Chapter Ten - Spark

45.5K 708 34
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

You may buy the PRINTED Book on Shopee and Lazada. Look for Gretisbored.

**************************

Kinalunesan, excited akong pumunta ng city hall. Kung ang ibang mga kasama ko ay nagrereklamo dahil meron na naman kaming training, ako masaya. Nalaman ko kasing isa si Brian sa mga resource speakers namin.   

Nauna siyang magsalita sa grupo. Ayon sa kanya, hangga't maaari, kailangang i-relate raw sa famous Japanese personalities ang lesson para maengganyong makinig ang mga bata. It has always worked for him daw.   

Kahit naman tumayo ka lang sa harap ng mga estudyante mo, for sure, makikinig na sila sa yo. 

"Yes, Ms. Marquez? You were saying.....?" tanong nito sa akin. Napansin niya! Binulong ko na nga lang yon, e. Ang talas naman ng radar nito. 

"Oh nothing. I was just talking to myself," nahihiya kong sagot. Lahat kasi sila ay nakatingin na sa akin. Biglang napabunghalit ng tawa ang mga kasamahan namin, lalung-lalo na si Liam. 

Tiningnan ako nang masama ni Brian. Iniisip siguro na di ko siya siniseryoso. Hmp, paranoid. 

Kinalabit ako ni Rhea. Nakangisi ito. "What were you murmuring there, sweetie?" 

Tiningnan ko siya, ngumiti, tsaka umiling. Napahagikhik ito. Parang may ideya na raw ito kung ano.  Nang magbreak time nga, hinila niya ako sa tabi at kinausap. Nag-girl talk kami. Hindi na ako nakapagsinungaling sa kanya. Nahulaan niyang type ko nga si Brian. 

"Well, I can't blame you girl. Lots of girls here are crazy about him," natatawang sabi nito. 

"Including you?" panunukso ko. 

Para itong kiniliti. "A little," at humagikhik na naman. "But I prefer black guys. I actually, like," at binulong niya sa akin ang pangalan ni James. Isa yon sa mga magte-train sa amin. Gaya niya, black American din si James. Natawa ako. Kaya pala panay ang sulyap niya sa lalaking yon. 

Naghahagikhikan at nagbubulungan kami nang mapadaan si Brian. Nang magtama ang aming paningin ay kaagad na naningkit ang mga mata nito. Siguro iniisip na pinagtatawanan namin siya ni Rhea. Ang sama ng tingin niya sa akin. 

"Hey there, Brian," nakangiting bati ng kaibigan ko. Hinampas pa nito nang pabiro sa balikat si Brian. Ngumiti naman agad ang mokong. At tila nakalimutan na ang bad mood. Nakipagbiruan na ito kay Rhea. Dinedma lang ako. "Good job, with your little motivation technique. But you know what? I don't think you need them," tatawa-tawang sabi pa ni Rhea. 

Kinurot ko siya nang palihim. Pero umilag lang. Nagpatuloy pa rin. "As I was saying, all you need to do is stand in front of your class and they will be motivated to learn," at humagalpak na naman ng tawa ang bruha. Talagang hindi napigilan ang bunganga. Pinamulahan ako kahit na hindi naman ako ang nagsabi nun kay Brian. Pero kasi ganung-ganun ang binulung-bulong ko kanina sa sarili. 

"Really?" nakangising tanong nito kay Rhea. Tsaka tinapunan ako ng tingin. Umiwas ako. 

"Hey, Brian!" tawag ni Liz sa di kalayuan at kinawayan ang binata. Napatingin kaming tatlo sa babaeng yon.  "Wanna join us?" At minuwestra nito ang bakanteng upuan sa tabi. Kasama nito sina James at Gary. 

Nagpaalam naman agad si Brian kay Rhea bago lumapit sa table nila Liz. Kami naman ni Rhea ay dumeretso na sa kitchen ng cafeteria. Tapos ay tsinek namin kung okay na ang menu na inorder for lunch. Kami kasi ang naka-assign para sa lunch ng buong IET. Hindi naman kami ang magluluto. Kailangan lang naming masiguro na may sapat na pagkain para sa lahat. Kami rin ang namili ng dishes pagkatapos naming tanungin bawat isa kung ano ang preference nila. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon