuksan ko ang aking mga mata. Tahimik ang silid at ikaw lang ang aking nakikita, lumuluha.
Umalis ako sa harap ng mikropono, naglakad ako palabas ng kwarto.
Kinuha ko na din ang gamit ko sa classroom. Pag labas ko ng hallway ay nandun ka. Magulo na ang iyong damit at kolerete sa mukha pero mahal parin kita.
"gago ka" nakasara ang kamao mo ng sinugod mo ako. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magalaw ang sarili kong paa siguro ay tinanggap ko sa sarili ko na deserve ko ang suntok mo.
Pero sa halip na kamao mo ang dumapo sa mukha ko ay mga labi mo ang sumakop sa labi ko.
Duon ko nasilayan ang sinasabi kong dulo sa tula ko dahil ngayon, sa araw na ito hinihintay kita para humarap sa dulo, dulo ng altar.
At ngayon haharap tayo sa dulo ng walang hanggan mas lalo kitang minahal at alam kong mas mamahalin natin ang isat isa sa mga susunod na araw kasama ang pamilyang bubuuin natin.
...
2144 210917
No proofread. Ang epic nung poem na ginawa ko hahahaha actually it is inspired tutula ako para sa'yo by Rod Marmol.
Wala ng kasunod kasi nga natagpuan na nila yung dulo nila :D
See you sa next update.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanficPag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.