For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
************************
Hindi na kami nakauwi ng bahay dahil natagalan kami sa Saizeriya kung kaya dumeretso na kaming apat kung saan ang meeting place ng grupo para mag-karaoke. Nandoon na silang lahat pati si Hiromi-sensei, ang nag-imbita kay Rhea sa friendly match. Pinakilala ako sa kanya ni Rhea. Ako daw ba ang special friend na tinutukoy ni Brian? Tumawa lang ang mokong nang marinig ito at inakbayan ako. Ang tamis ng ngiti ko nang sulyapan si Mayu pero hindi ito nakatingin sa amin. Kausap nito ang isa pang guro, ang assistant coach. Pero feeling ko narinig niya yon. Nagbibingibingihan nga lang.
Nagtaka ako kung bakit puro guro lang ang nandoon. Nasaan na ang mga key players na siyang nagpanalo sa match? Akala ko pa naman para sa kanila itong victory party. Bakit ni isa sa kanila ay wala? Tinanong ko si Brian tungkol dun.
"They're strictly not allowed to drink. So they're discouraged to go to karaoke places or bars," paliwanang niya.
Nakita kong mukhang abala si Mayu sa pakikipag-usap sa assistant coach kaya nakatabi ko sa paglalakad si Brian nang walang sagabal. Pinapagitnaan namin siya ni Rhea para hindi na makasingit ang bruha.
Pagdating namin sa building kung saan kami magkakaraoke, medyo naliyo ako nang konti. Napaka-smoky. Ang baho talaga. Napaubo pa ako.
"Are you okay?" tanong ni Brian.
Tumango lang ako. Nanibago lang siguro ako sa amoy ng sigarilyo dahil ang tagal na ring di ako nakapunta sa mga ganitong lugar.
Mayamaya pa, dala-dala na ni Hiromi-sensei ang maliit na tray na may lamang remote control ng karaoke machine at dalawang mikropono. Sinamahan kami ng isang staff papunta sa room na naka-assign sa amin.
Medyo malaki ang nakuha naming kuwarto. Marami kasi kami. Mga kinse katao lahat. Tumabi si Rhea kay Hiromi-sensei. Ako namay'y sa gilid ni Brian naupo. Katabi ko ang isa pang medical team volunteer. As expected, nasa kabilang side ng boyfriend ko naupo si Mayu.
Nag-order ng beer ang lahat liban sa akin. Oolong tea lang ang inorder ko kung kaya napatingin sa akin si Brian.
"You don't like Guinness, anymore?" may himig pagbibirong tanong nito. Hinagkan pa ako sa sentido.
"I just don't want to get drunk like before," sabi ko naman.
"I'm here. I'll take care of you," malambing na sagot niya.
Napangiti lang ako lalo na nang makita kong napaismid si Mayu. Pilit lang nitong ikinukubli sa pamamagitan ng paghahanap ng makakanta sa binigay sa aming makapal na magasin.
"Thanks. But I'm okay with oolong tea," sagot ko.
Hindi pa nakakarating ang order namin, pumasok na ng kanta si Mayu. Ang bilis ng babaeng ito. First love ni Utada Hikaru ang kinanta niya. Nainis ako. Yan lang ang kabisado kong Japanese song tapos inunahan na naman ako. Nakakarami na yata ito sa akin, a.
In fairness, may boses din ang bruha. Kaya pala ang lakas ng loob. Nagsipagpasok na rin ng gustong kantahin ang iba pang naroon. Pati si Rhea. Kaya naghanap na rin ako ng makakanta. Marami-rami rin ang available na Western songs pero karamihan ay luma na kaya nagkasya na lang ako sa Dreams ng Cranberries. Pinasa ko na ang magasin kay Brian. No'n naman nagsidatingan ang order namin kaya natigil panandalian ang kumakanta. Nagsalita si Hiromi-sensei ng pasasalamat, lalung-lao na sa coaching staff. Special mention niya si Brian. Pagkatapos ay tinaas nito ang mug at sabay sabi ng "kampai!" (cheers). Hawak-hawak ang sariling baso, itinaas din namin ito sabay sigaw ng "kampai". Binalingan ko si Brian at pinagdikit namin ang aming mga baso at nagngitian.
BINABASA MO ANG
THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)
ChickLithttps://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants what it wants, or else it does not care." - Emily Dickinson That was all Anton could say to me when he eloped with my best friend, Laurie, du...