For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
For PRINTED copies of the book, go to Lazada and Shopee. Search n'yo lang, The Jilted Bride by Gretisbored.
**********************************
Papasok na sana ako sa loob ng Cappriciosa nang bigla akong napaatras sabay kubli sa malapit na poste. Nakita ko kasing lumabas doon ang umiiyak na si Maiko. Nakabuntot ang naiiritang si Brian. Tila may katotohanan ang tsinismis sa akin ni Rhea nang nagdaang gabi. Ayon daw kasi kay Gary medyo nagkakalabuan ang dalawa sa ngayon. Palagi raw silang nag-aaway. Nakaramdam ako ng konting pag-asa at tuwa. I felt so bad. Nagbubunyi ang puso ko sa heartaches ng iba. Pero anong magagawa ko? Nagmamahal lang din.
Nakita kong nagpapaliwanag si Brian kay Maiko. Di ko lang marinig dahil may kalayuan sa kinaroroonan ko. Mayamaya pa'y sumama na siya sa nobyo na bumalik sa loob ng restaurant.
Hindi na ako tumuloy sa Cappriciosa kahit na miss na miss ko nang kumain ng pasta. Naghanap na lang ako ng isang Japanese restaurant kahit na medyo may kamahalan.
Nang sumunod na araw, nakatanggap ako ng text message galing kay James, yong crush ni Rhea. May hinahanda daw silang surprise birthday party para kay Brian. Nais nila akong dumalo. Tinanong ko siya kung lahat ba imbitado?
"Well, we only chose those whom Brian expects to be there," sagot nito na ikinakunut ng noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
Napangiti ako nang maisip ang implikasyon ng sinabi niya. Pero kaagad ding pinagalitan ang sarili. O, ayan ka na naman, e.
"Are you sure he expects me to be there? We are not really that close, you know," paniniguro ko and at the same time, gusto ko ring makasagap ng balita. Sinagot niya ako ng nakatawang emoticon. Tapos hindi na nagtext. Pambihira. Tinawagan ko si Rhea. Tinanong kung imbitado rin siya.
"Oh, did James invite you already?" tanong nito agad. Mukhang may alam ang bruhang ito a.
"Yeah. Just got his text message. Did you tell him to invite me?"
"Well, you know honey, sometimes you need to be a little aggressive," at tumawa na naman ito. Nalungkot tuloy ako. Hindi na niya kailangan pang magpaliwanag. Alam ko na kagagawan nito ang pag-imbita sa akin ni James. Akala ko pa naman...
Nang Linggong yon, dinaanan ako sa bahay ni Rhea. Wala sana akong balak pumunta sa nasabing party kaso halos kaladkarin na niya ako. Huwag na raw akong magpatumpik-tumpik pa dahil bilang na raw ang araw na pwede akong lumandi kay Brian. Kaya dapat daw, kapag may pagkakataon ay hindi ko dapat pinapalampas.
Nagbihis ako ng skinny jeans at blusa na maluwang. Tingin ko'y ang ganda ko na. Bagay na bagay sa akin ang outfit. Pero, hindi iyon pumasa kay Rhea. Masyado naman daw akong covered. Dahil malapit nang mag-summer, bakit di na lang daw ako magshorts o mag-mini skirt? Ito ang namili ng isusuot ko. Ang natipuhan ay pinutol na maong shorts na may mga tastas. Tsaka ang itinerno dito ay ang kulay black na tube.
"Oh no! I would be pretty obvious in that outfit," natatawa kong reaksyon. Baka isipin ni Brian na masyado naman akong nagpapaseksi sa kanya.
"Okay. If you don't like that, why not this one?"
Pinakita niya sa akin ang itim na mini-skirt at puting blusa na hindi masyadong hapit sa katawan pero di rin naman maluwang. Short sleeves ito. Yon na nga ang sinuot ko. Pinaresan ko yon ng sandals na manipis lang ang strap. Nagustuhan ko ang hitsura ko sa salamin. Seksi na inosente ang dating.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...