AN: may part na rated r so nag lagay ako ng *** before and after that part so kung ayaw mong mabasa yun feel free to skip it. :>
Kinagabihan ay umuwi din kami ni Thomas sa Cavite.
Habang kasama ko si Thomas at nakikita ko ang singsing sa daliri ko ay naguumapaw na saya ang bumabalot saaking puso.
"Thomas, thank you" sabi ko sa kanya habang tinitignan ang singsing sa daliri ko.
"Get over it Ara pang ilang beses ko ng narinig yan ngayong araw." natatawang sabi saakin ni Thomas. Hinarap ko naman sya.
"You know hindi lang talaga ako makapaniwala na aabot tayo dito, don't get me wrong pero I don't expect this soon."
"Well to be honest I expect that you'll say that pero masisi mo ba ako kung gusto kong simulan ang panibagong yugto ng buhay ko na kasama ka?" Thomas held my hand and kiss the ring on my finger then teasingly look at me.
Agad ko naman tinulak ang mukha nya papalayo saakin.
"Ewan ko sa'yo mag drive ka na nga go na!" sabi ko at tinago ang pamumula ng mukha ko sa kanya.
I just can't believe na I will be spending the rest of my life with this man for better or for worse.
Marami pa kaming apag kwentuhan ni Thomas habang nasa byahe kami or should I say habang na stuck kami sa traffic? Ilang oras ang dumaan at nakarating na kami sa Cavite at sakto ay naghahanda na ng makakain si nanay.
Habang nag papahinga si Thomas sa sala ay tinulungan ko na si nanay na mag ayos ng hapag kainan.
"Mukhang masayang masaya kayo ni Thomas ngayon nak ah?"
"Nakapasa kasi sya nanay sa board exam nya tapos top notcher pa sya nay."
"Napaka bait talaga ng Dyos anak at pinag pala ka ng nobyong katulad ni Thomas at gwapo pa" napatawa naman ako sa huling marka ni nanay kay Thomas.
"Nanay, may gusto po akong sabihin sa inyo." nakangiti kong sabi habang inaayos ko ang mga plato at kubyertos sa mesa habnag nag sasandok naman ng kanin ang aking nanay.
"Ano yun anak? Wag mong sasabihin na magpapakasal ka na?" natatawa nyang sabi saakin pero halata mo ang kaba sa kanyang boses.
Nag iba naman ang pinta saaking mukha ng marinig ko ang tono ng pananalita ng nanay at mas lalo pa nung nakita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Dahan dahan nyang nilapag ang kanin sa mesa pero hindi nawawaglit ang tingin nya saakin na pilit ko namang iniiwasan.
"Uy adobong manok! Sakto gutom na ako!" biglang sumulpot si Thomas sa likuran at sa wari ko ay hindi nya napansin ang tensyon saaming dalawa ni nanay dahil ang buong atensyon nya ay nasa ulam namin.
"Maupo kayong dalawa at kakain na tayo" mahinahon at may diin na salita ng aking nanay.
Habang kumakain kami ni Thomas ay nakatitig lang saamin si nanay na para bang may kakaiba saaming mga mukha.
Natigilan kami ni Thomas ng bumagsak sa lamesa ang kubyertos ni nanay.
"Sigurado na ba kayo? Hindi dapat kayo nagpapadalos dalos sa kasal" matalim na wika ng aking ina na nagpababa ng kubyertos namin ni Thomas.
"Ma, nasa harap po tayo ng pagkain" sabi ko dahil damang dama ko ang kaba ng katabi ko, haatang hindi nya napaghandaan ang pangyayare na ito.
Hinawakan ko ang kamay nya na ngayon ay nanginginig.
"Mamaya na po natin ito pag usapan, please" hirit ko pa ngunit sa pagkakataon na ito ay tinapunan ako ni nanay ng isang matalim na tingin.
"Tinanong ko kayong dalawa kung alam nyo ba ang pinapasok nyo hindi ang pag dadahilan mo at pamamahay ko to, gagawin ko ang gusto ko" magsasalita pa sana ako ngunit hinigpitan ni Thomas sa kamay ko na nagpatigil saakin.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
What if ThomAra happened?
FanfictionPag-ibig na pala isipan, sa kanta nalang idadaan ThomAra one shots.