For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********
Noong maliit pa ako pangarap ko nang magkaroon ng isang enggrandeng kasal. Iyong mala-Cinderella ang dating - nakasakay ako sa karwahe, suut-suot ang pinakamagandang trahe de boda habang papunta ng simbahan, habang ang groom ko nama'y naka-ala Prince Charming na suot at nakasakay sa kabayo. Kailangan ding punung-puno ng sari-saring bulaklak mula sa iba't ibang panig ng mundo ang simbahan at dapat lahat ng nandoon para sumaksi ay naka-cocktail dress. At imbes dalawang doves ang pakakawalan pagkatapos ng seremonya, gusto ko love birds para maiba naman. Gusto ko ring sabuyan kami ng mga petals ng iba't ibang bulaklak pagkatapos ng kasal, pero gusto ko magmumula ito sa himpapawid - kaya kailangan may helicopter.
Eight years old pa lang ako, nakaplano na ang wedding ceremony ko, complete with all the details. Meron pa akong mga clippings ng iba't ibang wedding gowns na pagpipilian ko tsaka mga exotic beaches kung saan kami magha-honeymoon. Nakapili na rin ako kung saang simbahan gaganapin ang seremonya at kung sino ang magkakasal sa aming pari. Naisip ko noon, dapat arsobispo talaga ng Cebu. Hindi ako papayag na ordinaryong pari lang. Natatawa nga sa akin si Yaya Merced. Mas nauna pa daw akong magplano ng kasal kaysa magkaroon ng crush.
Dahil sobrang importante sa akin ang seremonya ng kasal, sinikap din sana ni Papa na mabigyan ako ng pangarap kong wedding noong ikakasal sana ako kay Anton. Wala nga lang karwahe dahil medyo malayu-layo ang bahay namin sa simbahan. Pero naroon lahat, pati ang helicopter na gagamitin sa pagsaboy sa amin ng mga petals ng paborito kong bulaklak. Pero yon nga, di yon natuloy. Ang grand wedding na pingarap ko ay naging isang bangungot dahil hindi ako sinipot ng aking Prince Charming na napagtanto kong hindi naman pala prinsipe kundi isang duwag na kawal lamang.
Ni sa panaginip hindi ko inisip na ang kasal ko ay magtatagal lamang ng dalawa hanggang limang minuto. Ni wala pang pari, mayor o judge na nagbasbas sa amin. Basta lang namin sinumite ang kakailanganing papeles sa registrar ng city hall ng Kurashiki at makaraan ang ilang sandali, binigyan na kami ng Kon-in Todoke Juri Shomeisho (Certificate of Acceptance of Notification of Marriage). At yon na. We're now Mr. And Mrs. Brian Thorpe! Ganunpaman, it was the happiest day of my life! Kung di lang ako nahihiya kay Brian, gusto kong yakapin at halikan ang certificate na yon. Grabe, nag-uumapaw ang aking kaligayahn. Hindi ko sukat-akalain na maging sobrang masaya ako kahit na hindi natupad ang pangarap kong kasal.
"How are you doing, Mrs. Thorpe?" nakangiting tanong sa akin ni Brian. May himig panunukso ang boses. Kanina pa kasi ako tahimik.
Napatingin ako sa kanya at napangiti na rin. Parang may bumara sa lalamunan ko at may mga luhang nangilid sa aking mga mata sa sobrang kaligayahan. Kanina ko pa nga kinukurot ang sarili ko para masiguro na hindi ako nananaginip lamang. Totoong asawa ko na ang guwapong blonde guy na nasa tabi ko.
"I'm fine," sagot ko sa mahinang boses. Tumulo na ang luha ko. Di ko na sila napigilan pa. Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido.
"I cannot promise you great wealth and finer things in life, but I will make certain, you will have a blissful life with me," madamdamin niyang bulong sa akin habang pinipisil-pisil ang balikat ko. Tumango lang ako.
Binati kami ni Ota-sensei at ng asawa niya ng "best wishes" tsaka niyaya kaming mag-lunch together sa Royal Host na nasa di kalayuan lamang. Nakisabay kami sa kotse ng boss naming hapon. Yon na bale ang reception ng kasal. Ni wala man lang kaming kaibigang dumalo. Lahat kasi may mga klase pa at naghahabol na matapos ang lessons dahil ilang linggo na lang at magtatapos na ang school year. At personally, ayaw ko ding may makasaksing kaibigan kasi baka di nila kami maintindihan at maawa pa sa amin. Ang hindi nila alam sobrang saya namin ni Brian.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
Literatura Femininahttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...