For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
****************************
Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa cell phone ko. Awtomatikong kinapkap ko ang katabi. Wala akong nakapa. Tiningnan ko ang oras sa cell phone. Mag-aalas sais na! Kaagad akong napabangon. Kailangan na naming magbihis. Alas nuwebe y medya ang alis ng eroplano. Nasaan na ba ang Brian na yon? Pagbaba ko ng kama, bumulaga sa paningin ko ang tulog na tulog na Brian sa couch.
Hindi ko na muna siya ginising. Dali-dali akong nagtungo sa banyo dala-dala ang isusuot ko. Mabilisan ang ginawa kong pagpunas sa sarili. Hindi ko na binasa ang buhok. Tinali ko na lang ito. Nakabihis na ako nang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si Brian.
Pambihira naman ito. Tulog mantika. Nilapitan ko siya at marahang niyugyog ang balikat. Napaungol ito. Inulit ko ulit. Bumalikwas lang at tinalikuran ako. Talagang pambihira! Hinampas ko na sa balikat.
"Hey! It's almost six thirty!" sigaw ko. Napabalikwas ito kaya napaatras ako. Napatingin ito sa relos at napabangon bigla nang makitang pasado alas sais na nga.
"Why didn't you wake me up?" asar na asik nito sa akin.
"I did," sagot ko. Napangiti ako. Nakakatawa kasi siya tingnan. Di magkandatuto kung anong uunahin. Magsesepilyo o magpupunas.
Nahuli niya akong nakangiti. Tinapunan ako ng masamang tingin pero hindi na nagkomento. Tumakbo na ito sa banyo dala-dala ang damit na isusuot. Mayamaya pa lumabas na rin itong nakabihis na. Naka-polo shirt ito ng puti at nakapantalon ng maong. Ang guwapo. Nainggit na naman ako kay Maiko. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon in her past life para gantimpalaan ng ganito ka kisig at guwapong nilalang?
"Stop staring! You're almost drooling," inis na sabi nito. Hinagis pa sa akin ang basang tuwalya na pinampunas niya sa buhok.
"Hey!" sigaw ko. Half-startled, half-irritated.
"Please hang it for me," utos nito sa akin habang inaayos ang mga gamit sa maleta. Tiningnan ko siya nang masama pero agad din naman akong tumalima. Wala na kaming oras para magbangayan.
Tinulungan niya ako sa mga bagahe ko. Siya na ang nagbuhat kaya shoulder bag na lang ang tangi kong dala. Himala. Feel niyang maging gentleman ngayon. Di gaya nang una ko siyang makilala.
Pagka-check out namin, may shuttle bus nang naghihintay sa amin sa labas. Courtesy of our hotel. Ito raw ang maghahatid sa amin papuntang airport.
"Do you want an isle or window seat, sir?" nakangiting tanong ng Haponesa kay Brian. Nagpapa-cute ang bruha! Napasimangot ako. Ba't ako hindi niya tinanong? Malanding ito.
Binalingan ako ni Brian. Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko.
"Isle seat," maikli kong sagot.
"Okay, I'll take the window seat," sabi ni Brian sa babae. Nun lang ako binalingan nito. "Oh, are you traveling together?" paninigurado pa.
Parang gusto ko siyang kutusan. Hindi ba obvious? Sabay naming binigay ang passports namin sa harap niya? Tsaka magkasama din naming pinakilo ang mga bagahe namin? Ano ba nangyayari sa bruhang ito?
"Yeah," nakangiting sagot ni Brian. I rolled my eyes.
Pagka-check in, dali-dali na kaming pumasok sa loob. After a few minutes, nakarating kami sa departure area namin. Napatingin kaagad ang mga Pinoy na nandoon sa amin. Ang mga babae'y halatang attracted agad kay Brian. Pasimple kong pinakiramdaman ang kasama ko. Parang wala naman itong pakialam. Parang hindi nga napapansin na ganun kalakas ang dating niya.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...